"Oh saan ka pupunta?" tanong niya nang mapansin na paalis na sana ako.
Nginitian ko lang at nagwave, nahihiya kasi ako. Putek ano kaya yung itsura ko kahapon habang umiiyak ako kasama siya tapos nadamay pa siya sa gulo na dapat ako at si Kendrick lang ang involve.
Ngumiti naman siya sa akin at tinapik ang sahig na inuupuan niya. Ewan pero naglakad na lang ako papunta doon at umupo sa tabi niya.
"Ah ano s-sorry kasi ano nadamay ka pa dahil sa akin." Nakatungong saad ko.
Amporckchop mukha galit siya kasi hindi siya nagsalita.
"Pero don't worry gagawa ako ng paraan para malinis yung pangalan mo. Sorry talaga." Pagmamakaawa ko na sana naman ay tanggapin niya.
"Okay lang yun. Huwag mo ng linisin yung pangalan ko as if naman na may magagawa ka. Isipin mo na lang na parang walang nangyari." He giggled.
Hala ang cute niya mukha siyang prince.
"Talaga okay lang sayo? Hindi ka galit sa akin?"
"Bakit naman ako magagalit? Sinaktan mo ba ako?" he said while looking on his black shoes.
I just smile while looking at him. Ang swerte ng mga kaibigan nito kasi ang bait niya. Ang gwapo na tapos may mabuti pang puso. What if siya na lang boyfriend ko at hindi ang haeop na Kendrick na yun.
"Baka matunaw ako niyan. Don't look at me like that baka isipin ko na crush mo ako." He said while smiling at me.
Napakurap na lang ako at tumungo kasi naman bigla akong nahiya. Amputek talagang lalaking ito hindi ko maintindihan ang mga sinsabi.
"Edi isipin mo, pake ko?" I said while laughing.
Puro lang kami asaran tapos bigla na lang siya sumeryoso yung mukha niya.
"Ano palang oras lunch mo bukas?" he asked at napatigil naman ako katatawa. Bakit niya tinatanong, sasabayan ba niya ako?
"11:30, why?" Bigla naman tumunog yung phone niya, may tumatawag ata.
"Excuse me." He said at lumayo sa akin para sagutin yung tumatawag. Chineck ko naman kung anong oras na at nakita kong ang dami ng message sa akin ni Kuya.
Unggoy: Papunta na ako.
Unggoy: Where are you? Akala ko ba hihintayin mo ako sa parking lot.
Unggoy: Iowa nanggigigil na ako sayo, pumunta ka na dito.
Bumalik naman siya agad tumayo na ako para umalis na sana.
"If okay lang sayo sabay tayo?" he asked while looking down on the floor. Nahihiya ata sa akin.
"Sure." I said while smiling at him at tumingin naman siya sa akin na halatang gulat.
"Ah o-okay. Sunduin na lang kita sa room mo." Ako naman ang nagulat sa sinabi niya. Alam niya room ko?
"H-how did you k-know my room? Ah it's not i-important, see you tomorrow? Hinihintay na ako ni Kuya 'e. Bye!" I said at iniwan na siya doon.
Mabilis ang naging hakbang ko dahil paniguradong galit na galit na naman yung unggoy ko. Nakita ko naman si Kuya na nakasandal sa kotse na masama ang tingin sa akin, halatang hinihintay niya talaga ako.
"At saan ka naman galing babae ka?" agad na tanong niya nangg makalapit ako sa kaniya.
"Kay Papa?" I said at pumasok na sa kotse. Na miss ko tuloy bigla yung kotse ko. Pumasok na rin naman sa kotse si Kuya at sinimulan ng paandarin yung kotse.
"Do want to eat on the restaurant? Hindi raw kasi uuwi sina Mama at Papa ngayon kasi may emergency sa hospital.
Nagisip muna ako sandali at biglang nagcrave sa Korean foods.
"Sa Korean restaurant tayo, Kuya!" excited kong sabi at umiling na lang siya habang nakangiti. Hindi naman traffic kaya mabilis kaming nakarating sa restaurant.
Nauna na akong pumasok sa loob kasi naghahanap pa si Kuya ng space sa parking lot at ako naman hahanap ng table for two. When I looked on my right side I saw Kendrick with his family kaya dali dali ako pumunta sa left side sa may pinakadulo para hindi niya ako makita. Mahirap na baka makita ako ng parents niya, kilala pa man din ako.
Hindi naman nahirapan si Kuya na hanapin ako kaya naupo siya sa harap ko kahit table for four itong pwesto naming.
"Bakit ito ang kinuha mong table natin? Anti social ka ba ha?" Tiningnan ko siya ng masama bago nagsalita.
"I saw Kendrick with his family here, so shut up Kuya kung ayaw mong isungalngal ko sayo itong menu." Pabulong kong saad at nanahimik naman siya.
I ordered some foods kasi pakiramdam ko gutom na gutom ako tsaka libre raw ni Kuya kaya okay lang kahit damihan ko.
Ilang minutes lang ay dumating na yung in-order namin at nag focus na lang ako sa pagkain. This is the reason why I love Korean food, sobrang sarap! Walang nagsalita sa amin ni Kuya habang kumakain kaya mabilis kaming natapos.
"By the way tell me kung ginugulo ka pa rin ni Kendrick, okay?"
I just nodded kasi na alala ko yung sagutan namin kanina sa room. Na aawa ako na ewan, ganito ba talaga kapag soft hearted?
Bago lumabas sa restaurant ay tiningnan ko muna kung andoon pa ba sina Kendrick pero wala na kaya mabilis akong sumunod kay Kuya kasi ang bilis maglakad parang kabayo lang.
Tahimik lang kami sa byahe at wala rin akong balak na magsalita kasi inaantok na ako. Inabala ko na lang yung sarili ko sa kaka-scroll sa Instagram hanggang sa makarating kami sa bahay. Wala pa rin sina Mama at Papa. Naupo muna kami ni Kuya sa living room habang siya ay busy kakapindot sa cellphone niya.
"Kuya, wala ka bang girlfriend?" tanong ko habang nakatingin sa cellphone niya.
"I don't have time for that." Saad niya at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"Bakit naman?" tanong ko ulit sa kaniya.
"Mabuti pang matulog ka na. Ayaw kong madagdagan pa ang intindihin ko. Ang arte mo na nga tapos may magiinarte pa sakin? No thanks na lang." Saad nito at tinulak tulak na ako para iwan ko siya.
Umiling na lamang ako at dumiretso na lang ako sa kwarto. Wala naman akong gagawin ngayon so I decided to stalk Emman sa IG.
Ang daming followers na prinsipe ah.
I follow him and I screen shot some photos of him. Ang gwapo talaga niya, para siyang prinsce na medyo bad boy.
Naalala ko naman na inimbita nga pala ako niya na maglunch bukas. Na excite ako bigla at hindi ko naman namalayan nakatulog na ako.
BINABASA MO ANG
Trap (COMPLETE)
General FictionSa mundong ito hindi maiiwasan na makatagpo tayo ng taong magpapaguho ng mundong ating binuo. Taong magpapasaya sa atin ng sobra sa una pero magpapaluha naman din ng sobra sa huling pagsasama. Ito ba talaga iyong sinasabi nilang pinagtagpo pero hin...