Chapter 9

2 0 0
                                    

Nagising ako nang tapikin ako ni Irene. Napatingin ako sa paligid at napagtantuan na nasa kwarto pa niya ako.Nakatulog pala ako kakaiyak kanina.

"Iowa, ayaw ko sanang gisingin ka pero kasi yung cellphone kanina pa nagri-ring." Saad niya sabay tingin sa cellphone ko.

Kinuha ko naman na yun at tiningnan kung sino ang tumawag. Ilang call ang galing kay Kuya at ang iba naman ay kay Emman. Binuksan ko yung conversation namin ni Emman at bigla akong kinabahan sa message niya.

Emman: Can I see you tomorrow at lunch time? Sa garden sana, I need to talk to you.

Tinago ko na yung cellphone at tumingin kay Irene.

"Ah ano pa lang oras na? Baka hinahanap na ako sa bahay, kailangan ko nang umalis." Saad ko at tumayo na para umalis.

"9pm pero sandali,Iowa mag dinner ka na muna dito."

"Hindi na,Irene.Maraming salamat." Saad ko at binuksan na yung pinto ng kwarto niya.

"Sandali ihahatid kita!" sigaw niya at sumabay sa paglakad ko.

Nang makalabas kami sa bahay nila lumingon muna ako sa kaniya at ngumiti bago pumasok sa kotse. Pinaandar ko na iyon at dumiretso sa isang restaurant. Nag take out lang ako para sa kwarto na lang kumain. Na alala ko na hindi pa pala ako kumakain simula kagabi kaya pala ang sakit ng tiyan ko.

Pagkakuha ko ng order ko ay bumalik na ako sa kotse at nagmaneho pauwi sa bahay. Buti na lang at hindi traffic kaya nakarating ako sa bahay agad.

Pagkapasok ko pa lang sa pinto ng bahay ay nakita ko sa couch si Kuya na halatang may hinihintay. Hindi ko naman na siya tiningnan pa at aakyat na sana ng biglang siyang magsalita.

"Hanggang kailan mo ako hindi papansinin?"

Awtomatiko akong napalingon sa kaniya na ngayon ay nakatayo na at nakatingin sa akin.

"Noong mga panahon na abala ka at hindi mo ako kinakausap o tinitingnan man lang, nagreklamo ba ako?" tanong ko pabalik sa kaniya at tinalikuran ko na siya para pumunta sa kwarto. Baka kung ano pa ang masabi ko kung hindi ako aalis sa harap niya.

Nilock ko yung pinto at binuhay yung tv para manood habang kumakain. Para naman akong tanga kasi natapos ko yung movie na walang na intindihan kahit pagkain ko hindi ko namalayan na ubos na pala.

Niligpit ko na lang yung kalat ko at pinatay na yung tv para matulog. Ni hindi ko man lang namalayan na nakatulog ako dahil parang namamanhid ang buong katawan ko.

Nagising ako ng 7:30am kaya naman dali-dali akong nagbihis. Nihindi ko na naayos yung sarili ko dahil baka malate ako. May quiz kasi kami ngayon, baka hindi ako makaabot 8am pa man din ang time.

Nang makababa ako,nakita ko si Kuya sa may couch at bihis na. Hindi ko siya pinansin at kinuha yung susi ng kotse.

"Ihahatid kita." Saad niya pero hindi ko pinansin. Lalabas na sana ako ng magsalita na naman siya.

"Iowa, bawal kang-"

"Ayaw kitang makasabay, okay? Sana naman magets mo ano?" singhal ko sa kaniya at tuluyan na siyang iniwan doon.

Binilisan ko pagpapatakbo ng kotse ko at halos takbuhin ko na ang room namin nang makarating ako sa school. 5 minutes na lang ako natitira sa akin kaya tinakbo ko na. 

Laki pasalamat ko naman nangg makarating ako sa room ay wala pang teacher kaya naupo na ako sa upuan ko. Hayst gusto kong makita si Irene kaso nasa kabilang room siya.

"Are you okay? You look pale." Saad ni Kendrick nang makaupo ako. Tinanguan ko na lang siya dahil ayaw ko ng kausap.

Dumating naman na yung proof naming at pinamigay yung test paper. Halos mabaliw ako nang mabasa yun kasi hindi ako nag review at wala ako sa sarili ngayon.

Nagulat naman ako ng biglang agawin ni Kendrick yung papel ko. Napatingin ako sa proof namin na nag ce-cellphone kaya nakahinga ako ng maluwag.

"What the hell are you doing?" mahinang singhal ko kay Kendrick nang sagutan niya yung papel ko.

"Nag aaral naman ako kaya don't worry hindi kita ibabagsak." Saad niya.

Hindi na lang ako nakipagtalo dahil baka makita kami ng proof namin tsaka wala ako sa sarili para sagutan yung test paper. Buti na lang busy yung proof naming sa cellphone niya.

15 minutes ang tinagal bago ibalik ni Kendrick yung papel ko ng palihim at sinagutan naman niya yung kaniya. Binasa ko muna yung test paper kung tama ba yung sagot pero wala akong maintindihan kaya pinasa ko na lang yun sa proof namin.

Lunch time na kaya inayos ko na yung gamit ko para makipagkita kay Emman. Kailangan ko rin siyang makausap para malaman ang lahat at kung totoo ba lahat ng mga nalaman ko tungkol sa kaniya.

Lalabas na sana ako ng biglang humarang sa pintuan si Kendrick.

"Iowa pwede ka bang makausap kahit sandali lang?"

Tiningnan ko muna sa relo ko kung anong oras na, maagap pa naman para sa lunch time at baka wala pa doon si Emman kaya naupo ako sa upuan na pinakamalapit sa akin at tinapik yung upuan na katabi ko para pa upuin siya.

Hindi naman siya naupo doon dahil lumuhod siya sa harap ko at hinawakan yung kamay ko.

"Iowa, I'm s-sorry." Nakatungong saad niya at bigla ko na lamang narinig ang paghikbi niya.

Nataranta naman ako kaya hinila ko siya para tumayo siya.Kahit naman sinaktan niya ako ay may awa pa rin naman ako sa kapwa ko.

"Okay na yun sa-"

"No! Hindi yun okay. May kailangan kang malaman,Iowa. Sana mapatawad mo ako." Saad niyang na nakatingin na ngayon ng diretso sa mga mata ko.

Hindi ako nagsalita at hinintay na lang siya na sabihin ang gusto niyang iparating. Humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko bago tumungo.

"Si E-emman kapatid ko siya, Iowa."

Halos lumubog ako sa inuupuan ko ng marinig ko ang sinabi ni Kendrick. Parang alam ko na kung ano yung gusto niyang iparating pero pinipilit ko ang sarili ko na mali ang iniisip ko.

"Iowa, inutusan niya ako na saktan ko noong malaman niya na kapatid ka noong kaibigan na trumaydor sa kaniya. Sorry talaga, walang akong magawa kasi kapatid ko siya. Alam ko namang mali pero utang ko ang buhay ko sa kaniya, Iowa. Niligtas niya ako binggit ng kamatayan kaya hindi ako makatanggi."

Parang tinusok ang puso ko at hindi ko na napaigilan na umiyak.

Tangina Iowa napaka tanga mo. Ni hindi mo man lang napansin na magkapatid sila.

"Kaya laking pasalamat ko noong nakipaghiwalay ka kahit nasasaktan ako ng sobra pero di ko inaasahan na susulpot si Kuya. Wala na akong nagawa, sinubukan kong kausapin siya pero hindi siya nakikinig."

Hindi ako makapagsalita dahil parang may nakabara sa lalamunan ko na. Gusto kong magwala pero hindi ko magawa dahil wala rin naman maitutulong yun sa nararamdam. Tahimik lang akong umiiyak at aalis na sana dahil hindi ko na kaya ng bigla siyang nagsalita ulit.

"Mahal talaga kita, Iowa kaya sinabi ko ang lahat ng ito sayo at hindi ko na kayang makita kang onti-onting nahuhulog sa kaniya. Ayaw kong makitang masaktan ka ulit."

Tuluyan ko na siyang iniwan doon at napagdesisyonan na umuwi na lang. Nawalan ako ng ganang pumasok pa ng afternoon class.

Nang makauwi ako sa bahay sobrang tahimik at tanging iyak ko lang ang maririnig kaya dumiretso ako sa kwarto para magbihis. Tiningnan komuna ang sarili ko sa salamin bago bumaba at pumasok sa kotse. I am wearing a mini skirt, off shoulder, at heels.

Tama na siguro ang ganitong itsura para sa bar. Hindi ako umiinom pero wala akong pakealam ang tanging gusto ko lang ay mawala kahit sandali yung sakit na nararamdaman ko.

Naghanap pa ako ng bukas na bar dahil karamihan ay sarado kasi naman 2pm pa lang. Nakahanap naman ako isang bar na bukas at medyo malapit sa school ko. Ng makababa ako sa kotse pinagmasdan ko yung bar at mukhang high class pero wala na ako ngayong pake kung magasgasan yung laman ng wallet ko.

Siguradong sermon ang abot ko kina Papa pag nalaman nilang magiinom ako. 'E ano naman palang pake nila 'e puro na lang trabaho ang inaatupag nila.

------------------------------------------------------------------------------------------
So yun hanggang Chapter 10 lang po ang Trap. Enjoy reading! God bless : )

Trap (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon