As usual hinatid ulit ako ni Kuya sa room pero hindi niya ako kinakausap. Siguro galit ito or what pero bakit pati ako damay?
Tahimik lang ako sa buong klase at hindi ako nagsasalita hanggang hindi naman ako tinatanong or kinakausap. Si Kendrick naman mayat maya ang sulyap sa akin. Hindi ko na lang pinansin yuon at lumabas nan g room para mag lunch.
Wala naman si Irene dito sa school kasi nasa Palawan siyakasama yung family niya para makasabay ko sa pagkain ng lunch. Ang aga ng bakasyon ng gaga buti pa siya pero kahit na ganoon lagi niya akong kinakamusta at tinatanong kung ano na nangyayari sa akin. Konti lang naman kasi ang nakakasama ko dito kundi ang iilang troopa ni Kuya, si Irene tsaka si Emman. Mga nasa ibang area naman sila kaya eto ako nag iisa.
Tinatamad akong kumain so I decided na lang na tumambay sa garden. Pumunta ako sa isang bench at sinalpak sa tenga ang earphone. I was about to close my eyes when someone tap my head.
"Bakit ka andito? Nagkain ka na ba?" tanong ni Emman at naupo sa katabi ko. Umiling lang ako at pumikit.
Gusto kong matulog pero saan? Bigla na lamang hinawakan ni Emman yung ulo ko at pinatong sa balikat niya. Napatulala na lamang ako at parang estatwa doon.
"Take a nap, mukhang pagod ka. Gisingin na lamang kita pagmalapit na mag time."
Narinig ko yung sinabi kasi wala pa naman tumutugtog sa earphone ko at mas lalo akong nagulat ng nilaro niya yung buhok ko.
Putek ka Emman pinapabilis mo ang tibok ng puso ko!
Hindi naman ako nakatulog pero nanatili akong nakapikit at nakasandal sa balikat niya. Ewan ko ba ang weird pero ibang iba yung pakiramdam ko na nakaganito ako sa kaniya kaysa kay Kendrick. Para bang nasa safe zone ako ganon.
I guess 15 minutes akong nakaganon sa kaniya bago niya ako tapikin para gisingin. Hindi niya alam na gising na gising ang diwa ko noong dumating siya. Tumayo na ako at inayos yung sarili ko at akmang kukunin ko na yung bag ko nang naunahan niya ako sa pagkakuha.
"Ihahatid na kita." Saad niya at hinawakan ako sa wrist. Sandali akong natulala sa kamay niya ng hindi niya nahahalata. Natauhan lang akong nang nagsimula na siya maglakad kaya sumunod na ako sa kaniya. Hawak-hawak niya yung wrist ko at hindi binitawan hanggang sa makarating kami sa room.
Nakatingin naman yung mga kaklase ko sa kamay ni Emman na nakahawak sa akin. Napansin yun ni Emman kaya binitawan na niya yung wrist ko. Binigay niya yung bag ko habang nakangiti sa akin.
"Free ka ba tomorrow?" Nakatungong tanong ni Emman na para bang nahihiya.
"Yes, why?"
"Yayain sana kita mag lunch." Saad niya pero nakatingin na sakin. Ngumiti lang ako at tumango.
"Okay, then see you tomorrow. Chat mo na lang kung saan ta-"
"Sunduin na lang kita para hindi ka na mahirapan." Pagpuputol niya sa sasabihin ko.
Sandali akong natigilan bago ako nakapagsalita at sinabi sa kaniya ang address ko. Nagpaalam naman na siya dahil may klase pa siya kaya ng makalayo siya ay pumasok na ako room.
"Sino yun, boyfriend mo?" tanong nung kaklase ko na nasa unahan ko.
Umiling lang ako sabay ngiti ng konti at kinalikot yung phone ko. Hindi raw dadating yung next teacher namin.
"Pero bagay kayo! Mukha ngang may gusto sayo kaso ang balita ko hindi pa raw yan nakakamove on sa ex niya."
Awtomatiko akong napalingon sa kaniya at hindi ko na maitago ang gulat sa mukha ko.
Sumasakit yung puso ko.
"W-what did you s-say?"
"Ay hindi mo alam?" gulat na tanong niya at humarap ulit sa akin. Umiling lang ako at gustong gusto kong malaman yung sinabi niya.
"Ganito kasi yan, kaklase kasi ni Ate yan nung high school. Kaklase rin nila yung ex nung Emmnuel na si Andrea. Lagi kasing kinukwento sa akin ni Ate yung Emmanuel kasi crush na crush niya yun kaso bigla na lamang naging sila nung Andrea. Sobrang bait nung Andrea sabi ni Ate, para bang dalagang pilipina talaga. Sobrang sweet daw nung Emmanuel at Andrea kahit saan magpunta. Ang dami nga raw na iingit sa relationship nila 'e."
Tumigil siya sandali kasi may nagtext sa kaniya.Hindi naman ako mapakali kakahintay bago siya nagsalita ulit.
"Tapos yun nagulat na lamang daw silang magkakaklase noong umalis si Andrea para lumipat ng school. Wala naman nakakaalam kung anong reason nung Andrea tapos one month na hindi pumasok si Emmanuel pero nakabawi naman siya sa school. Tapos nabalitaan na lamang nila break na pala si Emmanuel at Andrea bago lumipat si Andrea ng school. Pero may sabi sabi na hindi raw lumipat si Andrea ng school kundi tumigil kasi buntis daw. Ang nakabuntis pa nga raw ay kaibigan mismo ni Emman."
So grade 8 pa lang ako noon nang nangyari sa kaniya yuon. Ang sakit naman pala nang nangyari sa kaniya kung ganoon. Kung sa akin nangyari yun siguro napatay ko na yung kabit.
"Mukha naman naka move on na siya kay Andrea at ikaw na ang gusto nun." Kinikilig pa niyang saad pero ngumiti lang ako.
Imposible naman na magustuhan ako ni Emman 'e mukha akong dukha.
Natapos ang last subject at hinantay ko si Kuya sa room, andoon pa yung iba kong kaklase na gumagawa ng bagong plates kasi hindi natanggap yung kanila. Hindi naman nagtagal ay dumating na si Kuya pero busangot pa rin ang mukha.
Hindi pa rin niya ako kinakausap hanggang sa makarating kami sa bahay. Wala pa roon sina Mama at sabi nung isa naming maid ay hindi ulit makakauwi kasi inaasikaso nila yung lupa na pagtatayuan nila ng café.
Paakyat na sana si Kuya ng hawakan ko yung kamay niya para sana kausapin siya pero tinanggal lang niya iyon. Akmang hahakbang na siya ng sigawan ko siya.
"Kuya galit ka ba sa akin?!"
Tiningnan lang niya ako at tuluyan na ngang pumunta sa kwarto niya. Ang bigat bigat na nga ng pakiramdam ko dadagdag pa siya.
Tahimik lang akong kumakain ng dinner na magisa dahil ayaw daw kumain ni Kuya. Nag s-scroll lang ako sa IG at habang kumakain ng bigla may nag message sa akin.
EmmanuelNiroS.: 11am kita susunduin bukas sa inyo. Good night! :)
Sineen ko na lang yun kasi wala akong gana makipag usap. Pakiramdam ko nasasaktan ako ng sobra.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Four chapters na lang my hearts! Hope you like it : ) Ihanda niyo na ang puso niyo sa kilig?
BINABASA MO ANG
Trap (COMPLETE)
General FictionSa mundong ito hindi maiiwasan na makatagpo tayo ng taong magpapaguho ng mundong ating binuo. Taong magpapasaya sa atin ng sobra sa una pero magpapaluha naman din ng sobra sa huling pagsasama. Ito ba talaga iyong sinasabi nilang pinagtagpo pero hin...