Cinderella's POV
Hi Everyone! Ako nga pala si Cinderella Clemonte! Just Call me Cindy. I am 18 years old, Maid dito sa mansion ko este sa mansion ng Morgan Family.
And nga pala, Si Donia Elizabeth Morgan ang Steph Mother kong witch este Steph Mother ko na amo ko. Strikto yun and uhmmm Salbahe! And si Leo Morgan naman pala yung anak nyang Best Friend ko. Close kami ni Leo, Malamang Best friend ko nga diba? Prince Leo ang tawag ko sakanya pag kaming dalawa lang ang mag kausap at Princess Cindy naman ang tawag nya sakin pag kami lang.
7 years old ako nung namatay si Papa Calvin. Si Mama Clarissa naman, iniwan din ako. Lumayas sya dati sa pag kakatanda ko. 6 years old ako nang iwan ako ni Mama. Kaya wala na akong kinikilalang magulang ngayon.
Wala akong kinikilalang magulang, kahit si Donia Elizabeth dahil napaka masungit at salbahe nya! Kaya yunnn, Ganto yung buhay ko. Pero nag aaral naman ako syempre! Grade 12 ako and of course, Valedictorian.
Sooooo Tama na chika! Jusko malelate na ako! Andito ako sa banyo ngayon guys and naliligo ako.
**
Andito na ako ngayon sa kusina at nag hahanda ng breakfast namin ni Leo. Pag lapag ko sa lamesa ng Sunny Side up na egg ay nag umpisa na akong kumain. Sunny Side up egg ang ulam ko at Beef steak naman ang ulam ni Leo. Nag mamadali na akong kumain dahil kelangan kong makapasok ng maaga. Actually it's 6am pa lang naman pero kasi diba commute lang ako! Kaya medyo matagal. Unlike Leo na may driver sya.
"Princess Cindy!" Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko. Si Leo lang pala!
"Ssshhh wag mo ko tawaging Princess baka marinig ka ni Donia Elizabeth at paluhurin na naman ako sa arawan at ibilad." Sabi ko kay Leo. Oo, kahit Senior High na ako, pinaluluhod pa din ako ni Donia Eliz na parang bata. At takot ako don dahil nung naranasan ko yun? Nag lalaba ako ng nilalagnat.
"Okay lang yan tulog pa naman si Mommy. By the way ang aga mo ata? Papasok ka na? Hintayin mo na ako sabay tayooo!" Pangungulit sakin ni Leo.
"Prince Leo, Papasok na ako okay? Mag pahatid ka na lang kay Mang enteng! Yung driver mo! Malelate na ako." Sabi ko din sakanya.
"Cindy! Tulog pa naman si mommy! Sumabay ka na sakin please? Hintayin mo na ko! Hindi mo naman kasi kelangan mag com—" Hindi ko na tinuloy ang sinasabi nya ay agad agad kong niligpit ang pinagkainan ko at hinugasan ito.
"Cindy! I'm warning you. Magagalit ako kapag hindi ka sumabay sakin!" Hindi ko lang pinansin ang pag mamaktol ni Leo na parang batang inagawan ng lollipop. Agad na akong lumabas ng mansion at nag umpisang mag abang ng Jeep sa labas ng subdivision.
Pag dating ko sa school ay sinalubong agad ako ng bestfriend kong si Faith Angeles. Umakyat na kami sa Third floor at pumasok sa room. Maya maya ay dumating na din ang Adviser naming si sir Israel Allejo.
Pag pasok ni sir Israel sa room ay nag discuss na sya. After 823629940201 years, Char. "Kriiiiinnnggggg!" Sign na tapos na ang klase at lunch na. Lumabas ako ng room at dumiretso ng library. Well, doon ako tumatambay lagi pag wala akong magawa. Doon din ako kumakain ng lunch habang nag babasa. Sa Library kasi namin pwede ang food. Kasama ko ngayon si Faith dito.
Maya maya ay bumaba na ako at dumiretso sa next class ko. Omooo! Kaklase ko dun si Leo! Ano kayang sasabihin non sakin? Galit kaya sya? Nag sumbong kaya sya kay Donia Eliz? kinakabahan tuloy ako! Ayoko lumuhod sa arawan no!
"Hoy Cindy! Ayos ka lang ba!? Kanina ka pa nakatulala dyan! Lutang ka na naman!" Nagulat ako nang may sumigaw sa tabi ko. Ay kasama ko pala si Faith.
"Ha? Sorry Faith! Ano ba yun?" Tanong ko sakanya.
"Ang sabi ko tinatawag ka ni Leo! Kanina pa! Yun oh!" Tinuro nya si Leo na naka dekwatro ng upo sa may tabi ng bintana at nakatingin ng masama sakin. Oh no... Galit ngaaa!
Dahan dahan akong lumapit kay Leo at napatili ako ng piningot nya ako. "Awwww! Leo! Ang sakit ha! Para kang timang!"
"Nag tatampo ako sayo ha! Iniwan mo ko kanina!" Naka pout na sabi nya. Aba sakin pa nag pa cute?
"Luh. Sorry na." sabi ko at tumabi ako sakanya.
"Hmp." Aba nag papalambing pa ang mokong.
"Sorry na okay? Alam mo namang katulong lang ako at pag nag sumbong si Mang Enteng kay Donia Eliz na sumabay ako sainyo paparusahan na naman ako. Gusto mo ba yun?" Pag papaliwanag ko kay Leo.
"Hindi pero... Hays! Oo na! Sorry na din." Sabi nya sabay pisil sa pisnge ko. Awww!
"Ang sweeeeet!" Napatingin kami ni Leo kay Faith nang mag salita sya. Gaga talaga to!
"Oh? Bat kayo natingin sakin? sabi ko ang sweet nung chocolate na kinakain ko!" Pag papalusot nya samin at pinakita nya yung toblerone na kinakain nya. Abnormal talaga na babae to.
Dumating na si Maam Rhea sa room namin at nag discuss na. Makalipas ang ilan oras, nag bell na sign na uwian na. Pag uwi ko sa bahay, agad akong nag bihis at dumiretso sa may tabi ng pool, sa Laundry room para mag laba. Afte non ay dumiretso ako sa Kusina para mag handa ng dinner nila Donia Eliz at Leo para sa dinner. Hindi na ako kumain at dumiretso sa kwarto para matulog. Inalarm ko muna phone ko ng 4:30am bago matulog.
*********
AN: Pasupppoooorttt po!

YOU ARE READING
Cindy Cinderella's Story [UNFINISHED]
Teen FictionSya si Cinderella Clemonte. The billionaire who became a maid. Nang dahil sa pagkamatay ng kanyang ama, inalila sya ng Step Mother nya. Mabait naman sakanya ang anak ng step mother nya na si Leo Morgan. Sa katunayan ay naging Bestfriend nga nya ito...