Chapter 5

7 0 0
                                    

Cinderella's POV

It's been 5 months already simula nung naging kaibigan ko si Ashton. Ash na lang ang tawag ko sakanya ngayon since masyado akong napapagod sa 2 syllables nyang pangalan HAHAHAHAH anddd pinagttripan ko din sya kasi parang pambabae yung Ash HAHAHAHA

Habang nag lalakad ako sa corridor, patakbong lumapit sakin si Faith.

"Pst! Cinddddyyyy! Tara uwi na tayo! Sabay tayo!" Nakangiting aya sakin ni Faith.

"Sige." Simpleng sabi ko. Nag lalakad lang kasi kami pauwi para tipid sa pamasahe. Pag dating sa may pang sampung eskenita malapit sa subdivision namin, nag hihiwalay na kami ng daan ni Faith kasi papasok na dun ang bahay nya. Mayaman sila Faith. Kala nyo sa may eskenita talaga bahay nya nooo? Hindi ah! Daanan lang yun. And may driver din sila. Sadyang sinasabayan nya lang talaga ako umuwi. Habang nag lalakad ako, may sasakyang huminto sa tabi ko. Ay wow! Ford!

Bumaba yung salamin at nakita kong si Ash pala ang may ari ng sasakyan. Ay tarayyy yayamanin.

"Cindy! Hatid na kita pauwi! Malayo layo pa lalakarin mo eh." Nakangiting aya sakin ni Ash. Nahihiya man ako, pero syempre pakapalan na ng muka to. Grasya na lumalapit, tatanggihan ko pa ba?

"Sige! Thankyouuuu!" Nakangiting sabi ko at umupo sa passenger seat. Nung nakarating na kami sa mansion, pag baba ako... Oh men... Para akong si swiper. Kasi naman! Si Donia Eliz nasa labas! Mukang inaabangan akong umuwi! Nakangiti sya at mukang excited na ipahiya ako sa kasama ko. Nakahawak sya sa kanyang bewang, na ani mo'y model. Echusera sya!

 Echusera sya!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Hmmm... Ikaw na malandi ka, sino yang kasama mo?" Tanong ni Donia Eliz.

"Ah.. D-donia Eliz s-si ano po uhmm si A-ashton.. Ahh K-kaibigan ko po.." nauutal na sambit ko. Tae kinakabahan ako ayoko namang maparusahan na parang 8 years old.

"Ashton? You mean... Leo's friend? Oh Hijo come on. Pasok ka." Nakangiting sabi nya kay Ash. Tss... Plastic!
"Ipaghanda mo sya ng miryenda, mag uusap tayo mamaya." Bulong sakin ni Donia Maria. Mayghad, mapapalayas na ba ako? Tumango lang ako at nakayukong pumasok sa loob ng mansion.

Nag handa ako ng miryenda para kay Ash at nilapag ito sa lamesa. Pumasok ako sa kwarto ko at nag bihis ng uniform ko pang maid. After nun ay nag punta ako sa kwarto ni Donia Eliz at kwarto ni Leo para kunin yung basket ng labahin. Pumunta ako sa may pool area, sa laundry room para maglaba. Mabilis lang ako natapos kasi kaunti lang naman to. Pero nagulat ako nang makita ko si Ash sa pool. HALA!

"Hoooyyy! Ashhh! Anong ginagawa mo dyan!" Tawag ko sakanya. Mayghad baka ako ang mapagalitan nito!

"Naliligo? Obvious naman.." Pilosopo talaga tong frog na to!

"Nag paalam ka ba kay Donia?" Nag aalalang tanong ko sakanya.

"Yep." sabi nya.

tumango tango na lang ako at nag sampay ulit. Pag tapos kong mag sampay, umupo ako sa gilid ng pool at nakipag usap kay Ash.

"Hmm.. Ash? May g-girlfriend ka na ba?" Curious kong tanong. Bat ba! Eh sa nacucurious ako eh... Eh ano bang pake ko!? Mayghad self!

"Yeah. Pero andon sya sa korea ngayon." Sabi ni Ash. Napansin kong medyo nalungkot sya. Siguro namimiss nya na yung girlfriend nya no? Bat pati ako nalulungkot? Hindi dahil sa nasa korea girlfriend nya kundi dahil... may girlfriend na sya.. Ay! Di ako dapat malungkot no! Pakealam ko ba?

Maya maya ay bigla nyang hinila yung paa ko kaya nahulog ako sa pool. Napasigaw naman ako.

"Ash!" Ang totoo nyan ay hindi ako marunong lumangoy. 6ft tong pool! 5'4 lang ang height ko! Unti unti akong lumubog pa at nawalan ng hininga. Nakita ko si Ash na lumalangoy papalapit sakin, at unti unting nanlabo ang paningin ko at... nandilim na ang paningin ko.

********

A/N: Hope you like it! Please vote and Comment guyssss!

Cindy Cinderella's Story [UNFINISHED]Where stories live. Discover now