My Treat
Hindi ako makatulog ng gabing yon, inis akong bumangon mula sa pagkakahiga, at umalis sa higaan ko. Lumapit ako sa bintana at binuksan ko yon. Pinagmasdan ko ang madilim na kalangitan, nagkalat ang mga bituin at ang buwan na unti unting tinatabunan ng ulap. Sabi nila kapag namatay raw ang mahal mo sa buhay nagiging isa sila sa mga bituin na yan.
'M-ma'- biglang nagsilabasan ang mga luha ko ng binanggit ko si mama.
Hinayaan ko ang sarili kong umiyak ng umiyak.'Bakit mo ako iniwan ma? Bakit hindi mo na lang ako sinama? Bakit mo ginawa yun?'- tahimik akong umiiyak, ayokong marinig ng kahit na sino ang iyak ko.
'Miss na miss na kita ma, hanggang ngayon masakit pa rin, nandito pa rin ma, takot na takot pa rin ako'-
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng gabing yun. Namatay si mama hindi dahil sa aksidente ,hindi dahil sa sakit. Pinatay niya ang sarili and worst sa harap ko pa. Wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak hanggang ngayon yun pa rin ang nagagawa ko.Kinabukasan ay namamaga ang mga mata ko halos hindi ko maimulat sa sobrang sakit at hapdi. Bumaba ako para magluto ng makakain ko, naalala ko na wala na nga pala akong trabaho at kailangan kong maghanap ng panibago.
Kasalukuyan akong naghahanap ng mga establishment na naghahire. Pumasok ako sa isang Dress Collection dahil may nakapaskil na hiring sila ng sales lady.
Kumpleto ang requirements ko kaya naman agad akong nakapagpasa at sinabi na tatawagan na lang nila ako para sa job interview. Pagkatapos nun ay dinala ako ng mga paa ko sa previous workplace ko, ang BL's Café. Sa hindi ko malamang rason, umupo ako sa bench na inupuan namin kahapon nung Adrian. Sinilip ko muna ang cafe nagbabakasali na nandun siya. Bigla akong natigil sa ginagawa kong pagsilip at napahawak sa dibdib ko. Mabilis na pagtibok ng puso ang naramdaman ko, pabili ng pabilis. Hindi ko alam kung para saan, at mas lalong kung para kanino? Hindi ko pa naranasan ang ganto ngayon lang.'May hinahanap ka?'
O_O nagulat ako sa tinig na yun. Kilala ko kung kanino yun, kahit na kahapon ko lang siya nakilala at nakausap. Bigla akong humarap para makumpirma kung tama ba ako.
'I-ikaw pala yan'- masigla kong bati kahit na kinabahan na ako.
'Kape tayo?'- tanong niya sa akin.
'H-ha? Sige libre mo ba?'- nahihiyang tanong ko. Alam ko kasi na sobrang mahal ng kape dyan dahil nagtrabaho ako dyan mas mabuti ng ako ang magtimpla ng cheap na kape kesa gumastos para sa isang tasa lang na kape.
'Hahaha, sure libre ko. Tara?'- natatawang sabi niya.
Pumasok kami sa café at nakita ko si Ate Trisha na napatingin din sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya at sinundan ko na si Adrian.
'So anong gusto mo? Maliban sa akin a, taken na ako e'- nang aasar na sabi niya sakin at bigla akong natigilan. Taken na siya? Baka mamaya may biglang sumugod sakin dito. Pero hindi ko na lang pinansin.
'H-hindi, yung mocha na lang sa sakin'- yun lang kasi ang pinakamura dun.
'Okay'- nakangiting sabi niya. Ano bang meron bakit parang ang saya saya niya?
'One Mocha and one Espresso also two orders of pancake, chocolate fillings'- sabi niya sa waiter. Saka tumingin sakin ng ... Nakangiti na naman? Para siyang mongoloid ah.(peace)
'Buti pa yung pancake no, may fillings'-nakangiti niyang sabi.
'Nababaliw ka na ba?
Bakit ka ba ngiti ng ngiti dyan? Nakadrugs ka ba?'- hindi ko na mapigilan ang sariling magtanong. Kanina pa siya bumabanat e, hindi ko rin alam kung bakit.'Hindi ako adik, at masama bang ngumiti?'- tanong nya sakin.
'Hindi naman, ang weird lang'
'Hindi ba bagay sa akin ang nakangiti?'- tanong nya ulit. Pinag aralan ko ang mukha niya. Masyadong dark ang mga mata niya, mas makapal ang eyelashes niya kumpara sa akin, makapal din ang kilay pero nakaayos, matangos ang ilong ,nakakainsecure naman, yung labi niya, sobrang pula. Nagulat ako ng nag snap siya bigla sa mukha ko.
'Tinatanong ko lang kung hindi bagay sakin ang nakangiti, hindi ko sinabing titigan mo ako. Baka mamaya mainlove ka pa sa akin e'- nakangisi niyang sabi sabay iwas sakin ng tingin.
Ano daw? In love? Adik talaga siya.'Hindi no ang kapal naman ng mukha mo, pinag aaralan ko lang yang mukha mo kung alin ang mas bagay sayo'- irap ko sa kaniya.
'So anong bagay sakin? Nakangiti? Seryoso? O'-
'O?'- tanong ko sa bitin niyang sentence.
'O ikaw?'- nakatitig niyang sabi sakin. Ako naman ngayon ang napaiwas ng tingin sa kaniya at napalunok.
'Hahahahahaha'- umalingawngaw ang tawa niya sa buong café dahilan para lumingon sa amin lahat.
'Hoy ano ba manahimik ka ngang lalaki ka, mahiya ka nga'- sabay tayo ko para lang takpan ang bibig niya.
Inalis niya ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya. Saka ako pinabalik sa upuan ko.'Namumula ka'- pang aasar na sabi niya habang ngumingiti. Nasa harap na yung order namin at nagsimula kong kainin ang pancake para lang hindi ko siya makitang nakangisi.
Yung puso ko hindi na tumigil sa mabilis na pagtibok nakakainis. Pasimple akong tumingin ulit sa kaniya at andun pa rin ang mga ngiti niya kahit na sa pancake siya nakatingin. Nababaliw na talaga siya.'Hoy, wag mo ngang seryosohin yang pancake mo.'- sabay tusok sa kamay ko ng tinidor na gamit niya kaya masama ko siyang tinitigan.
'Nilibre kita ng hindi ko alam ang pangalan mo, hahaha'- natigil ako sa pagnguya ng pancake. Oo nga no nakalimutan ko rin.
'A-ahh, Kaye' -sabay lahad ko ng kamay para sa handshake thingy.
'Kaye?'
'Kaye Avilla.'
'I'm Adrian Lopez, nice meeting you Kaye'-nakangiti siya ng kunin ang kamay ko. Agad akong bumitaw dahil sa ibang pakiramdam.
Matapos ng oras na yun ay nag kanya kanya na kami para umuwi.
Bakit ganun na lang ang nararamdaman ko? Bakit hindi normal ang tibok ng puso ko?
Hindi ko pwedeng maramdaman ang ganun. Hindi ko pa naranasan ang magmahal, NBSB ako pero ayoko, ayokong subukan. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ako magmamahal, hinding hindi lalo na ang mga katulad ni papa.TBC.....
![](https://img.wattpad.com/cover/190685283-288-k261869.jpg)
BINABASA MO ANG
11:11 Make A Wish( One Shot)
Teen FictionLucky coin? Shooting star? And even the 11:11? Do you believe? Our luck and future do not depend in any kind of wishing things. Nakadepende ito sa kung paano natin gustong makuha ang mga bagay na gusto natin. Kung paano mapasaatin ang taong gusto na...