1.9

5 1 0
                                        

Together

'May aaminin ako sayo, wag kang mabibigla'- si Adrian. Kasalukuyan kaming papunta sa puntod ni mama. Nagpresinta siyang sumama at sa totoo lang ay wala pa sa plano ko ang bumisita ulit.

'Ano naman yon?'

'Ang gwapo ko, sobra'- napairap ako ng wala sa oras sa sobrang kayabangan na naman niya.

'Bwesit ang hangin'- natatawa ko ng sabi.

'Hahaha, I'm just honest.'- mabilis siyang naglakad sa puntod ni mama.
Marahan ko namang nilapag ang mga bulaklak at nagsindi ng kandila. Pakiramdam ko bumalik na naman yung sakit at lungkot.

M-ma, miss na miss na ho kita. Pasensya ka na kung ngayon lang kita nadalaw'- pinipigilan ang mga luha sa pagpatak.

'Hello po Tita, ako nga po pala si Adrian. Manliligaw po ng anak niyo'- napalingon akong bigla sa sinabi niya at agad akong nagpunas ng mukha. Tumawa siya pero saglit lang. 'Alam niyo po yang anak niyong yan haters ng mga lalaki pero in love ho sakin'- masama ko siyang tinitigan pero hindi niya ako pinapansin. 'Pero wag kayong mag alala Tita, ako na po ang bahala kay Kaye.'- sabi niya bago lumingon sakin at kumindat.

'Anong pinagsasabi mo? In love ako sayo? Kapal mo talaga ket kailan.'- hinampas ko ang braso niya.

'Bakit? Wala naman masama sa sinabi mo ko e'- natatawang sabi niya.

'Meron! Nagsisinungaling ka, manliligaw ka dyan!'- sigaw ko sa kaniya kahit na malapit lang siya sakin.

'Hindi ako nagsisinungaling, manliligaw ako sayo. Pinaalam ko na agad kay Tita para wala ka nang palag dyan!'- napatitig lang ako sa kaniya.

Palabas na ako ng shop, nang makita ko si Adrian na nakasandal sa motor niya. Ngumiti siya sakin ng makita ako.

Anong ginagawa mo dito?'- tanong ko ng makalapit.

Sinusundo ka. May date tayo ngayon!'- habang inaabot sakin ang helmet. Sa totoo lang hindi ko alam kung totoo ba yung sinabi niya sakin na manliligaw siya. 'Hindi hectic ang schedule ko ngayon kaya sulitin ko muna, hahaha'.

O_O sa café kami huminto. Matagal na rin ng huli akong nakapunta dito kasama siya.

'Nagtataka ka ba kung bakit dito kita dinala?'- tanong niya sakin at umiling naman ako. 'Dahil dito kita unang nagkita, dito kita unang na kilala, hahaha at dito kita unang liligawan. Tara pasok na tayo'.- sabay hila niya sakin papasok.

'Serysoso ka ba sa mga sinasabi mo?'- bigla kong tanong habang naghihintay ng order.

'All this time hindi ka naniniwala sa mga pinagsasabi ko?'- nanlalaki ang mga matang tanong sakin. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya sa tanong niya. 'Hoy puro lang ako kalokohan at pang aasar pero seryoso ako okay?'

'Naniniwala naman ako e. I mean dun sa part na liligawan mo ako?'- medyo nahihiya kong tanong.

'Si Tita na nga una kong niligawan diba? Kung pwede lang pati si papa mo e'.- napatitig ako sa kaniya ng kusa ng binanggit niya si Papa.

Look, alam ko naman na hindi naalis ang takot mo samin e. Hindi ako perpekto, may mga bisyo rin ako.' napakurap ako bigla sa sinabi niya. 'I smoke? Yes. I drink alcohol? Also yes. Pero ang manloko, hindi kasama yan.'- iba ang pagiging seryoso niya this time. ' Gusto kita e, mapipigil ko ba yun? Kung oo, paano?'- tanong niya sakin. Grabe naman, straight to the point talaga?

11:11 Make A Wish( One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon