His POV
Mabilis kong nilagok ang beer na hawak ko. Kasalukuyan akong nasa condo kasama ang mga kupal kong kaibigan.
'Kakaiba rin naman kasi tong si Adrian nagyaya ng inuman biglaan'- si Arthur
'At eto pa mga kups, isang himala, siya ang unang nag aya- sapaw ni Kevin.
'Hahaha at dapat lang na siya ang gumastos inabala niya ako sa honey moon ko e'- natatawang sabat ni Makki.
'Hahaha lol wala kang jowa hahaha'- sabay na sabi ni Kevin at Arthur.
'Mga gago! Bakit hindi si Adrian ang I hotseat natin ngayon, total siya naman ang bida e- natatawang ganti niya sabay tingin sa akin.
Hindi ko sila pinansin at nag patuloy lang sa pag inom.
'Hoy Adrian, magkwento ka nga, inabala mo kami tapos wala ka namang sasabihin'- si Arthur sabay suntok sakin ng mahina sa braso. Tinitigan ko lang siya ng masama.
'Wag mong sabihin na dahil na naman to kay Yvonne at Charles? Kups uso magmove on'- si Kevin.
'Oo nga at sobrang tagal na yun hindi mo ba alam ang three months rule?- si Makki.
'Ano bang pinagsasabi niyo dyan? Labas yung dalawang yun dito!'- sigaw ko sa kanila.
Buong akala nila hindi pa ako nakakamove on kay Yvonne. Long time girlfriend ko since nag first year college kami. Si Charles naman ay isa sa trupa namin na ngayon ay syota na ni Yvonne. Nung una galit na galit ako sa ginawa nilang panloloko sa akin pero unti unti ko ring tinanggap. Hindi ko naman sinasadyang mahuli ang kadugyutan nilang dalawa, nahuli ko silang naghahalikan sa pisteng likod ng building namin. Lalaki ako dapat hindi ko pinapakitang mahina at umiiyak ako. Kaya hindi ako kailanman umiyak, hindi ako naghabol sa kaniya kahit na mahal ko siya. Galit din ako, kasi pakiramdam ko kulang ako, hindi ako sapat.Minsan napadaan ako sa kilalang café malapit sa school. Kadalasan kasi nilang pinupuntahan yun kaya nakuryos ako.
Welcome to BL'S Café
Nakangiti at masiglang bati ng isang crew pero makikita mo ang pagod.
Hindi ko siya pinansin naghanap ng table na bakante. Nagsisi ako kung bakit pumasok ako sa loob, sobrang ingay, ang sakit sa tenga kaya naman inis akong tumayo para lumabas. Pero sa kamalas malasan ay natapunan ako ng mainit na kape sa tagiliran ko. Yung crew kanina ay nabunggo ng isang estudyante. Natapon sa kaniya ang karamihan sa kape, nakita kong ininda nya ang hapdi mainit yun for sure. Hindi na ako nagdalawang isip na pulutin ang mga nabasag sa sahig at sa gilid ng mga mata ko nakita ko siyang natigilan. Marami akong bulung bulungan na naririnig pero wala akong paki, ang toxic nila sa tenga.Lumabas ako ng café at umupo sa bakanteng bench. Isang oras yata akong nakatambay dun, kaya naisipan kong umuwe na lang pero nakita ko yung crew na lumabas at mukhang nag aantay ng masasakyan. Napatingin ako sa kamay niyang nasugatan kanina. Tccchh hindi man lang ginamot?
Naisipan kong lapitan siya at kinausap. Hindi ko alam pero iba ang gandang meron siya. Classic. Yun ang unang araw na nagkainteres ako sa isang babae in just one glance and i can say that she's different.Naalala ko rin yung araw na nakita ko siyang may sinisilip sa loob ng café. Inaya ko siyang magkape at tinanong ako kung libre ko ba? Tuwang tuwa ako sa mga expression ng mukha kapag bumabanat ako sa kaniya that time---
'Oh kita mo tong kupal na to, ngumingiti ng mag isa- bigla akong nagulat sa sigaw ni Makki sakin. Nakalimutan ko, kasama ko pala sila.
'Guni guni mo lang yun hindi ako nakangiti'- ngisi ko sa kaniya.
Muli kong nilagok ang natitirang beer sa bote. Kaya pala wala akong ni isang nakikita na kasama niya. Kaya pala sobrang tamlay ng mga mata nya. Galit siya sa mga lalaki, dahil sa papa niya. Ayaw niya sa amin. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako inis nung sinabi niya yun. And I end up questioning her if she knows the 11:11 thingy. Kahit ako hindi ko rin alam ang bagay na yun, narinig ko lang sa mga blockmates ko one time.
'Hey, alam niyo ba, nag over night samin si George and sabay kaming nagwish during 11:11- sabi ng isa kong blockmates
'Talaga? Diba isa yun sa relationship goals mo?'- tanong naman ng isa.
'Yup, and nagawa namin.'- kinikilig niyang sabi.
Natawa ako sa sagot niya sakin na 7/11 daw. Then nagpaalam ako na magiging busy ako next week for my finals. Akala ko after that ay magiging back to normal ulit ang schedule ko pero naospital ang kapatid kong si Ainna kaya naman pinauwe ako ni mommy.
'Kuya ipasyal mo ako pagkalabas ko dito mag'- naglalambing na sabi nito.
'Of course baby, and my ipapakilala ako sayo'- super close kami ng kapatid ko.
'Talaga? Your girlfriend?'
'Nope baby, just friend'- nakakunot kong sabi
'A friend lang? Wala kang friend na babae kuya, at kung meron man hindi mo sila pinapakilala samin. So special 'girl' friend mo ba yan?'- nag puppy eyes pang sabi nito sakin.
'She hates boys okay, that's why we're just friend.'
'But you want her to be your girlfriend am I right kuya?'- nang aasar nyang sabi.
'Ainna stop that okay, magpahinga ka na at wag ka ng makulit dyan.'
Katulad ng gusto ni Ainna ay sinama ko siya sa cafe, kung saan kami nagkikita. Wala pa siya room ng dumating kami kaya naman nakipagkulitan muna ako sa kaniya.
'Kuya, hindi mo ba talaga girlfriend yun?'- paulit ulit nyang tanong.
Ginulo ko ang buhok niya habang nakangiti.'Hindi.'
'Kuya ang tagal nya yata?'
'Baby saglit lang hintayin natin siya, parating na yun okay?'- at inakbayan ko siya. Paglingon ko sa gilid ay nakita ko na lang siyang nagmamadaling maglakad palayo sa amin.
'Ainna wait here okay, may hahabulin lang ako.'
'What? Sino?'
'Basta just wait here.'
At patakbo kong hinabol si Kaye, pero tumakbo rin siya at biglang pumara ng tricycle. Ilang araw akong nagbabakasali na dadaan siya ng café pero wala.
Sinubukan kong puntahan ang park and shoot andito siya.Nakita ko siyang nakatingin sa relo niya at parang kinakausap niya yun. Hindi ko pinansin ang iniisip ko na baka iniiwasan niya ako pero sa mga kilos niya ng araw na yun ay oo tama nga ako umiiwas siya.
Hindi ko gusto ang umiyak siya dahil nasasaktan din ako. Oo aaminin ko na siguro nga may nararamdaman ako sa babaeng to. Sa babaeng ayaw sa mga lalaki. Pero gusto kong ipaalam sa kaniya kung ano rin ang nasa isip ko, para malaman niya na hindi ako katulad ng papa niya. Na hayaan niya akong iparamdam sa kaniya na hindi siya nag iisa. Pagkatapos ng hapon na iyon , umalis ako iniwan ko siya dahil pakiramdam ko bibigay rin ako.Kaya nandito ang kupal na to. Bumuntong hininga ako sa mga naalala ko.
'Alam mo kups, kung inshare mo na sa amin yang problema mo edi sana enjoy tong inuman na to'- si Arthur.
'Oo nga ampanget mo mag aya'- natatawang sabi ni Kevin.
'Babae na naman ba yan?'- si Makki.
Isa isa ko silang tiningnan.
'What if'- binitin ko ang mga salita ko. Nag aabang ang mga kupal.
'Ano ituloy mo na, bading ka.'
'Lol. What if nagkagusto kayo sa babaeng ayaw sa lalaki?'- seryoso kong tanong at wala ni isa sa kanilang nakasagot.
TBC.....

BINABASA MO ANG
11:11 Make A Wish( One Shot)
Teen FictionLucky coin? Shooting star? And even the 11:11? Do you believe? Our luck and future do not depend in any kind of wishing things. Nakadepende ito sa kung paano natin gustong makuha ang mga bagay na gusto natin. Kung paano mapasaatin ang taong gusto na...