Finale
(A/N--- Yiiee this gonna be a last chapter. First time kong makatapos ng isang story and ma ipublish. Im so happy that I complete one of my story, sobrang daming nakadraft. I dunno if it's worth to read kasi baguhan pa lang ako sa field na'to. I'm just trying my passion in writing even if I'm not good of it. Hope you enjoy. Thank you in advance.)
'Alam mo ate Kaye, sobrang happy ko na ikaw ang girlfriend ni kuya'- kanina pa ako dinadaldal nitong si Ainna e as I said madaldal talaga siya.
'Bakit ka naman magiging happy? Lahat naman siguro ng naging girlfriend ng kuya mo ay masaya ka para sa kanila diba?'- tanong ko sa kaniya. Magkasama kaming dalawa dahil ngayong araw na to ang graduation ni Adrian.
'Oo naman ate, pero alam mo ba yung differences mo sa mga exes niya? Ikaw lang ang pinakakilala niya sa amin. Lahat kasi ng girlfriend niya ay sa mga kupal niya pinapakilala. And also boto sayo sila Mommy and Daddy'- nakangiti niyang sabi sakin. Ngumiti ako ng pabalik. Nahihiya ako, lalo na ngayon. Hindi man lang ako nakapag aral ng college, wala man lang akong maipagmalaki na trabaho sa kaniya at sa pamilya niya.
Lopez, Adrian C.
Nakangiti kong pinanood si Adrian sa pag akyat ng entablado. I'm so proud and happy for him. Tuwang tuwa rin ang pamilya niya sa kaniya lalo na ang Daddy niya. Si papa kaya? Kamusta na siya? Bago pa ako makapag drama ibinalik ko ang atensiyon ko sa seremonyas.
'Lets celebrate this together'- masayang sabi ni Mrs. Lopez.
'Of course, we will celebrate this, im so proud of you,anak'- Mr. Lopez.
Nagpaalam ako na hindi na lang ako sasama kasi gabi na rin natapos ang ceremony pero pinilit nila ako. Apat sila laban sakin kaya wala akong palag. Kaya eto ako ngayon nasa bahay nila.
'Naku! Ako na naman iniisip mo no? Kasama mo na nga ako e'- kakatapos lang namin kumain. At kasalukuyan kaming nasa terrace ng baha nila. Hindi na nila ako pinauwe at available naman daw ang guest room nila.
'Hindi na talaga nabawasan ang pagiging mahangin mo!'- sabi ko sa kaniya. Nagulat ako ng niyakap niya ako mula sa likod.
'Sobrang saya ko ngayon, alam mo ba yun?'- hindi ko siya sinagot at hinayaan ko lang siya. 'Hindi ako yung mga typical na ideal man ng isang babae, pero'...- kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako sa kaniya. Nakatingala na naman ako neto. Napakaseryoso ng mga mata niya pero ramdam ko ang saya.
'Pero gusto kitang makasama, gusto kong magstay ka sakin kahit na maraming kulang sakin, pwede ba yon?'- bakit niya ba sinasabi sa akin ito?
'Bakit mo naman sinasabi sakin ang mga yan? Hindi ba dapat ako ang may karapatang itanong yan? Kasi sa ating dalawa ako yung, ako yung maraming kulang'- mabilis na nagsilabasan ang mga luha ko. Nakita ko ang panlalaki ng mata niya. Naramdaman ko ang mga daliri niyang pinunasan ang mukha ko. 'Tinatanong ko ang sarili ko, do I deserve you? Wala akong maipagmamalaki sayo, lalo na sa pamilya mo. Hindi ako nakapagtapos ng pag aaral, hindi buo ang pamilya ko'-...
'No! Hindi kailanman naging basehan ang mga bagay na iyan kung enough ba ang isang tao. Dahil lahat ng kulang natin sa isat isa kaya nating punuan yun para maging sapat. Nagstay ako kasi gusto kita, mahal kita at mananatili ako hanggang sa maging buo ka na ulit'
Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong naiyak. This time, ako ang unang yumakap sa kaniya. Siguro nga na sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko sa buhay, eto na yung kapalit. Ang kailangan ko lang ngayon ay maging buo ulit, para sa kaniya.

BINABASA MO ANG
11:11 Make A Wish( One Shot)
Roman pour AdolescentsLucky coin? Shooting star? And even the 11:11? Do you believe? Our luck and future do not depend in any kind of wishing things. Nakadepende ito sa kung paano natin gustong makuha ang mga bagay na gusto natin. Kung paano mapasaatin ang taong gusto na...