1.8

7 1 0
                                    

Finally it's over!

'Grabe, sobrang stress ng last semester namin. Maraming requirements ang kailangang isubmit'- sabi ni Adrian. Niyaya niya akong lumabas alam niyo kung bakit? Stress daw siya sa pag aaral niya at kailangan niyang marefresh. 'Halos lahat ng professor ko sobrang strict'- dagdag niya pa.

'Share mo lang?'- pang aasar ko. Agad naman niya akong nginisihan. Minsan iniisip ko napipikon ba tong lalaking to? 'By the way, atleast diba malapit ka ng grumaduate. And magiging engineer ka na! Naks, ang taas.'- sabi ko.

'Attend ka ng graduation ko ah'- nakangiting sabi niya. Agad akong natigilan at napatitig sa kaniya. Napakablessed naman ng taong to, pati ang sayang nararamdaman niya kaya niyang ishare. And I'm so proud I'm one of those people who received that kind of feelings. 'Hey,alam kong gwapo ako wag mo akong titigan'

'Bakit ako ang niyaya mo, kung pwede naman ang girlfriend mo'- naalala ko ang sinabi niyang wala daw siyang girlfriend. Naghiwalay siguro sila nung baby niya.

'Nalimutan mo na ba? Wala akong girlfriend almost month na!'- natatawa niyang sabi.

'Almost month? Samantalang kasama mo yung baby mo nung nakaraang linggo lang. Wag mo nga akong lokohin.'

Hahahaha, nangangamoy may nagseselos dito ah!'- asar niya sakin.

'Duh! Hindi ako nagseselos no! Ayoko lang sa taong sinungaling! Wag mo nga akong tawanan!'- binato ko siya ng tissue.

'Kalma lang Kaye! Hindi ako sinungaling, kaya mo ko tinakbuhan nong araw na yon?'- natigilan naman ako sa tanong niya. ' I knew it! Nagselos ka! Ikaw ang sinungaling!'

H-hoy lalaki, hindi ah!'- nanggigil akong hiniwa ang steak na order namin at sinubo ito.

'Hahaha, gusto mo bang ilakad kita kay Makki? Trip ka nun e! Ano?'

'Ano ba? Bakit moko irereto sa kaibigan mo? Ayoko!'- mataray kong sabi sa kaniya.

'Edi sakin na lang! Gusto mo ba ako?'- nakangisi na naman niyang sabi sakin. Natigilan naman ako! Bakit ba ang hilig niyang mang asar tapos babanat pagkatapos. Sarap na niyang tirisin. Napapikit ako sa gigil.

'Tigil-tigilan mo ako Adrian Lopez, makakatikim ka na sa akin'- gigil kong sabi.

'Ano naman ang ipapatikim mo sakin? Mas masarap ba yan sa dessert na meron dito?- Aray ko'- inis kong binato sa kaniya ang tinidor na gamit ko.

'Bwesit ka talaga!'

Halos tuwing weekend kami magkasama dahil may trabaho ako at may pasok naman siya tuwing weekdays. At sa mga araw na yon ay hindi siya nawawalan ng banat pati pang aasar sakin ay  kinarir na niya.

'Good morning Maxine'-bati ko nakita ko siya sa counter.

'Good morning Kaye'- bati niya sakin pabalik.

Dumiretso ako sa fitting room para magpalit ng damit.

'Ay taray mo girl, ang aga mo this day ah'- bungad sakin ni Angel.

'Tse manahimik ka, palagi naman akong maaga, late ka kasi lagi e'- natatawa kong sabi sa kaniya.

'Ay inspired to!'- sabi niyang bigla sakin. 'Blooming e tapos hyper din. Sino kaya ang maswerteng slash malas na boy?'- nang aasar na sabi niya sakin.

'Heh! Tigilan mo ako bakla ka!'- natatawa kong sabi.

Sa totoo lang masaya ako at nagiging okay na rin ako. Nakalabas na ako sa comfort zone ko. Sobrang laking tulong sakin yung ginawa namin ni Adrian. Wag kayong green minded dyan. Hinintay lang namin ang 11:11 na yun. Siguro nga effective siya pero yung tao mismo na kasama ko nung araw na yon ang may pinakamalaking rason kung bakit ako maayos ngayon.

'Psst'- napaangat ang pwet ko ng tusukin ni Adrian ang tagiliran ko.

'Ano ba?'- naiirita kong sabi malakas ang kiliti ko sa parteng yon.

'Hahaha badtrip ka na naman. Kelan ka dadalaw sa puntod ni mama?'- napalingon ako sa kaniya. Mama nino? ' Hahaha mama mo'- dugtong niya sa sinabi.

'Hindi ko alam, hindi pa ako nakakadalaw sa kaniya e. Matagal na rin.'- sabi ko saka nagpakawala ng isang malalim na hininga.

'Dalawin natin?'

'H-ha? B-bakit?'- nauutal kong sabi. Dadalawin naming dalawa? Anong trip neto?

'Ayaw mo ba? Sasamahan lang kita para kapag umiyak ka'- kasabay nun ay tinapik niya ang balikat niya. 'May masasandalan ka'

'Bakit mo ginagawa to?'- hindi ko na napigilan ang sarili kong itanong. Sa bawat na araw na lumilipas at kasama ko siya, kahit sabihin kong dapat kong pigilan ang kung ano mang nararamdaman ko. Hindi kaya ng isip ko ang puso ko. Puso ko na ang kumukontrol sa isip ko. Sinasabi niya na wag ko nang pigilan pa dahil wala na rin akong magagawa.

'Ang alin?'- inosente niyang tanong.

'Eto! Bakit mo ko sinasamahan? Bakit ka nag stay sakin, sa tabi ko kahit na sinabi kong ayoko sa mga lalaki?'- napayuko ako sa sarili kong tanong.

'Ayaw mo ba akong manatili sa tabi mo? Ayaw mo bang samahan kita?'- napalingon ako sa kaniya. Gusto ko, pero pakiramdam ko aalis o mawawala rin siya sakin. Ganun naman yun diba? Walang nananatili, lahat sa una lang magaling, aalis at iiwan ka din sa ere. 'Wala ka pa rin bang tiwala sakin?'- tanong niya ng hindi ako sumagot.

'Meron! Ang sakin lang naman, dapat nag fofocus ka sa study mo kesa sakin. Sa pamilya at kaibigan mo ganun.'

'Alam mo sa totoo lang! Hindi ko rin alam kung bakit. Kusa kitang pinupuntahan e. Hinahanap ka ng sistema ko, hahaha. Ang weird no? Gusto kitang kasama, kausap. Tuwang tuwa ako kapag naasar kita hahaha, aray ko'- naputol lahat ng sinasabi niya sa batok na i-binigay ko sa kaniya. Napaka hangin niya. Tuwang tuwa pa ang loko.

'May ideal man ka ba?'- tanong niya habang kumakain ng isaw at fish ball.
' I mean until now ayaw mo pa rin ba sa mga lalaki?'

Mabilis kong nilunok ang kinakain kong isaw at humarap sa kaniya.

'Yung totoo? Hindi ko na naisip na ayaw ko sa mga lalaki. Hindi ko na rin naisip si papa ko. Dati kasi bago ako matulog, kapag gigising ako sila ni mama ang iniisip ko.'- sabi ko yun naman ang totoo e. Katulad nga ng sabi ko okay na ako ngayon. ' At oo may ideal man na ako sa ngayon'- sabi ko at iniiwas ang paningin ko sa kaniya.

'Whooaa good for you. So anong ideal man mo?'- seryoso siyang nakatitig sakin. 'Ikaw'- pero syempre sa isip ko lang yun.

'Secret'- sabi ko habang tumatawa.

'Ang daya neto. E yung ideal girl ko,gusto mo bang malaman?'- nakangiti niyang sabi.

'Ayoko! I keep mo na lang yan sa sarili mo'- ayoko ngang malaman. Sigurado naman akong perpektong babae ang mga tipo niya at maiinsecure lang ako sa sarili ko.

'Tcchh, nagseselos ka lang kaya ayaw mo'- siko niya sakin. Ako? Magseselos? Buti alam mo? Imbes na sabihin yun ay siniko ko siya pabalik. Pareho lang kaming natawa sa asta namin na parang bata.

TBC.....

11:11 Make A Wish( One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon