Miss mo?
Ilang araw na akong tulala, magmula ang araw na iyon. Hindi ko siya magawang harapin o kausapin man lang para humingi ng sorry sa mga nasabi ko sa kaniya. Ako ang may mali, tama naman siya e, bakit ko nga ba sila kinukumpara kay papa, hindi naman sila magkadugo.
'Uyy Kaye, sasama ka ba mamaya?'- tanong sakin ni Maxine na katrabaho ko. Birthday ng isa naming kasamahan na si Alexa at inaya niya kaming pumunta.
'Oo ba'- nahihiya kong sabi. Siguro its time na rin para lumabas ako sa comfort zone ko. Para magtiwala ulit sa mga taong nasa paligid ko.
Pagkatapos ng trabaho ay dumiretso na kami sa bahay nila Alexa. Marami ng tao ng dumating kami, mukhang bongga rin ang isang to.
'Kung nagtataka kayo kung bakit sobrang dami ng tao, birthday din ng isa kong kapatid nung isang araw, sinabay lang sakin yung handa para daw tipid'- paliwanag samin ni Alexa.
'Ahh kala namin debut mo'- si Maxine.
'Marami bang fafa dito?'- biglang singit ni Angel.
'Bakla kang talaga, meron nasa likod yung mga trupa ng kapatid kong si Arthur'- si Alexa.
'Ay bet. Pakilala mo kami ng ganahan naman sa buhay tong si Kaye. Namumutla na e'- at sabay silang nagtawanan sa akin. Pinapasok kami ni Alexa sa loob dahil puno ng tao sa labas.
'O Alexa bat ngayon ka lang?'- may lalaking lumabas mula sa kusina.
E sa ngayon lang ang off namin e. May pwesto pa ba sa likod?
'Meron na, kakaalis lang ng mga kumpare ni Papa, dun na lang kayo'- tinalikuran niya kami.
'Tara dun tayo sa likod'- sumunod lang kami kay Alexa
'Hoy Kaye magsalita ka naman, di ba bumabaho bibig mo dyan kanina ka pa quiet'- si Angel.
'Hindi naman, bully ka talaga'- hampas ko sa braso niya. Palabas na kami sa kusina ng may isang grupo pa dun, nagtatawanan. Karamihan sa kanila ay lalaki. Napahawak na naman ako sa dibdib ko ng biglang lumakas ang tibok nito, pabilis ng pabilis. Minsan ko ng naramdaman to, pero sa isang tao lang. Nahagip ng mata ko ang isang lalaking magulo ang buhok, nakatalikod siya sa gawi namin kaya naman hindi ko makita ang mukha niya. Pamilyar ang katawang yun sa akin. Biglang natigil ang tawanan sa kabilang mesa at dahil dakilang maharot si Angel ay nagawa niyang palingunin ang mga nakatalikod.
'Hi boyz'- malanding bati ni Angel. Agad ko siyang hinila paupo.
'Ano ka ba nakakahiya ka, makikikain na nga lang tayo e'- saway namin sa kaniya ni Maxine.
'Ang kj nyong dalawa'- irap niya samin na kinatawa naman namin.
O_O natigil ako sa pagtawa, nawala ang ingay na naririnig ko, pakiramdam ko ako lang tao at ang taong nakatitig sa akin ngayon. Totoo ba to? Siya ba yan o baka kamukha niya lang yan at napagkamalan kong siya kasi namimiss ko na?'Hoy gaga, mahiya hiya ka pa dyang nalalaman e ikaw din kung makipag eye to eye contact ka kala mo kilala mo'- naalis ang tingin ko kay Adrian ng hampasin ako ni Angel ng Sling bag niya.
'Anong sinasabi mo dyan? Yung puno ang tinitingnan ko no!'- pagdadahilan ko at muling sumulyap sa pwesto ni Adrian. Hindi nga ako nagkakamali siya nga yun. Hindi niya pa rin inaalis ang titig niya.
'Guys eto oh'- nilapag ni Alexa sa harap namin ang ibat ibang putahe.
'Wooow daming foods, pakabusog us, bibitayin tayo bukas'- masiglang sigaw ni Angel kaya naman tinawanan siya ng kabilang grupo. Hindi ko maiwasang lumingon muli sa kaniya, hindi na siya nakatingin sa akin kaya malaya akong pagmasdan ang likod niya.
Agad na ginala ko ang paningin ko hindi ko mahanap yung sinasabi niyang baby niya nung nakaraan. Baka hindi niya sinama.Alexa.
'Ano na naman Arthur?'- inis na sagot ni Alexa sa tumawag sa kaniya.
'Kalma sis, pinapatanong ni Makki kung sino daw ang available dyan?'- si Arthur at nakipag apir sa isa sa kasama niya. Nagulat kami sa pagtayo mi Angel.
'Ako, single and ready to mingle ugh'- malanding sabi ni Angel habang hawak pa yung barbeque hotdog.
'Hahahaha'- tawanan ng kabilang mesa ang narinig namin, muli akong napatingin sa kaniya. Tumatawa rin siya base sa paggalaw ng mga balikat niya.
'Alexa pakilala mo daw si Makki dun sa babaeng nakapink'- balik sigaw ni Arthur. Hindi ko na napansin ang mga sinasabi nila dahil lumingon muli sakin si Adrian.
'Hoy babae!'- sigaw sakin ni Angel sa mismong tenga ko kaya nasapak ko ang mukha niya.
'Aray ko te, napaka amazona mo naman.'- at ayun na naman ang mga tawanan nila sa ginawa ko kay Angel.
'Ay sorry, ikaw kasi naninigaw ka'- ganti ko sa kaniya.
'Bet ka daw nung Makki Doki, waley ka namang jowabels, patulan mo na'- solsol niya sakin. Napatingin ako sa grupo at seryoso pa rin siyang nakatingin sakin.
'Hindi na ako available'- sabay yuko para kumain ng spaghetti.
'Totoo?'- sabay sabay nilang tanong sakin at napatakip ako ng tenga. Shet basag eardrums ko sa kanila. Hindi ko ulit naiwasan ang pagtingin sa kaniya at nakita kong ngumisi siya bago ako talikuran.
'Ang yabang, porket may baby na malaki'- bulong ko sa sarili ko bago tinusok ang hotdog.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na rin kaming tatlo. Hindi ko na siya nilingon habang paalis ako, nabwesit ako bigla sa kaniya. Hindi ko ibabalik ang panyo mo.
Nagpaalam na sa akin sila Angel at Maxine, ako kasi ang naiibang ruta kaya mag isa ko lang na lalabas. Marahan lang paglalakad ko dahil busog pa ako sa mga nakain ko. Naririnig ko pa ang videoke, sa pagkakatanda ko ay grupo na nila ang kumakanta dahil may mga tama na rin.
'So, having a new friends?'
O_O agad akong napalingon sa likod ko. Si Adrian habang maangas na nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa ng hoodie niyang suot.
'I-ikaw pala'- sagot ko at saka siya tinalikuran.
Naramdaman ko pa rin ang pagsunod niya sakin. Dont tell me na susundan niya ako? Muli ko siyang nilingon. Nakatingin pa rin siya sakin.'Bumalik ka na kaya dun, hindi pa tapos ang party ng kaibigan mo tapos inalisan mo na'- may maisabi lang bakit ba!.
'Nagpaalam na ako, by the way trip ka ng isa kong trupa'- pag iba niya ng usapan.
'Trip? Hindi ko gusto, hindi naman kasi ako nakikipaglaro para sakyan ang trip nila or maybe ninyo? Trupa mo diba?'- biglang nag iba ang tono ko.
'Mabait naman si Makki e, and what I mean is gusto ka boyz'-
'So what? I hate boys remember?'- putol ko sa anumang sasabihin niya. Bakit irereto niya ako dun?
'Okay sorry, kalma lang. Ang init ng ulo mo, ngayon na lang ulit kita nakita at nakausap e'- natatawang sabi niya.
'Ewan ko sayo'- mas binilisan ko pa ang lakad ko.
'Hey is it true? Hindi ka na available?'- naging mabagal ang paglalakad ko.
Peste!
'Oo, bakit interesado ka?'- mataray kong tanong.
Nginisihan niya lang ako at dahan dahan niya akong nilapitan.'A big yes, by the way I miss you'- teka wait? Miss?
'Mauna na ako sayo, take care'- bago tuluyang lumayo ay ginulo niya muna ang buhok ko.
I miss you-ulit ko sa sinabi niya. Shet lakas ng tama.
TBC.....

BINABASA MO ANG
11:11 Make A Wish( One Shot)
Roman pour AdolescentsLucky coin? Shooting star? And even the 11:11? Do you believe? Our luck and future do not depend in any kind of wishing things. Nakadepende ito sa kung paano natin gustong makuha ang mga bagay na gusto natin. Kung paano mapasaatin ang taong gusto na...