Birthday
Hindi ako mapakali at paulit ulit na tinitingnan ang mga damit na nasa higaan ko. Magdress ba ako o mag jeans? Bakit ko ba kasi pinoproblema to? To look good in front of them, of course.
Birthday ni Adrian ngayon at maya maya lang ay nandito na siya pero hindi pa rin ako nakaayos. I text ko kaya siya na hindi ako pupunta at masama ang pakiramdam ko? Pero panget naman kung ganun minsan lang ang birthday e.
Sa huli, pinili ko ang floral blue dress na off shoulder at pinarisan ko yun ng flat shoes. Sa huling pagkakataon ay muli kong sinulyapan ang aking sarili sa salamin. Hinayaan ko ang buhok ko na nakabuhaghag. Bagsak naman ang buhok ko kaya no need to pasalon.
Nakarinig ako ng busina mula sa labas. Nandyan na siya. Bumaba na ako. Nakaplain vneck shirt lang siya at jeans.
'Woops pretty!'- sabi niya sakin matapos akong tingnan mula ulo hanggang paa. 'Lets go'- binigay niya sakin ang helmet at inalalayan akong sumakay.
Maya maya pa ay huminto kami sa tapat ng isang two story house. Naririnig ko ang tugtugan at nakabukas ang gate na parang sinasabi na lahat pwedeng pumasok sa loob. Hindi naman ako pasmado pero namamasa ang mga kamay ko sa oras na to.
'Hoy tara na pasok na tayo'
'A-ah oo sandali lang'- nakatulala na pala ako.
'Kinakabahan ka ba?'- natatawang tanong niya. Napatango na lang ako at kumapit sa braso niya. 'Relax hindi sila nangangain. Ako lang'- biro niya pa.
'Baliw'
Inalalayan niya akong pumasok sa bahay nila.
'Andito na pala si Adrian e. Happy Birthday Kupal'- bigla kong nabitawan ang braso ni Adrian dahil sa lalaking lumapit at yumakap sa kaniya. Natatandaan ko siya, kapatid siya ni Alexa. Nagbitaw ang dalawa at saka naman siya napatingin sakin at nanlalaki pa ang mga mata.
'May kasama ka palang Chixx Kups?'
'Bumalik ka na dun kila Kevin, pakita muna ako kila Mommy sunod kami don'- sabay hawak sa kamay ko.
'Tae. Inlove ang kupal' -pahabol ng lalaki.
'Si Arthur yun'- sabi ni Adrian habang papasok kami sa loob.
'Anak, your here na'- isang babae ang lumapit mama niya. 'Kanina ka pa namin hinihintay, happy birthday.' - sabay halik sa pisngi niya bago napatingin sakin. 'Oh!'- nakangiting nanlalaki ang mga mata ng mama niya sa kaniya tapos balik ulit sa akin.
'Mom, this is Kaye, girlfriend ko'- pakilala sakin ni Adrian at mas lalong lumawak ang ngiti ng nanay niya. 'Just kidding mom'- bawi niya kaya naman masama siyang tinitigan nito. 'Advance lang akong mag isip, pero nililigawan ko pa lang siya. By the way, Kaye this is my mom'- pakilala niya sa mommy niya.
'Magandang umaga ho Ma'am'- bati ko dito. Nagulat ako ng niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi.
'Let's go, papakilala kita sa Daddy at kapatid niya'- hinila niya ako at napabitaw naman si Adrian sa kamay ko.
'Daddy!Baby! Look who's here.'- kahit na sabog ang bahay sa tugtug ay malakas rin ang sigaw ng mommy niya. Nakita kong lumapit sakin ang sa tingin ko ay Daddy ni Adrian at yung... Tinawag na baby ni Adrian dati.
'Who is she Mom?' - malambing na tanong niya habang nakatitig sakin.
'Your kuya's Girlfriend'
OMG! For real?'- agad niya akong nilapitan at niyakap ng sobrang higpit.
'Good morning ho'- bati ko sa daddy niya na nakangiti rin sa akin. Kanina pa nakakapit sa akin ang kapatid ni Adrian. Napakadaldal niya pero masaya silang kasama.
'Baby. Hiramin ko muna si Kaye ipapakilala ko lang siya kila Arthur. Pagkasabi nun ay hinila na niya ako palayo. Dumiretso kami sa likod kung saan maraming nagtatawanan.
'Yow what's up mga kupal'- nagulat ako sa sigaw ni Adrian. Napatingin ang lahat sa kaniya nagpalipat lipat ang mga tingin na yun sa amin.
'Whooaa may chixx na kasama'- sigaw ng isang lalaking may hawak na beer.
'Sabi ko sa inyo e, ayaw ninyong maniwala'- si Arthur.
'Teka! Pamilyar siya sakin e. Nagkita na ba tayo miss?' - lumapit sakin ang isang lalaki na may kulay ang buhok. Umiling ako.
'Tcchh, hindi ka pa niya nakita, Makki'- napalingon ako kay Adrian sa binanggit niyang pangalan.
'Mga kupal, this is kaye,-...
'Girlfriend ni kuya yan, ang ganda niya no!'- nagulat kaming lahat sa sumingit na si Ainna.
Nakangiti siyang tumingin sakin habang may hawak na fried chicken.
Binulungan ni Adrian si Ainna at mabilis siyang tumalikod samin.'Nice one, kaya pala inlove ang gago, hahaha by the way im Kevin- pakilala sakin nung lalaking may hawak na beer tinanguan ko lang siya.
'Arthur here'- nagtaas ng kamay si Arthur at nginitian ko lang siya.
'Ako nga pala si Makki' - sinulyapan ko ang Makki. 'Sabi ko sayo gwapo yan, ayaw mo kasi nung una mas gusto mo ako'- bulong sakin ni Adrian kaya naman hinampas ko ang braso niya. Lumapit kami sa table at ganun na lang ang gulat ko ng makita yung Yvonne at may isa pang lalaki na nandun.
'Si Yvonne at Charles'- pakilala niya sa mga ito. Nginitian lang ako ni Yvonne ganun din si Charles. Magkatabi kami sa upuan ni Adrian nasa gilid ko naman si Yvonne. May videoke dun at kanina pa kumakanta si Arthur at Kevin.
'Alam mo yang si Adrian,Kaye babaero yan-....
'Siraulo ka, sakin mo pa ipasa pagiging babaero mo kupal'- sabi ni Adrian kay Kevin at binato niya ng beer can pero natatawang umiwas ito.
'Kapag ito naniwala at hindi ako sinagot, wag ka ng magpapakita sakin'- seryosong sabi nito.'Ano? Akala ko ba mag on na kayo?'- tanong ni Arthur.
Nakatinginan kami ni Adrian.'Oo nga kami na!'- sabi ni Adrian. 'Sa panaginip ko kami na haha'-sabay bawi niya. 'Hoy Makki, wag mo kaming titigan ng ganyan.'
'Kupal ka, naglihim ka samin.- sabi nung Makki.
'Anong naglihim ka dyan? Eto na nga sinasabi ko na sa inyo diba?'- sabay tungga ng beer.
Napalingon ako sa katabi ko, nakatitig siya sakin. Medyo nailang ako kaya nginitian ko na lang siya.'Pasensya ka na sa family ko at mga kaibigan, sobrang kulit nila'- si Adrian matapos akong ihatid sa bahay.
'Ano ka ba okay nga ang family mo e. Nakakainggit.'- sagot ko at napayuko.
Naramdaman kong hinawakan ni Adrian ang baba ko para makita ang buong mukha ko.'Syempre lahat ng taong malapit at mahalaga sakin. Specially my family, pamilya mo na rin'- nakangiti niyang sabi. 'Wag ka ng malungkot dyan, nandito naman ako e.'
'Hindi naman ako malungkot ah! Masaya nga ako e'- sagot ko sa kaniya.
'Hahaha ehem bakit ka naman masaya? Dahil kasama mo ako? Ano ka ba maliit na bagay!'- maangas niyang sabi kaya naman sinapak ko siya ng mahina. 'Aray! Brutal ka!'
'Napakayabang mo naman kasi. Hahaha'- natatawa kong sabi.
Maghahating gabi na, pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Kanina pa nakauwe si Adrian. 'Ma, masaya ka ba? Okay na po ako ngayon ma, masaya rin ho ako. Ma, pwede mo ba akong bigyan ng sign? Sign na ito na ang simula. Please?'
O_O whooaa shooting star ba yun? Hindi ako pwedeng magkamali , napatingin ako sa relo na nasa wrist ko. O_O it's exactly 11:11pm.
TBC.....

BINABASA MO ANG
11:11 Make A Wish( One Shot)
JugendliteraturLucky coin? Shooting star? And even the 11:11? Do you believe? Our luck and future do not depend in any kind of wishing things. Nakadepende ito sa kung paano natin gustong makuha ang mga bagay na gusto natin. Kung paano mapasaatin ang taong gusto na...