Cappuccino
'Welcome to BL's Cafe',nakangiti at masigla kong bati sa mga kasalukuyang pumapasok sa loob ng café. Puno ang café kapag gantong oras, uwian at malapit sa school ito nakapwesto. Kadalasan ay pumupunta dito ang estudyante kapag mag aalmusal o kaya naman may mga kadate. Syempre hindi nawawala ang mga coffee lover kahit na tanghaling tapat ay nandito sila. Ramdam ko ang pagod at pangangawit mula sa pagkakatayo ko rito sa main door ng café para magwelcome ng sinumang papasok. Absent ang isa ko pang kasamahan kaya naman lahat kami dito ay nag multi tasking na para maaayos ang trabaho namin. Serve dito serve doon, dish washing tapos gagawa ng kape, pati na rin ang paggawa ng pancake. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang grupo ng mga estudyante na base sa kanilang suot na uniform ay mga college na rin sila.
'You know what mga sissy? Nagpaalam sakin si Rogue na manliligaw raw siya sakin'- kinikilig na kwento ng isang babae at ganun din ang mga Kasama niya.
'OMG! For real?'-sabay naman ng isa.
'Grabe sissy ang swerte mo, one of our campus heartthrob yun e'- sabi pa ng isa sabay kampay ng kamay.
'Oo tama kayo dyan, god kinikilig ako alam niyo ba yun?'- makikita mo sa kanila na masaya talaga sila.
Campus heartthrob? Siguro nga meron talagang nag eexist na ganung tao. Ang alam ko kasi sa mga teleserye at kwentong libro lang sila nakikita e. Sabagay ano bang alam ko dyan hindi naman ako nakatuntong ng college, hindi ko naranasang mag aral sa mga mamahaling school.
Napangiti ako ng mapait, minsan ko nang pinangarap ang mga yan, ang makapag aral habang ine-enjoy ang buhay teen ager. Ang magkaroon ng Mr. right pero hindi para sa akin ang mga bagay na yan. Hindi ko masabing ang unfair ng mundo kasi hindi lang naman ako nag iisa, hindi rin dalawa kundi marami kami. How I wish katulad ko sila?
'Kaye, ano na naman iniisip mo? Oras ng trabaho tulungan mo na akong magserve'- hindi ko namalayan ang paglapit sakin ni Ate Trisha.
'Pasensya na ate, ako na lang ang magseserve niyan. Anong table number ba to?'-saka ko kinuha ang bar tray na may lamang apat na cappuccino.
'Sige, table number six yan'-sabi niya saka ako tinalikuran. Mabilis na hinanap ng mata ko ang table number six at agad kong nilapitan. Bago pa man ako makalapit ay may nakabungguan na ako dahilan para matapon lahat ng kapeng hawak ko, sakin. Ramdam ko ang init, na agad na nagkalat sa katawan ko.
Nabitawan ko ang tray na hawak ko para iaangat ang damit ko mula sa balat.Gosh ang init nun.
It hurts.
Narinig ko ang mga bulong bulungan ng mga tao sa loob ng café. Hindi ko sila pinansin at nanginginig na pinulot ang mga nabasag. Natigil ako sa pagpupulot ng may humablot sa akin para mapatayo ako. Agad siyang yumuko para gawin ang dapat na ako ang gumawa. Hindi ko maaninag ang mukha niya pero lalaki siya, magulo ang buhok niya at may highlight na blue, nakauniform din siya katulad ng karamihan.
Gosh si Adrian, anong ginagawa niya?
Baka mabubog siya.
Kelan pa siya naging matulungin?
No! Kelan pa siya nagkaroon ng pake sa paligid niya.
Ilan lang yan sa mga narinig ko bago ko nakita ang manager ng café na si Mam Trina.
'Anong nangyayare dito?'- mabilis kong inagaw sa lalaki ang mga bubog na pinulot niya kahit hindi ako tumitingin sa mukha niya. Alam ko na kung saan na naman ako pupulutin pagkatapos neto. Nanginginig ako at ramdam ko na natigilan ang lalaking tumulong sakin. Sa pagmamadali ko sa pagpupulot ay nasugatan ako pero ininda ko ang sakit na naramdaman ko. Maliit lang naman yun, malayo sa bituka ko yun.
'Kaye, pagkatapos mo dyan ay dumiretso ka sa office'- mariin na sabi ni Mam Trina.
'Opo mam'- sagot ko.
Nanginginig ang mga kamay ko ng hawakan ko ang door knob para pumasok sa office ni Mam Trina. Alam ko naman na ang sasabihin sa akin e.
'Maupo ka'- utos niya sa akin.
'Siguro naman alam mo na ang mangyayari hindi ba?'- tumango na lamang ako sa kaniya.
'Ilang beses ka ng lalampa lampa at lalamya lamya sa oras ng trabaho Kaye. Ilang beses na rin kitang pinagbigyan but this time tinatanggal na kita sa trabaho mo'- lumabo ang paningin ko dahil sa luha na nagbabadyang tumulo.
'Ito na ang sahod mo para sa linggong dito'- at inabot sakin ang isang sobre na naglalaman ng pera. Tinanggap ko yun at tumayo na.
'Maraming salamat ho Mam'- sabi ko at tumalikod. Kung nagtataka kayo kung bakit hindi na ako nagpaliwanag? Dun rin ang punta ko, dahil ilang beses na akong pumalpak sa trabaho. Mabilis akong lumabas sa café at nag abang ng masasakyan. Wala ako sa mood na maglakad ngayon, pagod ako, masakit ang katawan ko at gutom na rin.
Kasalukuyan akong nakayuko sa damit ko na nabuhusan ng kape kanina lang. Nagulat ako ng may nakita akong pares ng mga sapatos na tumabi sa akin. Dahan dahan kong inangat ang ulo at tumingin sa gawi niya.
Matangkad siya sakin kaya kailangan ko pang tumingala. Napansin ko ang buhok niyang magulo at ang blue highlight nito. Naalala ko yung lalaking tinawag ng ilan na Adrian. Adik ba siya? Bakit dinaig niya pa ang babae kung mag hikaw?
Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sakin kaya bigla ko ring binawi ang tingin ko.'Ayos ka lang?'- tanong niya sa akin. Napatingin akong ulit sa kaniya at hindi ko naman akalain na sa kabila ng husga kong adik siya ay ang pagiging inosente ng buong mukha niya pero nandun rin ang angas.
'A-ako ba?'- nauutal kong sabi sabay turo ko sa sarili. pero hindi niya ako sinagot kumunot lang ang noo niya saka ako tinaasan ng kilay.
'Ah hahaha oo naman, ako pa ba'- natatawa kong sabi.
Bakit nya ba ako kinakausap at nilapitan?'Bat mo naitanong?'- balik kong tanong sa kaniya.
'Wala naman, e yung sugat mo? Nagamot mo na?'- sabay tingin sa mga kamay ko.
Nagulat ako ng hawakan nya yun, kaya hindi ko agad nabawi.Naramdaman kong hinila niya ako papunta sa isa sa mga bench na malapit sa café. Pilit nya pa akong pinaupo dun.
'O-okay lang ako, ano ka b-ba malayo sa bituka yan'- sabi ko sabay hila ng kamay ko sa kaniya.
'Hindi ko naman sinabing hindi ka okay e'- muli niyang hinawakan ang kamay ko na may sugat at inilapit sa bandang tummy ko.
'O ayan malapit na sa bituka mo?'- hindi ko alam kung nagjojoke ba siya pero....
'Hahahahahahhahaha'- sobra akong natawa sa ginawa niya, joker hahahaha.
Natigil ako sa pagtawa ng nakita ko siyang ngumiti habang nakatitig sa akin.TBC....
BINABASA MO ANG
11:11 Make A Wish( One Shot)
Teen FictionLucky coin? Shooting star? And even the 11:11? Do you believe? Our luck and future do not depend in any kind of wishing things. Nakadepende ito sa kung paano natin gustong makuha ang mga bagay na gusto natin. Kung paano mapasaatin ang taong gusto na...