Who's his girl?
Ilang linggo na ang nakalipas matapos ang usapan namin na yun at hindi na muling nasundan pa. Paulit ulit akong nagbabakasali na dadaan siya o naghihintay sa akin sa tapat ng café. Isang oras akong naghihintay dun kada araw, pero walang Adrian Lopez na dumarating wala kahit na ang dumaan. Hindi ko alam kung para saan ang paghihintay ko na yun para sa kaniya. Ano ko ba siya? Ano ba kami? Hindi naman kami magkaibigan at lalong hindi ko siya boyfriend.
Pagkapasok ko ng bahay ay ngayon ko naramdaman ang lungkot, na mag isa lang talaga ako sa buhay. Na walang taong nananatili, lahat sila aalis, lahat sila iiwan ka.
Kinagabihan ay hindi ako dinalaw ng lungkot, byernes naman na ngayon nag day off rin ako para bukas kaya okay lang siguro ang magpuyat.Tumingin ako sa relo na nasa kamay ko.
'11:11? Wish? Totoo kaya yun?'- kausap ko sa sarili ko. Base kasi sa nakita ko sa internet kanina ay marami ngang humihiling sa 11:11 na yun.
Ano kayang ginagawa ng lalaking yun ngayon? Busy pa ba siya?
Ha! Hindi ko naman siguro namimiss yung lalaking yun diba? Abnormal na naman ang tibok ng puso ko.
Hindi naman siguro masama kung susubukan kita 11:11 diba?
11:09
11:10
'Ano ba ang iwiwish ko? Natulala ako sa relo ko ng mag'-
11:11 na.
Pumikit ako at,
Sana makita at makausap ko ulit si Adrian.
O_O napamulat ako ng mata ko sa hiniling ko. Seryoso ba ako dun? Dapat ang hiniling ko ay makita ko ulit si papa e pero bakit si Adrian?
Napangiti ako ng hindi sinasadya. Bago ako natulog ay muli akong tumingin sa kalangitan, walang bituin.
Monday. Hindi ako mapakali sa pwesto ko, excited at kinakabahan ako. Dadaan ulit ako sa cafe mamaya. Excited akong makita siya at the same time kinakabahan baka kasi wala siya at hindi natupad ang wish ko.
Nagmamadali akong nagpaalam sa mga kasamahan ko. Sobrang bilis ng mga hakbang ko halos tumakbo na ako papunta sa café,
Bigla akong natuwa ng makita ko nga siyang nakaupo sa bench, pero agad ding nawala, hindi siya nag iisa may kasama siya, babae?
Binagalan ko ang kaninang nagmamadali kong lakad. Pinagmasdan ko ang kausap nyang babae. Tumigil ako sa paglalakad ng nakita ko kung paano nya ginulo ang buhok ng babaeng yun. Bigla akong nainis at nabwesit. Ang daya ng 11:11 na yun, tinupad nya yung wish ko pero hindi ko naman sinabing may kasamang iba diba? Worst babae pa at mukhang may relasyon sila.Naglakad pa ako palapit sa kanila na sana hindi ko na lang ginawa.
'Baby saglit lang hintayin natin siya, parating na yun okay?'- tanong niya sa babae at inakbayan ito.
Baby? So tama ako na girlfriend nya yan. Bakit ko ba kasi kinalimutan yung sinabi niya sa café dati na taken na siya.
Baby mo mukha mo, ang laki laki na nyan tapos baby pa tawag mo. Mabilis akong tumalikod sa kanila at naglakad palayo.
Narinig kong tinawag niya ako, pero hindi na ako lumingon pa. Tumakbo na ako para hindi niya maabutan, pinara ko ang isang tricycle na dumaan. Nakita ko pang tumakbo si Adrian para lapitan ako pero umandar na ito. Hinding hindi ko siya lilingunin.
Bakit nakakaramdam ako ng ganto? Bakit pakiramdam ko nasasaktan ako?
Hindi ko pa naranasan ang magmahal dahil ayoko nga, pero pakiramdam ko gusto kong baguhin yun ng makilala ko si Adrian. Hindi ko alam kung pagmamahal ba yun? Pero ang alam ko lang may nararamdaman ako para sa lalaking yon.Katulad ng sinasabi ko napaka unfair ng mundo, hindi ako nababagay sa mundo ni Adrian.
Pilit kong iniwasan ang dumaan sa cafe na yun. Half day lang pasok ko ngayon, kaya dumiretso ako sa park na minsan na rin naming pinuntahan. Wala naman siguro siya dito, tatambay lang ako saglit.
Umupo ako sa isa sa mga swing na nandun at muling tumingin sa relo. Ang aga kong umalis sa shop kaya saktong 11:06 na. Tcchh 11: 11 again?'Minsan na lang akong humiling, sinabotahe mo pa'- naiinis kong sabi sa relo ko.
'Sabi ko na e, pupunta ka dito'
O_O nagulat ako sa nagsalita sa likuran ko. Ayokong lumingon baka guni guni- natigil ako sa pag iisip ng lumitaw siya sa harapan ko.
'Ilang araw kitang hinihintay dun sa café pero wala ka, iniiwasan mo ba ako?'- tanong niya.
'Hindi no!Bakit naman kita iiwasan?'- iwas kong sabi.
'Talaga? Tinakbuhan lang?'- seryoso nyang sabi. Napatingin ako sa kaniya.
'Tinakbuhan mo ako nung isang araw hindi ba? Bakit?'
'Ano ka ba hindi naman kita tinakbuhan no! Bakit kita tatakbuhan e hindi ko nga kayo nakita nun e'- kinakabahan kong sabi.
'Kami? Pano mo nalaman na may kasama ako kung hindi mo ako nakita?'- nakatitig nyang sabi sakin. Ngayon ako na yung hindi mapakali sa pwesto ko kaya naman tumayo ako.
'Ah kailangan ko na palang umuwi ngayon, marami pa akong gagawin next time na lang ulit'- saka ko siya tinalikuran pero bago pa ako makalayo.
'Hindi mo ako iniiwasan sa lagay na yan?'- tanong nya kaya naman natigil ako sa paglalakad. Humarap ako sa kaniya pero nakatalikod siya sa akin at may sinisipa na kung ano sa bermuda grass.
'You know what alam ko naman na may trust issues ka sa mga lalaki hindi ko aalisin sayo yun. Pero hindi lahat ng lalaki katulad ng papa mo Kaye. Tandaan mo parati na we are born differently. Paano yung mga taong gustong makipagkaibigan sayo? Pano yung mga taong gusto kang makausap? Paano ako? Kung iiwasan mo kami dahil sa ayaw mo sa mga lalaki?'
'Wala kang karapatang sabihin sa akin yan Adrian. Hindi mo alam yung sakit na naramdaman ko mula noon hanggang ngayon nandito pa rin yung sakit at takot'- sigaw ko sa kaniya habang umiiyak. Taena bakit laging ganto? Paulit ulit na lang akong ganto?
'Hindi mo alam yung pinagdaanan ko, kaya ni isa sa inyo wala kayong karapatan na pagsabihan ako'
'Tama ka. I don't have rights in you. Kasi sino ba naman ako? Lalaki ako, isa sa mga nilalang na kinamumuhian mo. Hindi ko nga alam kung bakit pa kita pilit na hinahanap kahit na halata namang iniiwasan mo ako. Tama ka kasi hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo!'- mariin niyang sabi sakin. Mas lalo lang akong umiyak sa harap niya at napaupo. Pakiramdam ko mas lalo lang nadagdagan yung sakit na naramdaman ko e.
'Mauna na ako, pasensya kung naistorbo kita at nangialam ako'- marahan siyang naglakad sa gilid ko, umupo siya sa harap ko at binigay ang panyo.
'Wag kang mag alala, hindi ko na dadagdagan ang sakit na nararamdaman mo. Hindi na kita kukulitin'- sabi niya sakin at naglakad palayo ng palayo sakin.
TBC.....
BINABASA MO ANG
11:11 Make A Wish( One Shot)
Teen FictionLucky coin? Shooting star? And even the 11:11? Do you believe? Our luck and future do not depend in any kind of wishing things. Nakadepende ito sa kung paano natin gustong makuha ang mga bagay na gusto natin. Kung paano mapasaatin ang taong gusto na...