1.7

7 2 0
                                    

My First

Nagising akong may ngiti at kakaibang saya na nararamdaman kinabukasan.

Mabilis akong nag asikaso ng sarili ko at nagmamadaling pumasok sa trabaho.

'Ehem mukhang maganda ang pasok ng umagaaa'- bungad sakin ni Angel.

'Baliw ka, maganda lang ang gising'- sabi ko.

'Naks naman girl, inspired?'-singit ni Maxine. Mabilis akong umiling sa sinabi niyang yon. Dumiretso na ako sa pwesto ko.

Ilang oras pa ang lumipas na maganda ang mood ko habang nagtatrabaho.

'Girl...'-tawag ni Angel sakin at natataranta na parang kinikilig na ewan.

'Bakit anong nangyayare?'-tanong ko.

'My papa sa counter girl'-sabi niya sabay hampas sa braso ko.

'Papa? Edi go na, harot na. Nahiya ka pa'-biro ko sa kaniya.

'Kung pwede lang e, bakit hindi? Ikaw ang bet girl'-sabi niya sakin.

'Ako? Anong kinalaman ko dyan? At pwede ba wag mo akong istorbohin'- sabi ko.

'Baliw ka girl, hinahanap ka. Adrian daw ang neym ni pogi.' Agad akong napalingon sa kaniya. Adrian? Anong ginagawa nun dito?
Nagtataka akong umalis sa pwesto ko at pumunta sa counter area para icheck. Si Adrian nga! Napatayo siya ng makita akong papalapit sa kaniya. Nakita ko pa sa peripheral vision ko kung paano naghampasan yung tatlo kong kasamahan.

'Hi'- nakangiti niyang bati sakin. Ngumiti ako pabalik.

'H-hi, anong ginagawa mo dito?'-tanong ko bago tuluyang lumapit sa pwesto niya.

'Hmm, napadaan lang, sabi nya. 'By the way sabi ng mga kasama mo ay half day lang kayo ngayon, so'- tinaasan ko siya ng kilay sa pabitin niya.

'So?'

'Gala tayo?, gagala kami? San naman?'

'H-ha? Gala? San naman?'- tanong ko. Nginisihan niya lang ako, at ang weird talaga ng kulay blue na highlight niya sa buhok.

'Kahit saan. Ano payag ka o papayag ka?'-sira ulo tong lalaking to.

'Okay'-saka ako nakangiting bumalik sa pwesto ko.

'Yan ang gagamitin natin?'- tanong ko sa kaniya ng makita ang isang maangas na motor sa tapat ng shop.

'Oo. Para tipid tayo,maraming gas naman to e. Oh'- sabay abot sa akin ng helmet. 'Wag kang matakot ako ang bahala sayo, sagot kita'

Wala akong nagawa kundi tanggapin ang helmet na binibigay niya sakin. First time kong sasakay sa motor at lalaki pa ang kasama ko. Inilahad niya ang kamay para alalayan akong sumakay.

Maya maya lang ay huminto kami sa isang park, hindi ito yung park na napuntahan na naming dalawa. Mas malawak, at maraming bulaklak na nagkalat. Maraming benches at may swing din. Inalis ko ang helmet na suot na naunang maglakad papunta sa park.

'So anong gagawin natin dito? Gagala? Lilibutin ang buong park?'-tanong ko at natawa lang siya.

'Of course not! Getting to know each other, you know'- sabay kindat sakin at umupo sa isa sa mga swing na nandun.

'Getting to know each other? Ano ka bata?'-natatawa kong sabi.

'With a twist!'-dugtong niya.

11:11 Make A Wish( One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon