Believe
Lumipas ang linggo, nakikita ko na lang ang sarili ko sa tapat ng BL'S café para hintayin si Adrian. Hindi ko alam pero pagkagaling ko sa trabaho ay dito ako dumidiretso sa bench at hinihintay siya. Hindi naman ako nabibigong maghintay dahil minsan siya ang nauuna, minsan ako. Consistent ang pag uusap at pagkikita namin na yun. Tinatanong ko ang sarili ko kung ano ba ang meron sa kaniya? Bakit ko siya binabalikan? Bakit hinahanap ko ang presensya niya kapag nalulungkot ako? Bakit kailangan kong makaramdam ng ganto? Sa kabila ng mga tanong na ito, pilit ko pa ring pinipigilan ang sarili ko. Natatakot ako, ayokong matulad sa mama ko.
'Tccchh ang lalim na naman ng iniisip mo'- isang araw na sabi niya sakin. Kasalukuyan kaming nasa park ngayon at parehong nakaupo sa dalawang swing.
'Nasisid mo?'- bara ko sa kaniya.
'Gusto mo bang sisirin ko?'- nang aasar niyang balik sakin.
'Siraulo ka talaga'- natawa lang siya sa sinabi ko.
'May boyfriend ka ba?'
O_O nagulat ako sa tanong nya na iyon kaya napatingin ako sa kaniya pero hindi siya nakatingin sa akin.
'B-bakit mo naitanong?'- kinakabahan kong tanong.
'Wala, tinatanong ko lang baka kasi siya yung iniisip mo e'- sabi niya.
'Ah, wala, ayokong mag boyfriend'- diretso kong sabi naramdaman ko ang pagtitig niya sa akin.
'Bakit?'
'Wala lang. Ayoko lang. Ayoko sa lalaki.'
'Ano? Ayaw mo sa lalaki?'- gulat na tanong niya.
Oo
'Babae ba ako sa tingin mo? Lalaki ako diba?'- natigil ako sa paggalaw sa swing dahil sa tanong niya. Oo nga no bakit nga ba sa kabila ng iwas ko sa mga lalaki ay eto ako at siya, eto kami nag uusap. Napatingin ako sa mga mata niya, dati pakiramdam ko napakaplain ng mga mata niya, pero netong mga nakaraang araw ay kumikislap ang mga yon.
Bigla akong napayuko.'Hindi ko alam'- kinakabahan kong sabi.
'Bakit ayaw mo?'- ngayon seryoso na siya. Magaan ang loob ko sa kaniya, gusto kong magkaroon ng kaibigan, yung masasandalan ko kapag pagod na ako, yung taong magbibigay sa akin ng advice kung tama o mali ba yung gagawin ko, yung mga ginagawa ko. Taong magpaparamdam sa akin na dapat pa akong mahalin. At siya yung tinutukoy ko na tao, nararamdaman ko na siya ang hanap ko.
'Dahil sa papa ko'- bigla na namang sumikip ang dibdib ko.
'Seven years old ako bata pa pero alam ko na ang nangyayari sa paligid ko lalo na sa pamilya ko. Si papa, lasingero, sugarol at babaero. Hindi ko alam kung bakit naging ganun ang nangyare sa pamilya ko,lalo ba kay papa. Sobrang dami kong tanong sa isip ko nun, alam mo yun? Yung sa murang isipan ko, tinatanong ko, hindi na ba mahal ni papa si mama? O hindi lang talaga marunong makuntento si papa? Sino ang may kasalanan sa kanila? Bakit kailangang mamatay ni mama? Bakit kailangan ako yung magdusa? Bakit'- hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak, oo sa harap niya. Sobrang bigat ng dibdib ko, ang sakit sakit na. Naramdaman ko siyang tumayo at lumapit sakin. Umupo siya sa harap ko.
'Sige lang ilabas mo lahat ng sakit na nararamdaman mo- seryoso nyang sabi sakin.
'Galit na galit ako sa papa ko, namatay si mama wala ni ang anino niya. Siya yung sinisisi ko sa pagkamatay ni Mama.'
'Bakit?'
'Kung hindi siya nambabae, sana masaya yung pamilya ko, sana masaya si mama at hindi siya malungkot. Sana hindi niya ako iniwan, sana hindi siya nagpakamatay. Lahat ng yun ay dahil kay papa. Mahal na mahal ni mama si papa, at hindi niya kayang makita si papa na may iba'- mas lalong lumakas ang iyak ko ng araw na iyo.
'Alam mo ba kung ano yung mas masakit dito? Galit din ako kay mama, kasi iniwan niya ako. Hindi nya ako inisip, nung ginawa niya yun. Bakit kailangan ko pang makita?'- iyak na ako ng iyak hanggang sa wala na akong mailuha. Naramdaman kong hinawakan niya ang mga kamay ko.
'Do you believe in 11:11?'- tanong nya sa akin.
'Eleven:eleven? Diba 7/11 yun?'- pinitik niya ang kamay ko na hawak niya at tumayo mula sa pagkakaupo.
'Aray ko naman, hindi ko alam yang 11:11 na yan. Anong meron dyan?'- nakatitig kong tanong sa kaniya.
'Sabi nila kapag nagwish ka during that time 11:11, matutupad.'
'We? Kalokohan yan, sa shooting star pwede pa. 11:11! Ano maghihintay ako dyan para lang magwish? Hindi na lang'- natigil lang ako sa pagsasalita ng nakita ko siyang nakatingin habang nakangiti sa akin.
'Tinatanong lang naman kita kung naniniwala ka, diko sinabing magwish ka'- sabi niya sakin.
'Nga pala, next week baka hindi na ako makapunta sa BL'S Café'- bigla akong napatingin sa kaniya.
'B-bakit?'
'Finals na namin, marami akong requirements na kailangang ipasa before that, so magiging busy ako'- nakangiti nyang sabi pero hindi ko magawang ngumiti ng pabalik. Bakit parang nalungkot ako.
'Tcchh wag kang sumimangot dyan, bakit mamimiss mo ba ako?'- pang aasar nya sakin.
'Ha! Kapal mo hindi no, kahit wag ka ng magpakita sakin okay lang'- mayabang kong sabi.
'Hahaha, sige sabi mo yan- nakangisi niyang sabi sabay talikod sa akin. Baka totohanin nya yun at hindi ko na siya makita.
'Ay haha ano ka ba joke lang yan'- tumayo ako sa swing at sumunod sa kanya.
Bigla siyang humarap sa akin.'Anong year ka nag stop?'- tanong nya sakin.
'Hmm graduate ako highschool, college na dapat ako.'
'Gusto mo ba ulit bumalik sa pag aaral? Sayang naman mukhang may ibubuga ka hahahaha'- natatawa nyang sabi sabay peace sign.
'Babalik ako sa pag aaral, nag iipon pa ako sa ngayon. Ikaw anong year mo na?'
'Sana all bumabalik, hahaha. by the way graduating ng college'
O_O whooaa as in?
'Baliw ka! Talaga? Anong course mo?'- excited kong tanong.
'Civil engineering.'
Katulad ng sabi niya ay hindi na nga kami nakapag usap at nagkita nang sumunod na linggo. Dumadaan pa rin ako Café ,pati na rin sa school nila pero hindi ko siya makita. Gusto ko lang naman siyang kamustahin e. Ewan ko ba sa sarili ko ayoko sa lalaki pero gusto ko siya. Pwede pala yun no may exempted sa mga hate mo?
TBC.....

BINABASA MO ANG
11:11 Make A Wish( One Shot)
Novela JuvenilLucky coin? Shooting star? And even the 11:11? Do you believe? Our luck and future do not depend in any kind of wishing things. Nakadepende ito sa kung paano natin gustong makuha ang mga bagay na gusto natin. Kung paano mapasaatin ang taong gusto na...