Chapter One

2.2K 24 0
                                    

"ALAM kong luma at gasgas na 'to pero wala na akong maisip na tamang sabihin sa'yo kundi ito lang. It's not you, it's me."

Huminga ng malalim ang kausap ni Charm at bagsak ang mga balikat na tumayo. "I don't have a choice, do I? Sana lang, ma-realize mo din someday na ako talaga ang kailangan mo para makatulong sa kung ano man ang problema mo." pagkatapos ay naglakad na ito palayo sa kanya.

Napabuntong-hininga na lang siya 'tsaka iiling-iling na tumayo. Binitbit na din niya ang kanyang back pack at nagtungo sa Greenhouse, ang lugar kung saan nandoon ang organisasyon na kinabibilangan niya. Magse-session pa siya ng pagsasayaw para hindi masira ang figure niya. Napapadalas kasi ang pagfo-food trip niya kasama ang mga kaibigan at pakiramdam niya ay lolobo na siya.

That is not good for me that's why I had to stay fit! aniya sa isip.

Nang makapasok sa loob ng greenhouse ay agad niyang napansin ang lalaking nakaupo sa isang sulok at kinakausap ang naka-pasong bulaklak. Napangiti siya at napailing-iling. "Anong kabaliwan na naman ang pinaggagagawa mo, James?"

Bahagya lang itong lumingon sa kanya bago muling ibinalik ang tingin sa pobreng bulaklak. "Tinatanong ko lang siya kung ano ang magandang surprise. Malapit na kasi second anniversary namin ni Colette at hanggang ngayon, wala pa din akong maisip na gawin para sa kanya."

Napailing-iling na lumapit siya sa binata at ginaya ang posisyon nito. Si James Hendrix ang nagi-isang lalaking apo ni Don Federico Hendrix, ang may-ari ng Hendrix International University kung saan siya naga-aral. Kababata niya ito at si Colette na siyang nobya nito. Saksi siya sa love story ng dalawa kaya naman kahit paano ay naniniwala siya sa sinasabi ng mga kaibigan niya na lahat ng tao ay nilaanan ng Diyos ng kapareha.

Hindi nga lang siguro para sa'kin iyon. matabang na ani ng isang bahagi ng isip niya.

Nagpaka-bitter ka na naman, Charmaine. ani naman ng kabila.

"Alam mo, James? Kahit ano naman ang gawin mo para kay Colette ay maa-appreciate niya. Napakababaw kaya ng babaeng iyon. Imposibleng hindi niya magustuhan kung ano man ang ibibigay o gagawin mo para sa anniversary ninyong dalawa. Mahal na mahal ka kaya no'n. Kahit nga siguro sa turo-turo mo lang siya dalhin at gulaman lang ang ibigay mo sa kanya, matutuwa na iyon eh."

Her friend chuckled. Nagniningning na ang mga mata nito nang muli itong bumaling sa kanya. "Alam mo, Charm? Bagay talaga sa'yo ang pangalan mo. Napaka-charming mo. Feeling ko ang laki ng problema ko pero habang nagpapaliwanag ka, nararamdaman ko ang pagkawala ng pagkabaliw ko. Feeling ko walang-wala lang 'to." tinapik siya nito sa balikat. "Thank you, Charmaine ha?"

Pumalatak siya ngunit nakangiti naman. "You're welcome, James. Pero dapat nga may bayad iyan eh. Ilibre n'yo dapat ako ni Colette sa serbisyo ko. Ang hirap kayang magpaliwanag sa mga taong in love. Nakakasuka."

Tinaasan siya nito ng isang kilay. "Ikaw talaga, nagpapaka-bitter ka na naman sa mga in love. Ikaw nga, palagi ka na lang may boyfriend, hindi naman tumatagal. Minsan, ang sarap mo din tuktukan sa ulo eh. Kung hindi ko lang napipigilan si Nicolette, siguradong sinugod ka na no'n at sinabunutan. Kaya dapat, magtino-tino ka ha?"

"Oo na, oo na. Tumahimik ka na, Lolo James. Pinangangaralan mo na naman ako nang wala sa lugar. Hindi ko naman kasalanan kung irresistible ako at hindi mapigilan ng mga kabaro mo ang lumapit sa'kin. At isa pa, hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Dating lang ang tawag sa ginagawa ko at hindi pakikipag-relasyon." paliwanag niya na animo bata ang kausap. Hindi na bago ang ganoong pagse-sermon sa kanya ng kaibigan kaya nasanay na lang din siya.

Love Revolution 7: Charm, The Charming Fairy [Published under PHR] (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon