IPINAGDASAL ni Charm na hindi maging disaster ang pagpapakilala niya sa HID family at kay Henry at sa awa ng Diyos ay madaling nakasundo ng mga ito ang isa't-isa. Mukhang madaling na-charm ng binata ang mga kaibigan niya.
Hindi din siya nahirapan sa pag-kumbinsi kina James at Colette na sumali sa kalokohan nila ni Henry. Excited pa si Colette na subukan ang ganoong klaseng kompetisyon. Naniniwala naman silang magagawa nila ng maayos ang string dance kahit na unang beses pa lang nilang sasali sa ganoong kompetisyon. Ang kailangan lang nila ay ang i-encourage si Henry dahil sa takot nitong mag-perform sa harap ng madaming tao.
Pagkatapos ng naging pagu-usap nila sa The Bay halos dalawang linggo na ang nakararaan ay mas lalo silang naging malapit sa isa't-isa. Palagi na silang magkasama, hatid-sundo pa nga siya nito sa eskuwelahan. Kasabay din niya ito kumain ng lunch at palagi siya nitong ina-update sa paghahanap nito sa mommy nito.
Nagtataka na nga si James sa relasyon nila ng kaibigan nito pero palagi naman niyang sinasabi sa kaibigan na wala itong dapat na alalahanin dahil magkaibigan lang sila ni Henry. As much as she wanted to be the one to court the man, she can't. Ipinangako na nga niya sa sarili na titigil na siya, hindi ba? Isa pa, hindi siya sigurado kung pareho ba sila ng nararamdaman para sa isa't-isa. Yes, she liked the man but what about him? Mukhang pure friendship lang ang gusto nito mula sa kanya. Oo nga at naga-alala ito sa kanya at nagiging extra sweet pero ayaw niyang mag-assume. Ayaw niyang masaktan kaya nga naku-kuntento na lang siya sa kung ano ang mayroon sila ng binata.
Aalis din naman kasi ito pabalik ng China dahil ayon na din sa binata, nandoon ang buhay nito. Wala naman itong dahilan para manatili sa Pilipinas, unless maging maayos ang magiging pagkikita nito at ng mommy nito.
Kaya 'wag ka nang umasa. Makuntento ka na lang na ikaw lang ang may gusto sa kanya. Karma mo na din iyan sa mga nasaktan mong kabaro niya. ani ng isang bahagi ng isip niya.
Napailing-iling na lang siya. Kung ano man ang kahinatnan ng unti-unting pagiging attached niya kay Henry Anthony Mercado, bahala na si Batman. Ihahanda na lang niya ang sarili sa posibilidad na masaktan siya. Sa unang pagkakataon.
MEETING new people who share the same passion as him had been great. Hindi akalain ni Henry na madali niyang makakasundo ang mga miyembro ng Hendrix International Dance Troupe. Pagkatapos siyang ipakilala ni Charm sa mga ito ay nag-research siya tungkol sa grupo.
Ang Beat Movers ay naging champion na noong nakaraang Close-up summer street dance competition. Ang Tinkerbell naman ay sikat sa pagco-cover ng mga Korean pop songs at sumali na din ang mga ito sa isang kompetisyon sa telebisyon. May parehong facebook at Instagram fan page pa ang dalawang grupo. Hindi niya inakalang sikat pala ang babaeng nagustuhan niya. She's getting all the attention she needed everytime a fan approaches her. Ang sabi nga nito ay hindi no'n nasa-satisfy ang kakulangang nararamdaman nito. Maging ng mga naging nobyo nito. Pumasok na nga din sa isip niya na punan ang kakulangang nararamdaman nito sa sarili. Nagugulat siya sa sarili dahil willing siyang tulungan ang dalaga maging masaya lang ito. As in totoong masaya. Dahil sa ilang linggo nilang pagsasama ay masasabi niyang gusto talaga niya ang dalaga. Isang bahagi nga lang niya ang natatakot dahil sa past relationships nito.
Hindi naman siya santo. Alam niyang sa past relationships niya ay may mga babae din siyang nasaktan pero malinaw naman sa mga ito ang limitasyon ng pagsasama nila. Ang kaso ni Charm ay hindi nito sinasabi o nililinaw sa mga nagiging boyfriends nito ang terms ng pagsasama ng mga ito. Nagiging masama tuloy ang tingin dito ng mga kabaro niya. Natatakot pa siya para dito dahil hindi malayong balikan ito ng mga lalaking iyon para gantihan. Well, boys will always be boys. Makanti mo lang ang ego ay nagagalit na. He should know, may mga oras na ganoon din kasi siya.
BINABASA MO ANG
Love Revolution 7: Charm, The Charming Fairy [Published under PHR] (Complete)
Romance"...hindi mo dapat ipinagkakait sa sarili mo ang maging masaya. Hindi porque nasaktan ka ng isang beses, masasaktan ka na sa buong buhay mo." CHARM loves attention. Iyon ang dahilan kaya nakikipag-date sa mga lalaking may gusto sa kanya. Kaya lang...