Chapter Eleven

465 10 0
                                    

SA MGA sumunod na araw ay naging abala na ang lahat sa puspusang page-ensayo para sa nalalapit na String Dance competition at Sketchers.

Hirap na hirap silang lahat sa pag-compromise sa mga schedules nila kaya ipinagpapasalamat nila kapag nagiging maayos ang kinalalabasan ng mga practices nila. All throughout the process, hindi sila pinabayaan ni Miss Aurora. Maging ang ibang orihinal na Tinkerbell ay tinutulungan sila sa mga routines nila. Hindi nga lang ang mommy ni Rei dahil may sakit iyon.

Maging ang Tita Ariel nga niya na kababalik lang galing sa trip nito ay tumutulong din sa kanila. School at bahay na nga ang nagiging routine nilang lahat at kung minsan, ang ilan sa kanila ay doon na sa cabin nakakatulog at kung hindi pa gisingin ng iba ay siguradong doon na magpapalipas ng gabi.

Katulad na lang nang gabing iyon. Nakatulog si Charm kasama ang ibang kaibigan dahil sa sobrang pagod. Naramdaman lang niya ang pag-angat niya mula sa sofa pero hindi na siya nag-abalang magbukas ng mga mata. Pagod na pagod na talaga siya at ang gusto na lang niya ay i-deretso ang pagtulog.

"Ako na ang maghahatid sa kanya pauwi para hindi ka na maabala. Siguradong hinihintay ka na din ng mommy at daddy mo." anang pamilyar na boses ni James.

"No, ako na ang maghahatid sa kanya. Please, James. Samahan mo na lang ako hanggang sa maihiga ko siya sa kama niya." ani naman ng pamilyar na boses ni Henry.

Ilang sandaling katahimikan ang namayani bago niya muling narinig ang boses ng kaibigan. "Okay, okay. If that's what you really want." Pumalatak pa ito. "Ang hirap talaga kapag in love. Nakakabaliw."

Kung may lakas pa siyang natitira, baka tinawanan na niya ang komento nito. Nang magsimulang maglakad ang kung sino mang may buhat sa kanya ay bigla siyang napakapit sa batok nito. Nakaramdam kasi siya ng bahagyang pagkahilo.

"I got you. Just sleep, gigisingin na lang kita kapag nasa bahay n'yo na tayo." anang malambing na tinig ni Henry.

Sa halip na sumagot ay idinikit lang niya ang mukha sa bandang puso nito. Ang sarap amuyin ng binata, nanunuot sa ilong niya ang pinaghalong pawis at bango nito. Napangiti siya sa isip. Kung palaging ito ang makakatabi niya kapag matutulog siya, aayawan na lang din niya ang paggising.

Malandi ka!


"SHIT, hindi ko inaasahan na mananalo tayo dito sa competition na 'to kahit na ba sabihing nagpapaka-positive thinker din ako. Nakakabaliw na nakakakaba. Ang gagaling naman kasi ng mga kalaban natin."

"I agree. Kahit ako, hindi gaanong masasaktan kung hindi tayo manalo sa contest na 'to. Madi-disappoint, oo. Tulong din naman kasi natin 'to sa mama ni Rei pero pagkatapos kong mapanood iyong mga kalaban natin? Parang pakiramdam ko, lalabas ang puso ko sa ribcage niyon."

Natatawa na lang si Charm at ang iba pang miyembro ng HID dahil sa sentimyento nilang lahat. Nasa labas sila ng ospital kung saan naka-confine ang mama ni Rei. Tapos na ang surgery nito at nagpapalakas na lang. Nasa loob ng silid ng ginang ang mga kaibigan nito na mga dating miyembro ng Tinkerbell.

"Saan na tayo magse-celebrate niyan? May love life na si Rei, that leaves Charm, Eena, Jazza, Chase and Tyler. Mas maganda siguro kung inggitin natin sila para maghanap na din sila ng love life." pang-aasar ni Moose na isa-isa pa silang tiningnan na mga single.

"Considered as single pa din ba si Charm? Mukhang kailangan na lang nating maghintay ng official announcement para makumpirma nating may love life na din siya eh." nanunudyong binunggo pa ni Chase ang balikat ni Charm na ikinasimangot lang niya.

Love Revolution 7: Charm, The Charming Fairy [Published under PHR] (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon