KINABUKASAN ay kinausap ni Charm sina Red at Sangmi. Cancelled ang practice nila dahil gusto ng dalawa na mag-enjoy naman daw muna silang lahat bago man lang mag-pasukan. Masyado kasi silang focused sa malaking kompetisyon na sasalihan nila. Kung tutuusin, may advantage sa kanila ang pagsali doon dahil nasa kanila ang Beat Movers, ang champion sa Close-up street dance competition ilang buwan na ang nakalilipas. Madami nang fans ang mga ito pero hindi din naman magpapatalo ang Tinkerbell. They have their own set of fans. Individually and as a group. Nakuha nila ang mga iyon dahil sa pag-participate sa mga Kpop events.
Siguradong burned out na raw sila ayon sa kanilang presidente at bise-presidente dahil sa pagpa-practice nang tuloy-tuloy kaya binigyan sila ng mga ito ng dalawang araw na break. At kinuha na nga niya ang pagkakataon na kausapin ang dalawang leader nila.
"String dance competition. Alam mo, naririnig ko na iyan dati eh. Gusto ko nga sanang sumali kaya lang sino naman ang magaling tumugtog ng strings sa'tin?" ani Red na nakaupo sa bean bag.
"Sa Korea, may mga ganyang competition din. Nakapanood na ako ng ganyan pero hindi pa ako nakakasali. And I want to try it. Mukhang exciting eh." ani naman ni Sangmi na nakaupo sa kabilang dulo ng sofa kung saan din siya nakaupo.
"Si Henry ang magiging violinist natin. Kaibigan siya ni James na nagbabakasyon lang dito sa Pilipinas. Gusto niyang sumali sa competition na iyan kaya lang, minimum of ten ang dapat na miyembro ng grupo para makapasok. Hiningi niya ang tulong ko. Kaya pa ba natin magdagdag ng isang competition na sasalihan kung may iniisip tayong Sketchers? Baka masyado na tayong magpagod." nagaa-alala lang siya dahil baka magreklamo ang ibang kaibigan nila.
"Don't be silly, Charm. This is the first time na hiningi mo ang tulong namin. Kahit minsan, hindi ka lumalapit sa'min para tulungan ka sa kahit na ano kaya tatanggihan ka ba namin? We have talent, remember? Kaya nating pagsabayin iyan." wika ni Red, may palakaibigang ngiti sa labi.
"Tatanungin ko din actually sina James at Colette kung gusto nilang sumali for Henry. Siguro naman hindi nila tatanggihan iyong tao dahil kaibigan din naman nila." dagdag pa niya.
"Okay. Mas marami, mas masaya. Now, I'm excited to meet that Henry guy. Dahil mukhang close na close ka na sa kanya base sa nakikita ko sa mga mata mo habang pinagu-usapan natin siya at ang competition na gusto niyang salihan natin."
Nag-init ang mukha niya. It's not like that. Gusto lang niyang tulungan ang binata dahil ilang beses na din naman siyang tinutulungan nito. Pero hindi niya iyon sasabihin kina Sangmi at Red kaya nanahimik na lang siya.
"And now you're blushing." pumalatak si Red. "Parang gusto kong gisahin ang Henry na iyon. Sa lahat ng lalaking naugnay sa'yo, siya lang ang nakapagpapula sa buong mukha mo. Tingnan natin kung ano ang mayroon sa kanya at ganyan ang epekto niya sa'yo." nakangiting komento nito.
"Stop it, guys. We're just friends. Nothing more." saway naman niya sa mga kaibigan. Hindi niya akalaing magkakaroon siya ng mga ganitong klase ng conversation sa mga kaibigan niya. Palagi kasi siyang tahimik lang kapag nagu-usap usap ang mga ito. Kapag isinasali lang siya, 'tsaka lang siya sumasagot kaya may kaunting hiya siyang nararamdaman dahil binibiro siya nina Sangmi at Red.
"It's okay to like someone, Charm. Naa-amuse lang ako dahil ngayon lang kita nakitang naging ganyan dahil sa isang lalaki. Mukhang napana ka na din."
"Tama na iyan, Red. Baka mapikon si Charm, awat na. Hintayin na lang nating makilala iyang si Henry 'tsaka natin kilatisin. Kung kaibigan siya ni James, baka naman mabuting tao siya at sinto-sinto lang din katulad ng lalaking iyon. Hindi naman basta-basta nakikipag-kaibigan iyong abnormal na iyon kung wala din lang pakinabang sa kanya eh."
BINABASA MO ANG
Love Revolution 7: Charm, The Charming Fairy [Published under PHR] (Complete)
Romance"...hindi mo dapat ipinagkakait sa sarili mo ang maging masaya. Hindi porque nasaktan ka ng isang beses, masasaktan ka na sa buong buhay mo." CHARM loves attention. Iyon ang dahilan kaya nakikipag-date sa mga lalaking may gusto sa kanya. Kaya lang...