HINIMAS-HIMAS ni Charm ang kanyang batok at iginalaw-galaw ang ulo para kahit paano ay mawala ang pangangalay ng kanyang leeg. Nakatulog kasi siya sa sala ng cabin habang hinihintay ang mga kasama niyang mag-practice para sa routine nila sa Sketchers.
Hindi siya gaanong nakatulog nang nagdaang gabi dahil binuo niya ang assignment niyang routine. At inisip ko kasi ang mga weird na nararamdaman ko nang dahil sa estrangherong si Henry Anthony Mercado. dagdag ng isang bahagi ng isip niya.
At ngayon nga, maluwang na sa dibdib niyang tinatanggap na gusto niya ito. Talagang gustong-gusto pero hindi ibig sabihin niyon ay gagawa siya ng paraan para mapasakanya ito o ligawan siya nito. Hindi iyon sumagi sa isip niya dahil na din siguro sa huling experience niya sa kanyang ex-boyfriend na si Patrick.
Naalala tuloy niya noong una niyang natutunan ang salitang 'crush'. Siya kasi ang tipo ng babae na naku-kuntento na sa pagsulyap lang sa lalaking nagugustuhan niya. Hindi naman kasi siya pansinin noong bata-bata siya at ayos lang sa kanya iyon. Mahiyain na siya kung mahiyain pero kuntento na siya kung ano siya noon. Noong mga huling taon na lang naman niya sa high school natutunan ang mga pinaggagagawa at pagpapanggap niya ngayon. But that should stop. She already learned her lesson.
At ngayong tinanggap na niya sa sariling gusto niya si Henry, maku-kuntento na lang siya na nakakausap at nakakasama niya ito. Na kaibigan niya ito.
Welcome back, old self.
"Are you ready, Charmaine?" tanong ni Iane na naglalakad na palapit sa stereo. Kasama nito sina Ace, Sean at Moose. Ang dalawang babae ang kasama niyang magtuturo sa dalawang representative ng movers sa pabebe steps na gagawin ng mga ito. Ang sexy moves ang ituturo ng mag-pinsan. Samantalang sina Sean at Moose naman ang magtuturo sa kanilang tatlo ng astig moves na gagawin ng mga babae.
Less than two months na lang bago ang Sketchers Competition. Dalawang linggo na lang bago ang resume ng klase. Nasa ikaapat na taon na sila ng kolehiyo at magiging abala na silang lahat. Mabuti nga at suportado sila ng buong HIU kaya hindi sila nahihirapang mag-practice kahit na bakasyon. Iba na nga lang ang mangyayari ngayon dahil kailangan nilang magtiis na pagsabayin ang page-ensayo at paga-aral. Mabuti na nga lang at gusto niya ang ginagawa niya kaya sisiw na lang sa kanya ang mga pagod na nararamdaman.
Tinanguan niya ang kaibigan at pumunta na sila sa kanya-kanyang posisyon. Sa mga sumunod na sandali ay nag-umpisa na sila sa pagse-share ng mga steps na nabuo nila. Walang humpay na tawanan at asaran ang nangyari dahil sa paggiling na parang totoong babae ng dalawang lalaking kasama nila. Pinupuri naman ng mga lalaki ang mga galaw nilang mga babae lalo na siya dahil kahit na daw napaka-feminine niyang gumalaw ay may angst pa din ang bawat pitik ng katawan niya sa mga pang-lalaking dance moves.
Sa mga ganitong pagkakataon lang siya nagkakaroon ng bonding moments sa mga ka-org niya dahil kahit na halos apat na taon na silang magkakasama ay hindi pa din siya ganoon ka-kumportable sa mga ito. Hindi pa din siya kumportableng magsabi ng mga nararamdaman niya o kahit mga problema niya sa mga ito. Parang si Rei, hindi nga lang nagpapanggap si Rei na okay lang ito. Madalas nga ay indifferent ito sa mga nangyayari sa paligid o sa mga taong wala naman itong kinalaman.
Hapon na nang matapos sila sa page-ensayo. Nakahiga silang lahat sa sahig habang habol ang mga hininga. Ramdam na ramdam niya ang contentment dahil sa achievement nilang lima. Natapos nila ang pagtuturo ng dance moves sa ilang oras lang na magkakasama sila.
"Next week, pasukan na. Paki-paskil na lang ang mga schedules n'yo sa gilid para alam natin kung paano natin isisingit ang mga practices natin every day." ani Iane, ang kanilang resident rakitera. Ito ang tagahanap ng mga raket ng organisasyon nila sa labas ng eskuwelahan.
BINABASA MO ANG
Love Revolution 7: Charm, The Charming Fairy [Published under PHR] (Complete)
Romance"...hindi mo dapat ipinagkakait sa sarili mo ang maging masaya. Hindi porque nasaktan ka ng isang beses, masasaktan ka na sa buong buhay mo." CHARM loves attention. Iyon ang dahilan kaya nakikipag-date sa mga lalaking may gusto sa kanya. Kaya lang...