Chapter Nine

366 15 0
                                    

SA LIPA, BATANGAS sila nakarating. Doon nakipagkita sina Henry at Charm sa isang lalaking nagngangalang Robin, ang private investigator na inupahan ng binata.

"Salamat sa tulong mo, Rob. I owe you." pasasalamat ni Henry. Nasa Starbucks sila sa SM Lipa. Doon ibinigay ni Robin ang mga impormasyon na kailangang malaman ni Henry katulad ng address ng ina nito. Kung ano ang maaari nitong asahan sa pagkikita ng mga ito at kung ano-ano pa. Tahimik lang naman siyang nakikinig sa pagu-usap ng dalawa.

"You're welcome, Sir H. Tawagan n'yo lang po ako kung may kailangan pa kayo o may magiging problema. Trabaho ko naman po ito." magalang namang sagot ni Robin, may palakaibigang ngiti sa labi.

Sandali pang nag-usap ang dalawa bago nagpaalam sa kanila si Robin. Agad naman nilang pinuntahan ang address na ibinigay nito.

Nang magpaalam si Charm kay James ay hindi siya nito pinayagan. Siguradong pagagalitan daw siya ng mga magulang niya kapag nalaman ng mga ito ang gagawin niya pero ipinaliwanag din naman niya dito ang side niya. Alam nito kung ano ang relasyon niya sa mga magulang at sinabi niyang tinutulungan lang niya si Henry dahil pinakiusapan siya nito.

"You're not actually in love with him, right?" iyon ang tanong nito na paulit-ulit na umuugong sa utak niya. Porque sumama siya dito ay mahal na niya ito? Hindi naman siguro. Kaibigan din naman niya si Henry kaya niya ito tinutulungan. Wala nang iba pa.

"Are you okay?"

Binalingan niya ang binata, naga-alalang nakatingin ito sa kanya. Binigyan naman niya ito ng isang matamis na ngiti. "Yes, I'm okay." sagot niya.

"You don't actually want to back out, right? I mean, gusto mo na bang bumalik sa Manila?"

"Of course not. Nandito na tayo eh. Don't mind me, pagod lang siguro ako. Sige na, tapusin na natin 'to para magkita na kayo ng mommy mo." kinindatan pa niya ang binata bago naninigkit ang mga matang tiningnan ito. "Baka naman ikaw ang dapat kong tinatanong kung okay ka lang? Mukha kasing kinakabahan ka eh." panunudyo niya.

"I'm okay. Pinaghandaan ko na 'to, ready na ako kung ano man ang kahihinatnan ng pagkikita namin." nakangiting sagot naman nito.

Hindi alam ni Charm kung anong espiritu ang sumapi sa kanya pero natagpuan na lang niya ang sariling inaabot ang isang kamay nito at hinawakan iyon ng mahigpit. "Ang lamig ng kamay mo, Henry." Hinimas-himas niya ang kamay nito para kahit paano ay uminit iyon. Pumalatak siya. "Iyan ba ang okay?" huminga siya ng malalim bago muling umayos ng upo. Hindi pa din niya binibitiwan ang kamay ng binata at patuloy pa din niya iyong hinihimas. "Don't worry, everything will be fine. Magiging maayos ang pagkikita n'yo ng mommy mo. Uuwi kang nakangiti at masaya at may maikukuwento kang maganda sa daddy mo. Trust me." Pagpapalakas niya sa loob nito.

Napangiti na lang siya nang ipagsalikop nito ang kanilang mga kamay. He entwined his fingers with hers. Hayun na naman ang magandang pakiramdam na nagpapalambot sa puso niya. Animo yelo iyon na natunaw dahil sa ginawa nito. "Just keep holding my hand and I will be okay. Siguradong mawawala ang kaba ko dahil alam kong nandiyan ka lang sa tabi ko." halos pabulong lang nitong sabi pero umabot pa din iyon sa puso niya.

Kung ang nararamdaman niya ay hindi na lang simpleng pagkakagusto at pagmamahal na, then let it be. Mamahalin na lang niya ang binata nang tahimik. Sigurado ka bang gusto mong mahalin siya ng tahimik lang? Hindi mo gustong malaman niya ang nararamdaman mo?

Bahala na si Batman. I'll just cross the bridge when I get there. sagot naman ng kabila at kuntentong sumandal na lang siya sa kinauupuan.

Love Revolution 7: Charm, The Charming Fairy [Published under PHR] (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon