MAAGANG nagising si Charm kinabukasan dahil may appointment siya kina Red at Sangmi. Idi-discuss kasi niya sa mga ito ang naiisip niyang routine na puwede nilang idagdag para sa Sketchers competition na sasalihan nila.
Kasalukuyan na siyang naga-apply ng light make-up sa kanyang mukha nang marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone. Hindi sana niya papansinin iyon kung hindi lang walong magkakasunod na beses iyon tumunog. Sobrang bihira siya kung makatanggap ng text message nang tuloy-tuloy dahil gusto pang tumawag ng mga kakilala niya kaysa ang mag-text. Kaya naman lumapit siya sa night stand at kinuha ang aparato bago bumalik sa harap ng tukador. Binuksan niya ang unang text na nanggaling kay Tyler.
"Good morning, charming fairy. Think positive, okay? See you at school."
Napakunot ang noo niya. Ngayon lang yata siya nakatanggap ng ganoong text mula sa kaibigan. Sunod niyang binuksan ang text na mula naman kay Jazza. "Don't worry, bebe. Mabilis ang karma, mamaya lang madadapa na iyong ungas na Patrick na iyon."
Napailing-iling na lang siya habang binabasa ang texts ng mga kaibigan niya. Mukhang nai-tsismis na ni Iane ang nangyari sa kanya kaya ngayon ay pinapasaya siya ng mga ito. Hindi naman kasi siya ang tipo ng tao na mahilig kumuha ng simpatya mula sa iba. Ni hindi nga niya masasabi na sobrang lapit niya sa kahit sino sa mga ito. Hindi kasi alam ng mga miyembro ng HID ang pinagdadaanan niya lalo na ang mga tunay niyang nararamdaman.
Nang dumating siya sa huling unread message ay muntik na niyang mabitiwan ang cellphone niya. Bigla din ang pagpitik ng mga imaginary fingers sa puso niya.
"Good morning, Charmaine. I hope you enjoyed our little friendly date yesterday. And I hope to spend more friendly dates with you. Have a nice day, pretty girl."
Feeling Diyosa ang pakiramdam niya pagkatapos basahin ang mensahe ni Henry sa kanya. Ang haba ng hair ko, mas mahaba pa yata kaysa kay Rapunzel.
Shit! Bigla siyang natigilan pagharap niya sa salamin. Kitang-kita kasi ang pagningning ng mga mata niya at ang malawak na ngiti sa labi niya. Hala, anong nangyari sa kanya? Bakit kinikilig siya dahil lang sa text message ni Henry? Ngayon lang siya kinilig sa isang taong abot kamay sa buong buhay niya. Palagi kasi ay sa mga celebrities at mga anime lang siya kinikilig pero ngayon... Talaga bang kinikilig siya sa isang normal na lalaki? Ang lalaking tumulong sa kanya nang nakaraang araw at nagtiis na samahan siya hanggang sa gumanda ang mood niya? Ang lalaking mukhang isang malaking trouble ang pakiramdam na ihahatid sa kanya.
Hindi puwede 'to. Hindi puwedeng kiligin! Hanggang friends lang. Please lang, Lord! Friends lang. Ayoko ng complications! nagpa-panic na lihim niyang pagdadasal habang ipinagpapatuloy na ang paga-ayos.
THE MEETING ended longer than Charm expected. Nag-finalize pa kasi sila ng routine dahil ang sa kanya na lang pala ang hinihintay ng mga ito. Kasama nila si Chase na mixer nila ng mga kanta at si Tyler na... well, panggulo lang talaga sa meeting nila.
Dalawang oras pa ang hihintayin ni Charm bago ang unang klase niya para sa araw na iyon kaya nag-stay na lang muna siya sa greenhouse. Mabuti na nga lang at naka-wifi ang buong lugar kaya kapag nandoon sila at gusto lang nilang tumambay ay may magagawa sila.
Pagbukas niya ng facebook ay may friend request siya. Hindi siya basta-basta tumatanggap ng mga friend request, tinitingnan lang niya kung sino ang mga iyon. At hayun na naman ang kabog ng dibdib niya nang makita ang isa sa mga nag-add sa kanya.
Ano ba ang problema ng lalaking 'to? Bakit lahat na lang? Bakit? Bakit? namo-mroblemang tanong niya sa isip.
Bakit ka nag-iinarte? Hindi ba't ikaw ang nagsabing magkaibigan kayo?
BINABASA MO ANG
Love Revolution 7: Charm, The Charming Fairy [Published under PHR] (Complete)
Romance"...hindi mo dapat ipinagkakait sa sarili mo ang maging masaya. Hindi porque nasaktan ka ng isang beses, masasaktan ka na sa buong buhay mo." CHARM loves attention. Iyon ang dahilan kaya nakikipag-date sa mga lalaking may gusto sa kanya. Kaya lang...