Chapter Ten

433 12 0
                                    

"BREAK MUNA tayo! Please? Hindi pa ba kayo napapagod?"

"Oo nga, break muna. Nagre-rebelde na din ang mga bulate ko sa tiyan."

Huminga ng malalim si Charm pagkatapos ay lumapit sa kinaroroonan ng bag niya. Nasa dance studio sila nang mga sandaling iyon para sa practice ng String Dance Competition. Maayos na naman ang mga dance steps, kumpleto na, pina-polish na lang nila at pine-perfect. Nakakapagod ang mga nagdaang-araw para sa kanya. Bukod kasi sa time consuming ang mga subjects niya para sa semester na iyon, busy din siya sa dalawang kompetisyon na dadaluhan niya. Kaya nga halos wala na siyang oras para sa sarili. Umaalis siya sa bahay nila nang wala pang araw at uuwi siya nang wala na ding araw.

Mabuti na nga lang at nandiyan si Henry para ihatid siya pauwi sa kanila. Kapag papasok naman siya, kung hindi si James ay si Colette ang nakakasabay niya. The perks of having friends with cars.

It's been exactly three weeks since she and Henry went to Batangas to meet his mom. It's actually been a blast. Hindi kasi siya nakaramdam na outcast siya nang araw na iyon. Isinasali siya ng mag-ina sa usapan. Sumama pa ang ginang sa condominium unit ni Henry para makapag-bonding pa ang dalawa.

They spent most of their time in the house pero nagpupunta din ang mga ito sa mall para gumawa ng mga activities na ginagawa ng normal na pamilya. Ang sabi sa kanya ni Henry, nakapag-usap na din ang mga magulang nito tungkol sa problema ng dalawa at uuwi ng Pilipinas ang daddy nito para makapag-usap ang mga magulang ng binata.

As for them, they were good. Mula nang araw na sumama siya dito sa Batangas ay nag-iba na ang lahat sa pagitan nila. She thinks they're relationship is more than friendship now but she doesn't want to assume. Mahirap na, baka masaktan pa siya. Pero sa isang banda, kung si Henry naman ang makakasakit sa kanya, worth it naman iyon dahil alam niyang mabuting tao ang minahal niya.

Oo, mahal na niya ang binata. Inamin na niya iyon sa sarili pagkatapos ng Batangas trip nila. Kaya kahit nasa harap sila ng mga kaibigan ay wala silang pakialam kung nagpa-public display of affection silang dalawa.

Mabuti nga at hindi pa nagtatanong ang kahit na sino kina James at Colette sa relasyon niya sa binata kahit na ang ibang kaibigan niya ay inaasar na silang dalawa. Mas naging extra sweet din ito sa kanya. Kadalasan ay hatid-sundo siya at mas touchy na din ito sa kanya. Kahit na abala ito sa pag-catch up sa mommy nito, hindi nito nakakalimutang maglaan ng oras para sa kanya. Na para bang hindi pa sapat dito ang oras na magkasama sila kapag nagpa-practice sila kasama ang buong grupo.

"You want something to eat?"

Nakangiting nag-angat ng tingin si Charm kay Henry na nakatayo sa harap niya. "No, thanks. Mamaya na lang siguro pagkatapos ng practice natin para deretso na ang kain." sagot niya.

Tumango ito bago umupo sa harap niya. "Pagod ka na?" tanong nito. Hinawi nito ang mga buhok na nakatabing sa mukha niya at iniipit sa likod ng tainga niya.

Ilang beses din siyang napapikit bago sumagot. "Medyo. Pero hindi pa din naman ako puwedeng matulog pag-uwi dahil may tatapusin pa ako na ipapasa bukas." Mabuti na lang at malapit na ang mga kompetisyon na sasalihan nila, pagkatapos no'n ay makakapag-focus na siya sa pag-aaral niya at makakapag-pahinga na siya kahit na paano.

"Want some help? Ano ba ang gagawin mo, baka puwedeng ako na ang gumawa para sa'yo." prisinta nito. Makikita sa mga mata nito ang paga-alala para sa kanya.

"Hindi na. Kaya ko naman gawin iyon, kaunti lang din iyon." hindi niya ugali ang iasa sa iba ang mga requirements niya sa school. Kahit na ang mga ex-boyfriends niya ay hindi niya hinahayaang gawin ang kahit na anong school related stuffs para sa kanya.

Love Revolution 7: Charm, The Charming Fairy [Published under PHR] (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon