Chapter Three

464 14 0
                                    

PALABAS na ng greenhouse si Charm nang hapong iyon nang maramdaman niya ang paghawak ng kung sino sa balikat niya. Kunot-noong nilingon niya iyon at ang nakangiting si Tyler ang nakita niya.

"What do you want?"

"Yayayain lang sana kita. Laro tayo sa arcade." nakangiting pagyayaya nito sa kanya.

"Next time na lang, pagod na ako eh. Sila Red na lang ang yayain mo at siguradong hindi tatanggi iyong mga iyon." nahahapong sagot niya. Bihira siyang yayain ni Tyler na lumabas, kadalasan kasi ay sumasama lang siya sa mga ito kapag naku-kumpleto sila. Para hindi halatang iniiwasan niyang masyadong ma-attach sa kahit na sino sa grupo.

Nalukot ang mukha nito. "Kung single pa sila, siguradong hindi talaga ako mahihirapang yayain sila. Kaya lang pare-pareho silang may mga keychain na. Sino na lang ba ang single sa'tin? Sina Eena at Chase, ikaw, ako, si Rei at si Jazza. Pero dahil mortal enemy ko si Jazza, hindi siya kasama sa listahan ng mga dapat yayain."

Napailing-iling siya. "Hindi na ako counted sa mga single dahil may boyfriend ako." nakairap na pagtatama niya. "At tigil-tigilan mo ang pagpatol kay Jazza, mamaya niyan kayo pa ang magkatuluyan dahil sa halos araw-araw na pagbabangayan ninyo."

"Sus, magbe-break din kayo ng boyfriend mo dahil naniniwala pa din ako na walang forever! Walang forever!" pagsigaw pa nito sa huling dalawang salita.

Napailing-iling na lang ulit siya at iwinaksi ang kamay. "Whatever, Tyler! Get a life, please. Uuwi na ako." tinalikuran na niya ito. Tamang-tama namang pagbukas niya ng glass door ng greenhouse ay nakatayo na doon ang nobyo niyang si Patrick. Agad siyang nagpaskil ng maluwang na ngiti sa labi. "Hey, babe!" bati niya dito at hinalikan ito sa pisngi.

"Hi, baby!" bati din nito sa kanya. Hinapit siya nito palapit sa katawan nito at niyakap siya ng mahigpit. "I miss you the whole day." bulong nito sa tapat ng tainga niya.

"I miss you the whole day. Ang corny n'yo." narinig niyang bubulong-bulong na komento ni Tyler. Nakagat niya ang loob ng ibabang labi para pigilan ang matawa. Biglang nabawasan ang pagod na nararamdaman niya dahil sa kaibigan. Medyo nauumay kasi siya sa pagiging cheesy ni Patrick.

Isang linggo na ang nakalilipas nang sagutin niya ang binata. Nakilala niya ito sa isang café bar sa Makati noong isang linggo. Noon nga lang niya nalaman na kaeskuwela pala niya ito. Nagpakita agad ito ng interes sa kanya at dahil she finds him cute and attractive, she accepted his proposal to be his girlfriend.

Okay naman itong maging kasintahan, katulad din ng mga nagdaan nang lalaki sa buhay niya. At palagi nitong sinasabi na matagal na siyang gusto nito ngunit naghahanap lang ng tiyempo kung paano makakalapit sa kanya.

At sa isang linggong lumipas ay nagu-umpisa na siyang makaramdam ng kakaiba sa ipinapakitang sweetness ni Patrick. Katulad ng nararamdaman niya sa tuwing nagu-umpisa na ang pagiging clingy ng mga nagiging boyfriend niya.

"Hello to you, Tyler." bati ni Patrick sa kaibigan niya. Nang harapin niya si Tyler ay nakaismid ito habang nakatingin sa kanyang nobyo.

"Good bye, Tyler. Next time na lang kita sasamahan sa arcade ha? Matuto ka din mag-isa minsan, mas masaya." aniya 'tsaka ito kinindatan. Hinila na niya si Patrick palayo doon. Gusto na din naman niyang umuwi at kahit na siguro magyaya pa ito sa kung saan ay hindi siya sasama. Dahil ang utak niya, nagu-umpisa nang mag-isip ng paraan kung paano niya maidi-dispatsa ang bagong lalaki sa buhay niya.

Malala ka na talaga, Charm! Hindi ka na naawa sa mga kalahi ni Adan. tuya ng isang bahagi ng isip niya.

Last na 'to. Hindi na ulit ako magbo-boyfriend. Nakakapagod na. Ayoko na ng sakit sa ulo. Ayoko na ng nakakaumay na mga lalaki. pangako niya sa sarili.

Love Revolution 7: Charm, The Charming Fairy [Published under PHR] (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon