Chapter 2.5

3.6K 100 1
                                    

"NAAALALA mo pa ba ang mga sinabi ko noon sa 'yo, Aliyah? Kung hindi na, puwes, ipapaalala ko uli sa 'yo. Ayusin mo ang sarili mo. Tandaan mo, hindi ka tae para tapak-tapakan lang ng ibang tao..."

A few hours ago, Aliyah remembered feeling gross at the thought of those words. Ang mga salitang iyon ang laman ng text message sa kanya ni Jeric habang nasa biyahe siya papunta sa firm. But now... she drew a sharp breath.

Sa isang iglap, pakiramdam niya ay noong nakaraang araw lang nangyari ang nasaksihan niyang panloloko sa kanya ni Brennan sa mismong opisina nito. Lahat ng sakit na akala ni Aliyah ay limot na niya ay nanumbalik sa simpleng pagtitig lang sa kanya ng kanyang ex-boyfriend.

Nasorpresa siya nang maramdamang may kamay na bahagyang dumiin sa kanyang baywang. Paglingon niya sa kanyang kaliwa ay nasa tabi niya na si Jeric at nakaalalay sa kanya. Nanghihingi ng pang-unawa ang bughaw na mga mata ng lalaki habang nakatitig sa kanya. Gusto niyang sumabog. Kaya pala ganoon ang text message nito sa kanya. May binabalak pala ito.

Sa mga sumunod na sandali ay ginusto ni Aliyah na kastiguhin si Jeric. Alam nito ang tungkol sa nakaraan nila ni Brennan. So how can he casually introduce them to each other as if nothing happened? And for heaven's sake, why didn't he tell her that he and Brennan were related?

Matalik silang magkaibigan ni Jeric. In fact, pumayag pa nga siyang magpanggap silang magkarelasyon sa harap ng pamilya ng lalaki para matigil na ang mga magulang nito sa pagreto sa iba't ibang babae. And she thought it would benefit both of them. Mabisang paraan iyon para makaiwas sa mga lalaking nagpapahaging sa kanya sa opisina nila. For almost three years, they were partners in crime. So how can he put her on the spot with the man she had been praying to never see again?

"It's... it's nice to see you again, Aliyah."

Bumalik ang mga mata ni Aliyah sa kanyang ex-boyfriend. It seemed like the last three years had not changed him, while it changed every bit of her. She smiled bitterly. Matiim pa rin kung tumitig ang gray na mga mata ni Brennan na pinarisan ng makakapal nitong mga kilay, aristokratong ilong, at maninipis na mga labing bihira kung ngumiti na nagbibigay ng aroganteng dating sa lalaki.

Nakasuot ng moss green long sleeves si Brennan na bahagyang hapit sa katawan nito kaya bakat ang malalapad na balikat nito. Litaw na litaw din ang mestizo nitong kulay.

Nang ngumiti si Brennan sa kanya, humugot siya nang malalim na hininga para kontrolin ang pagsabog ng kanyang mga emosyon. How can he just smile like that? Three awful years... were those enough to change his memory?

Sa kabila ng hapding nanunumbalik sa puso ni Aliyah ay pinilit niyang tumayo nang tuwid. "Really? Then forgive me for saying that I don't feel the same, Brennan." Pasimple niyang siniko si Jeric para alisin nito ang kamay sa kanyang baywang na para bang naaaliw namang ginawa nito. "Now, excuse me but I have to go."

Mabibilis ang hakbang na tumalikod na si Aliyah at lumabas mula sa opisina ng kaibigan. Dere-deretso siyang nagpunta sa pinakamalapit na ladies' room. Napatitig siya sa salamin kasabay ng pamumuo ng kanyang mga luha.

Kabubuo pa lang niya ng tiwala sa sarili pagkatapos ay heto na naman ang binata. It only took her one look at Brennan and she felt so ugly again.

What have I done for our paths to cross again, Brennan? Pumatak ang kanyang mga luha kasabay nang pagbabalik ng mga alaala mula sa pinakasulok na bahagi ng kanyang puso. Mga alaalang nagbibigay pa rin ng matinding sakit sa kanya hanggang ngayon...

Echoes Of I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon