Chapter 6.5

3.3K 102 1
                                    

NAPAHINTO sa paghakbang si Brennan. Nakita niya si Aliyah ilang dipa ang layo mula sa kanya. Payapa itong nakasandal sa isang mayabong na puno habang nakapikit at may nakasalpak na headphones sa magkabilang tainga. Ang mahaba at straight na buhok nito ay malayang isinasayaw-sayaw ng hangin.

Aliyah was wearing what he noticed, her favorite getup. Hapit na beige na sando, simpleng kupas na maong na pantalon, at puting rubber shoes. He had never really been in a park before. His parents would rather take him to his piano teacher or enroll him in a swimming class than bring him somewhere to play. Kaya ang naririnig niyang buhay na buhay na pagtawa ng mga nagbibisikletang bata sa paligid ay bago sa kanya. But he found that a wonderful experience.

To simply stand there, with Joshua and the other kids biking around, savoring the beauty of life and with Aliyah who looked so peaceful at that very moment, relaxed him. Dahil ilang araw na rin siyang tuliro. Hindi niya na rin maintindihan ang sarili. Madalas ding uminit ang kanyang ulo ngayon. Pero nang makita niya si Aliyah, bigla, pakiramdam niya, lahat ng bagay ay nasa tamang lugar.

Kaya ganoon na lang ang tuwa ni Brennan nang hindi matanggihan ni Cristine ang pakiusap ng isang kaibigan nitong doctor sa Manila na sumama sa medical program na gagawin ng mga ito sa iba't ibang lugar sa Visayas para sa mga taong nasalanta ng kalalabas pa lang ng bagyo. Noon pa man, lagi na itong involve sa church at medical activities.

Nag-alinlangan pang magpaalam sa kanya noong nakaraang gabi si Cristine dahil ang pagiging missionary nito ang isa sa mga bagay na pinagtalunan nila noon. That was the reason why they broke up. Palagi itong umaalis ng bansa. Maganda naman sana ang reason ng kanyang fiancée pero halos hindi na sila nagkikita noon.

Aminado si Brennan na ang pagiging bukas-palad ni Cristine sa kapwa ang isa sa mga qualities nitong natatandaan niyang nagustuhan niya noong una silang magkakilala sa ospital-kung saan dinalaw niya ang secretary niya nang maaksidente ito-na inasikaso naman ni Cristine.

But then Cristine stayed in Maryland when he and Aliyah broke up. Naging full time nurse na ito sa Maryland. Ngayon ay tatlong linggo daw itong mawawala. Nag-apologize ang kanyang fiancée kasabay ng pangako na sa pagbabalik nito, saka nila uli pag-uusapan ang tungkol sa kanilang kasal. Bumuntong-hininga siya. Kung alam lang ni Cristine ang ginagawa niya ngayon, hindi ito makokonsensiya.

Naupo si Brennan sa tabi ni Aliyah. Muli ay naramdaman niya ang malakas na kabog ng kanyang dibdib. Pero habang pinagmamasdan niya ang maamong mukha ng dalaga, unti-unti ring kumalma ang kanyang puso. It seemed like Aliyah was his fast acting relief for his troubled heart. Sitting there beside her made him understand-for the first time in his entire life-the true meaning of Sunday. That was to forget about everything and just relax.

Nang marahil ay maramdaman ni Aliyah ang pagtabi niya ay dumilat ito. Na-amused siya sa unti-unting pamimilog ng mga mata ng dalaga. Inalis nito ang headphones na suot hanggang sa kunot-noong binalingan siya.

"It's Sunday, Brennan. Can't you just annoy me some other time?"

Echoes Of I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon