Chapter 6

3.1K 95 5
                                    

"I'M SORRY. I didn't know."

"Sinabi ko na 'yon sa 'yo dati." Pinunasan ni Aliyah ang namuong luha sa sulok ng kanyang mga mata dulot nang biglang pagkakaroon ng sipon sa ilang beses niyang pagbahing. "Hindi mo lang siguro natandaan."

Brennan had never given her flowers before. Palaging damit at iba pang mamahaling gamit ang inireregalo nito sa kanya. Ang mga damit ay alam niya na ngayong signature outfit pala ni Cristine. Mapait siyang napangiti nang makita ang guilt na rumehistro sa mga mata nito. Palagi na lang ba silang ganito? Just how many times would she hear him apologize?

"Just leave, Brennan." Malamig niya nang sinabi.

"All right." He sighed. "Pero babalik uli ako bukas. And I promise I will never bring flowers again."

"Bakit mo ba 'to ginagawa?" Bahagyang nagtaas na ng boses si Aliyah kasabay ng pagtakip sa mga tainga ng pamangkin na alam niyang paalisin man niya ay makikinig at makikinig pa rin. Because it was the first time someone visited her other than Jeric. "Nananahimik na ako. Bakit ka na naman ba nanggugulo? Stop playing games with me, Brennan."

"Hindi naman ako nakikipaglaro. I also don't know what in the world is happening with me." Naihilamos ni Brennan ang palad sa mukha. "Ang malinaw lang sa 'kin ngayon, gusto kong mapatawad mo ako. And I won't stop until you forgive me. Hell, I don't know how to stop anyway." He sighed once more before he tried to smile. "Aalis na muna ako. Magpahinga ka na. I'm really sorry."

Nang tumalikod si Brennan, ikinabigla niya ang paghabol ni Joshua. "You can follow me on Twitter for more tips, Sir at Joshua Elizaga underscore zero one. It's nice to meet you, Sir. Saka-"

Bago pa dumami ang mga sasabihin ni Joshua, hinila na niya ang pamangkin. Nang tuluyang makalabas si Brennan, nangingislap ang mga matang tiningnan siya ng pamangkin.

"Katulad po ba ng teacher ko ay gusto niya ring mag-apply bilang boyfriend n'yo?"

"Hindi." Malungkot na ngumiti si Aliyah. Maraming nanliligaw sa kanya pero ayaw niya nang sumubok pa. "But he's the reason why I don't want to accept applicants, Josh." Napailing na lang siya nang magsalubong ang mga kilay ng bata. Hinaplos niya ang buhok nito. "Isang araw, maiintindihan mo rin ako."

Echoes Of I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon