Chapter 7.5

5K 105 9
                                    

"ANO PA'NG ginagawa mo diyan?" kunot-noong tanong ni Aliyah kay Brennan nang malingunan niyang nakatayo lang sa hamba ng pintuan ng kanyang bahay ang binata. There goes the amazement in his gray eyes once again. Napailing siya. "Wala akong ilalatag na red carpet para sa 'yo kung 'yon ang hinihintay mo. Come in. Joshua's in the kitchen."

"You're watching that again." Sa halip ay para bang namamangha na sinabi ng lalaki bago ito pumasok sa loob. "What's with the vampire and that Bella girl that got you?"

Hindi sumagot si Aliyah. Itinuon niya ang buong attention sa TV. Lalo niya ring nilakasan ang volume para hindi na siya kausapin pa nito. Pero laking gulat niya nang tumabi pa si Brennan sa kanya sa sofa.

"I guess I'll just have to watch it myself to answer my own question."

Naniningkit ang mga matang nilingon niya si Brennan. He just wouldn't stop, would he? Kung hindi lang sa pakiusap ng pamangkin ay nunca na papapasukin niya pa uli ang lalaki sa kanyang bahay. Sa loob ng nakaraang mga araw ay wala itong palya sa pagdalaw sa kanila kahit hindi niya pinapansin.

At dahil sabik sa ibang makakasama si Joshua, palaging natutuwang humarap ang kanyang pamangkin kay Brennan hanggang sa napansin niya na lang na naging malapit na ang dalawa sa isa't isa sa kabila ng pagbabawal niya sa bata.

"And who am I supposed to talk to?" Naalala ni Aliyah na tanong ni Joshua nang pagsabihan niya itong iwasan na si Brennan.

"Bukod sa inyo ni Uncle Jeric, wala na akong ibang nakakausap. But Uncle Jeric's busy these days. Masyado naman nang matanda si Manong Gusting para maintindihan ako. I can't even talk to you about my crush!"

Nanlaki ang mga mata ni Aliyah. "Joshua!"

"See? 'Yon pa lang, ganyan ka na mag-react." Parang binata nang napahaplos pa ito sa noo. "Uncle Brennan is cool. Katulad mo, hindi niya rin alam ang Dota. 'Bota' pa nga ang tawag niya ro'n nang una. He doesn't know the game but he's trying to learn, Tita Ali." Ngumiti na si Joshua. "Si Uncle Jeric naman, marunong. Mas magaling pa nga siya sa 'kin. But sometimes, I feel like he's just letting me win. With Uncle Bren, it's different. I get to lose. I get to win."

Lumapit si Joshua sa kanya at hinawakan pa ang kanyang mga kamay. "When I ask him things, I get real answers. Nang umamin ako sa kanya na crush ko ang kalaban ko sa Science quiz bee na si Monica, hindi niya ako pinagbawalan." Namula ang mga pisngi ng bata. "He told me that it's natural, that I should just enjoy the feeling. Kung ikaw, baka nagalit ka na sa 'kin. Kung ayaw mo talaga kay Uncle Bren, it's okay. But..." Nakikiusap na tinitigan siya nito. "Let him stay for me, please."

Naumid ang dila ni Aliyah. Hindi niya akalaing makakarinig siya ng ganoong mga salita kay Joshua. Hindi niya din inakalang mapapaaga ang ganitong discussion sa pagitan nila ng pamangkin. Because he just turned eleven. Looking at him right now suddenly reminded her of an eleven-year-old version of her.

Katulad ni Joshua, nangulila rin si Aliyah sa mga magulang. Pero natakot siyang sabihin iyon sa ate niya. Natakot siyang maghanap ng mga bagay na alam niyang imposibleng maibigay ng kapatid. Kaya pinilit niya ang sariling makontento sa kung ano na lang ang meron. Ang akala niya ay maitutulad din si Joshua sa kanya. But she was wrong.

Dahil nakaligtaan niyang iba na nga pala ang panahon. Iba na ang mga kabataan ngayon. And for the first time, she understood the little boy's reasons. Kaya kahit labag sa loob niya ay pumayag siya. "Alright."

Nang makita ni Aliyah na nagningning ang mga mata ni Joshua, bumuntong-hininga siya.

"Thank you, Tita Ali!"

He only said four simple words but at that very moment, it meant a lot to her...

"I always find it amazing how Bella, the heroine, can accept Edward so much that she welcomed the risks of being with him with her arms wide open," sa pinakamaikling paliwanag ay sinabi ni Aliyah para umalis na si Brennan sa tabi niya. Twilight had always been her favorite movie. Kaya hindi siya nagsasawang ulit-uliting panoorin iyon. "But Edward is a different vampire. At the end of the day, no one can really blame Bella."

"Itong Edward na 'to na ba ang bagong ideal man mo?"

Napasulyap si Aliyah kay Brennan. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang tension na naramdaman niya nang makita ang gwapong mukha nito na masuyong nakangiti sa kanya. And geez, why did he have to smell so good?

"N-no. Simple lang naman ang ideal man ko. I just want someone who can brag about me," mahinang sagot ni Aliyah. "Isang tao na magpaparamdam sa 'kin na karapat-dapat din akong mahalin. Isang bagay na-"

"Isang bagay na hindi ko nagawa para sa 'yo?"

She sadly smiled, wishing all her insecurities were gone. "Oo."

"At nagawa naman ni Jeric para sa 'yo?"

"Jeric..." Humugot ng malalim na hininga si Aliyah. "Jeric is different. Nalalaman niya ang nararamdaman ko kahit hindi ako nagsasalita. Nakikita niya ako kahit nagtatago ako. He could talk to my heart and he could see the real me."

"So... he is everything I'm not. Ouch."


Thank you for reading Echoes Of I Do. Mababasa po nang buo ang nobelang ito sa Dreame. Just search for the title or my name on the app or on the site and you will be able to read it there for free. Sana po ay masuportahan n'yo ang journey ko sa Dreame.

Ipo-promote ko na din po pala ang FREE and COMPLETED exclusive story ko sa Dreame na END GAME. Sana po ay mabasa n'yo iyon at ma-add sa inyong library. Malaking bagay po iyon. Maraming salamat po. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Echoes Of I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon