NAPASINGHAP si Aliyah sa narinig na sinabi ni Brennan habang nakatayo ito ilang dipa ang layo sa babae.
"Ano ka ba naman, Cristine? Mas mahalaga pa ba ang pagiging missionary mo kaysa sa 'kin? Registered nurse ka naman dito, why don't you just focus on that and stay here?"
"How can you say those words to me, Brennan? Samantalang ikaw nga itong nakahanap na kaagad ng iba? One year and two months lang akong nawala. At ngayon, ikakasal ka na?" Kahit nagagalit ay marahan pa rin ang boses ng babae.
Nagsisikip ang dibdib na napaluha si Aliyah. Naiintindihan niya na ngayon. The woman Brennan called Cristine was exactly the woman he wanted her to be. All these time, isa lang pala siyang substitute dahil nawala ang babae.
"Nagpaalam naman ako sa 'yo bago ako pumuntang Thailand, 'di ba? Sinabi ko sa 'yong huli na 'yon."
"I was never on top of your list, Cris, it has always been your mission," matigas na sinabi ni Brennan. "Sinabi ko na sa 'yong kapag umalis ka, aalis na rin ako sa buhay mo, 'di ba?" Mapait itong tumawa. "Pero mahal pa rin kita. Sinubukan kong palitan ka pero hindi ko nagawa."
Nang yakapin ni Brennan ang babae ay nanginginig ang mga tuhod na napasandal si Aliyah sa pinto kaya lumikha iyon ng ingay. Kaagad na humiwalay si Brennan kay Cristine at lumapit sa kanya.
"Aliyah-"
Umiwas si Aliyah nang akmang hahawakan siya ni Brennan sa braso. Hindi niya na itinago ang pagtulo ng kanyang mga luha. Parang tuksong nanumbalik sa kanyang isip ang mga pagkakataon na dumarating ang monthsaries nila pero para bang hindi iyon naaalala ng binata. She was always the one to greet him, always the one to give gifts, to remember their monthsaries, and to... adjust because she loves him.
May mga araw na naitatanong ni Aliyah sa sarili kung mahal nga ba siya ni Brennan katulad ng sinasabi nito pero madalas ay hindi niya iyon pinapansin. Ngayon, lumalabas na nag-propose lang si Brennan sa kanya dahil sa pagrerebelde sa isang babae.
Aliyah had been blinded by love. Tinanggap niya kung ano lang ang kayang ibigay ni Brennan dahil sa pagmamahal niya rito. Pakiramdam ni Aliyah ay ang pangit-pangit niya para kailanganing baguhin pa ng lalaki, para gawin sa kanya ang mga ginawa nito, para maging isang substitute lang. And worst of all, she had been a poor substitute.
Mapaklang tumawa si Aliyah. She wanted to at least save her pride and show him she was fine but how can she do that when she felt like dying inside?
"I'm sorry," mahinang sinabi ni Brennan.
"Tinanggap ko, Brennan, noong baguhin mo ako. Pero ang lokohin mo ako..." napasigok si Aliyah. "Bakit?" Nang manatiling nakayuko ang binata ay nanginginig ang mga kamay na hinubad niya sa daliri ang singsing na ibinigay nito sa kanya. Inilagay niya ang singsing sa sahig saka niya sinikap na tumayo at humakbang palayo.
Mabibilis ang mga hakbang na pumasok na si Aliyah sa elevator. Pasara na iyon nang pigilan ni Brennan ang pinto. Puno ng pagsisisi ang mga mata nito. "I'm so sorry, Aliyah. I never meant to-"
"'Wag kang humingi ng tawad na para bang hindi mo sinadya ang lahat, Brennan." Mahina pero mariing sagot niya. "Quit saying you're sorry. Nakakainsulto lang lalo."
Nang tuluyang sumara ang pinto ng elevator, isinara na rin ni Aliyah ang pahina ng kanyang buhay na kasama si Brennan. Nang makalabas siya sa hotel, nagpahatid siya sa sinakyang taxi sa isang beauty salon. Ipinabalik ni Aliyah ang natural na kulay ng kanyang buhok. Inalis niya na rin ang contact lens na suot.
Nang matapos na ang babaeng nag-ayos sa kanya ay iniharap siya nito sa salamin. Malungkot siyang ngumiti. "Am I beautiful?"
Ngumiti ang babae. "Very, ma'am."
"Ali, okay ka lang ba?"
Nahinto si Aliyah sa pagbabalik-tanaw nang marinig ang nag-aalalang boses ng co-architect niyang si Jasmin. Pinunasan niya ang kanyang mga luha. "Oo naman."
"Are you sure?"
Tumango lang si Aliyah. Nang makaalis na si Jasmin ay muli siyang napatitig sa salamin.
Akala ko, okay na ako, eh. Pero nang makita kita ulit, pakiramdam ko, ang pangit-pangit ko na naman.

BINABASA MO ANG
Echoes Of I Do
Romance"Wherever I go, my heart will always yearn for you." (Published under Precious Pages Corporation) Kung kailan nagsisimula na si Aliyah na buuin ang sarili pagkatapos ng matinding pagkabigong dinanas kay Brennan ay saka naman muling bumalik sa buhay...