UMAWANG ang bibig ni Brennan bago naaaliw na humaplos sa kanyang batok. "I'm Brennan Valmadrid, thirty years old. Hotelier ako pero sa Amerika ako naka-base. And..." His voiled trailed off. "I'm single."
He knew it was wrong to deny his relationship with Cristine but heck, what was wrong sometimes felt awfully right.
Nangislap ang mga mata ni Joshua bago nito isinandal ang bike sa gate. Mayamaya ay mabilis siyang hinila nito papasok. Sandaling namangha si Brennan sa ganda ng loob ng bahay. Simple lang ang estilo niyon sa labas pero elegante sa loob. Black at cream ang dominant colors sa mga kagamitan. Malinis at mabango rin sa loob ng bahay.
"Tita Ali! May naghahanap sa 'yo! Where are you?" malakas na sigaw ni Joshua. "Tita Ali!"
"Sino ba 'yon at kung makasigaw ka, parang napakaimportanteng tao niyan?" anang papalabas na si Aliyah mula sa isang kuwarto.
Brennan's heart went into overdrive once more at the lovely sight. Pink na pantulog lang ang suot ni Aliyah na umabot hanggang kalahati ng mga hita nito. Ang buhok ng dalaga ay tila basta na lang itinali kaya napakanatural pagmasdan. Sa simpleng paggalaw ay lumilitaw ang magandang hubog ng katawan nito. Her legs were long and shapely. Nakayapak lang si Aliyah kaya kitang-kita ang magagandang mga paa nito. She looked like someone whom every man would love to come home to after a long and stressful day of work.
Paanong nangyaring hindi ito napansin noon ni Brennan? Naipilig niya ang ulo. Masyado nga pala siyang na-obsess noon kay Cristine kaya nang maghiwalay sila noon dahil inuna pa nito ang pagiging missionary kaysa ang tanggapin ang proposal niya ay nakagawa siya ng mga maling desisyon sa buhay.
Brennan badly wanted a substitute to redeem his pride and yeah, his broken heart. And Aliyah was that person. He took a deep breath.
"Here's a little tip, Sir. Don't give her the flowers," bulong ni Joshua sa kanya bago ito lumipat sa tabi ng tiyahin na kung nakamamatay lang ang tingin, malamang nakabulagta na siya ngayon. "Gusto ka raw niyang makausap, Tita Ali."
"Ano na naman ba 'yon, Brennan?" pormal na sinabi ni Aliyah. "Whatever it is, make sure it's worth my time."
Muling inatake ng kaba si Brennan kaya biglang naiharap niya sa mukha ni Aliyah ang isang bouquet ng mga bulaklak na dala. "Assorted na ang pinili kong mga bulaklak. Pasensiya ka na, hindi ko kasi alam ang paborito mo. Peace offering."
Nagulat si Brennan sa sunod-sunod na pagbahing ni Aliyah. Mabilis na inilayo niya ang mga bulaklak nang makitang namumula na ang mukha nito. "Aliyah-"
"I'm allergic to flowers," bumabahing pa ring sinabi nito.
"Tsk. Hindi kayo nakikinig, Sir. 'Sabi ko sa inyo, 'wag n'yong ibigay ang flowers. That's one point deducted from your pogi points."
Napamaang si Brennan. Patay.
BINABASA MO ANG
Echoes Of I Do
Roman d'amour"Wherever I go, my heart will always yearn for you." (Published under Precious Pages Corporation) Kung kailan nagsisimula na si Aliyah na buuin ang sarili pagkatapos ng matinding pagkabigong dinanas kay Brennan ay saka naman muling bumalik sa buhay...