"THAT'S the problem with you, Bren. You are so reckless with other people's hearts," napapailing na sinabi ni Jeric kay Brennan pagkatapos niyang ilahad sa pinsan ang dahilan kung bakit gusto niyang makita uli ang kanyang ex-girlfriend. "Hindi ka ba natatakot na baka isang araw, makarma ka?" Makahulugan itong ngumiti. "After all, life moves with a nasty twist."
Kumunot ang noo ni Brennan. "Hindi pa ba karma ang tawag sa nangyayari sa 'kin ngayon?"
Natatawang sumandal si Jeric sa swivel chair at pinaikot-ikot ang lapis nito sa mahogany table. "Masyado namang mababaw ang nangyayari sa 'yo para tawaging karma, bro."
Nadidismayang tinitigan niya ang pinsan. "You talk too much, Jeric. Tutulungan mo ba ako o hindi?"
He was never a patient man. Bukod doon, kahit kailan ay hindi niya naging kasundo ang lalaking prenteng nakaupo sa kanyang harap. Pinsan niya si Jeric sa mother side. Pareho silang nag-iisang anak kaya hindi maintindihan ng mga magulang nila kung bakit hindi sila naging malapit sa isa't isa.
Kahit si Brennan ay hindi maintindihan kung bakit mainit ang dugo niya kay Jeric. Perhaps, it was because of the latter's annoying grins and sarcastic remarks. Kung hindi nga lang mas naunang dumating ang text message nito noong nakaraang araw, siguro ay nag-hire na lang siya ng private investigator para hanapin si Aliyah. Sana ay wala siya sa office nito ngayon.
"Brennan Valmadrid, always the king of his own world." Pumalatak si Jeric. "Minsan, subukan mo ring bumaba sa trono mo para makita mong hindi lahat ng tao, alagad mo," dagdag nito bago kinuha mula sa bulsa ng suot na slacks ang cell phone at nag-dial. "Aliyah, on the way ka na ba?" Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Oh, nandito ka na? Good. I'll see you here in my office then."
Nang ibaba ni Jeric ang cell phone sa mesa ay amused na ngumiti pa ito. "Just a few more minutes, Bren, and you'll be reunited with your ex-girlfriend again."
Naikuyom ni Brennan ang mga kamay. Hell, kung hindi lang siya sinabihan ni Jeric na hindi ipakakausap sa kanya ang pinakaiingat-ingatan diumano nito na in-demand architect sa firm kung hindi niya aaminin ang totoo ay hinding-hindi siya mag-o-open up sa pinsan.
But he could have just lied, damn it. Bakit ba siya nagpadala sa pagkalitong nararamdaman niya? Of all people to confess to, why to Jeric Andrews?
Magsasalita pa sana si Brennan nang makarinig sila ng tatlong sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Ilang segundo pa ay pumasok ang isang babae. Nahigit niya ang hininga. Ilang taon man ang lumipas ay nakasisiguro siyang iyon ang babaeng hinahanap niya. But God... he could not believe his eyes.
Simpleng puting sando lang ang suot ni Aliyah na nagpatingkad sa morena at makinis nitong balat, hapit na pantalong maong na nagpalitaw sa mahahabang mga biyas at putik-putik na bota. She was so simple yet so mesmerizing. Nakalugay lang ang mahaba at light brown na buhok nito na kasing-kulay ng mga mata nito. He felt like he was seeing her for the first time. Her eyes were smiling. He suddenly felt like there was a huge lump in his throat.
Why did I even ask her to wear contact lenses before? Good Lord, she had the most beautiful eyes he had ever seen.
"Sorry, late ako." Para bang nahihiya pang ngumiti si Aliyah, ngiting sapat na para bulabugin ang puso niya. "Galing pa kasi ako sa site sa Mandaluyong."
Pasimpleng natapik ni Brennan ang kanyang dibdib para kalmahin ang pusong hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang tibok. Mabuti na lang at hindi pa siya napapansin ni Aliyah. Deretso lang itong nakatingin sa kanyang pinsan habang siya naman ay nasa gilid na bahagi ng opisina at nakaupo.
"It's all right, Iyah." Malakas na tumikhim si Jeric bago tumingin sa direksiyon niya. "Brennan, meet my gorgeous girlfriend, Aliyah Samonte. Most of our male architects fondly call her 'the heartbreaker,' sa dami ng mga nabasted niya." Ngumiti pa ito. "So fasten your heart's seat belt, cousin. Ayoko ng complications. Ang kay Brennan ay kay Brennan, ang kay Jeric ay kay Jeric. Maliban na lang kung magbibigayan tayo na siyempre ay malabong mangyari." Tumawa ito. "Oops, just kidding."
Pero hindi natawa si Brennan sa biro ni Jeric. Dahil habang pinagmamasdan niya ang unti-unting pagkabura ng ngiti sa mala-rosas na mga labi ni Aliyah ay dalawang bagay ang na-realize niya. Una, nagkamali siya dahil hindi nalutas ng pagkikita nila ang pagkalitong nararamdaman niya. Sa halip ay lalo pa nga siyang naguluhan sa kakaibang reaction ng puso niya. Pangalawa, hindi niya maintindihan kung bakit... hindi siya kampanteng pag-aari na ito ng iba.
What on earth is wrong with me?
BINABASA MO ANG
Echoes Of I Do
Romance"Wherever I go, my heart will always yearn for you." (Published under Precious Pages Corporation) Kung kailan nagsisimula na si Aliyah na buuin ang sarili pagkatapos ng matinding pagkabigong dinanas kay Brennan ay saka naman muling bumalik sa buhay...