Chapter 1

5.3K 116 0
                                    

"BRENNAN, nakikinig ka ba?"

Mula sa pagkakatanaw sa kalangitan ay lumipat ang mga mata ni Brennan sa kanyang fiancée na si Cristine. Sumandal siya sa pasimano ng veranda ng tinutuluyang resort, saka nakapamulsang tinitigan ang babae. He had known Cristine for six years, at ayaw niyang isiping nagkamali siya nang mag-propose rito ng kasal noong nakaraang buwan.

Sa mga nakalipas na taon ay nasiguro ni Brennan sa sarili na si Cristine na ang babaeng handa niyang iharap sa dambana kaya hindi niya maintindihan kung bakit hungkag ang kanyang pakiramdam nang mga sandaling iyon.

He didn't know why but the way she looked at him didn't overwhelm him anymore. Lately, his heart had been driving him crazy. Kung kailan nag-propose na siya kay Cristine ay saka naman naging mapaghanap ang puso niya. These days, being with her felt like a routine. Pakiramdam niya ay nasa isang slow motion ang puso niya na sa bagal ng pagtibok ay hindi niya malaman kung maaabot niya pa ang finish line. Heck.

And then there was Brennan's ex-girlfriend, Aliyah. Noong mga nakaraang linggo niya pa paulit-ulit na napapanaginipan ang dalaga. Si Aliyah ang babaeng nasaktan niya nang sobra noon. He took a deep breath. Siguro ay si Aliyah ang dahilan kung bakit nagkakaganoon siya dahil wala silang maayos na closure. When she left his office three years ago, he knew he had hurt her badly. Madalas ay napapanaginipan niya ang pagluha nito.

"Almost one week na tayo rito pero wala ka pa ring ginagawa para ma-meet ang parents ko. 'Sabi mo, mamamanhikan na kayo ng pamilya mo kaya nga tayo nandito sa Pilipinas, 'di ba?"

Nahinto si Brennan sa pag-iisip nang marinig ang disappointment sa boses ng kanyang fiancée.

"Six months lang tayo dito sa bansa, Brennan. You said you wanted us to get married here. Pero ilang buwan lang ang preparation na meron tayo. At hindi ka pa nami-meet ng parents ko."

He sighed. Sa Maryland sa Amerika talaga sila nakabase ni Cristine dahil naroon ang mga trabaho nila. Si Cristine ay bilang nurse habang siya naman ay pinamamahalaan ang pag-aaring hotels ng kanyang pamilya. Umuwi lang sila sa sariling bansa para magbakasyon at mamanhikan na rin sa pamilya ni Cristine sa Bataan na siyang hindi niya magawa-gawa.

Brennan's family was just a call away. Alam niyang darating agad ang mga ito kapag nagsabi siya. Muli siyang bumuntong-hininga.

Nilapitan niya si Cristine at hinaplos ang mga pisngi nito. Kaagad na nawala ang pagkadismaya sa luntiang mga mata ng kanyang fiancée. How come those eyes didn't seem to amaze him anymore? "Look, sweetie, mahaba pa naman ang panahon. I promise, one of these days, I'll go ask for your hand formally. May inaasikaso pa kasi sa ngayon ang parents ko." Nag-iwas si Brennan ng tingin kay Cristine. "Don't you miss the country? Go out with your friends for a while. Take this time to have fun."

"Fine. Aasahan ko ang mga sinabi mo, hmm? Mahal kita, Bren."

Pinilit niyang ngumiti saka hinagkan si Cristine sa noo. Mahal rin kita, 'yon ang alam ko. Pero bakit hindi ko na maramdaman sa puso ko?

Nagpaalam na si Cristine para makipagkita sa mga pinsan nito. Muling napasulyap si Brennan sa papalubog na araw. He had to see Aliyah now more than ever, hoping she would end his confusion and bring him back his peace of mind. Isa ito sa mga dahilan kung bakit bumalik siya sa bansa, para makita ito uli at pormal na makahingi ng tawad.

Nang makatanggap si Brennan ng text message mula sa pinsan niyang si Jeric ay napangiti siya, ang kauna-unahang genuine na pagngiti niya sa loob ng ilang araw.

Yeah, kilala ko nga si Aliyah Samonte. Drop by at my office tomorrow and let's talk.

Dahil architect si Jeric ay umaasa siyang kilala nito si Aliyah. Nasisiguro niyang sa Manila rin nagtrabaho ang kanyang pinsan mula nang umalis ito sa Amerika. After a while, he winced. Iyon at ang pagiging architect lang ang mga bagay na alam niya tungkol kay Jeric bukod sa pangalan nito.

Aliyah, I know you would hate to see me again but heck, this is the only way I know.

Echoes Of I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon