Chapter 7

3.6K 113 9
                                    

"MINSAN, ang mga babae ay kailangan ding maging palaban. Para hindi nasasanay ang mga lalaki na palagi silang sinasaktan..."

Sumagi sa isip ni Aliyah ang bilin na iyon sa kanya ng Ate Helena niya habang pinagmamasdan ang pamumula ng mga pisngi ni Brennan dahil sa tahasang pambabara niya.

"That was a bit harsh, Aliyah," sinabi nito pagkalipas ng ilang saglit.

She hardened her heart. Kompara sa kanilang dalawa, mas malupit pa rin ito sa kanya. "Umalis ka na."

"May dala akong chocolates," sa halip ay sagot ni Brennan. "Siguro naman... hindi ka allergic sa matatamis?"

Nagsikip ang dibdib ni Aliyah. "Hindi ka nag-aksaya ng panahon na gawin ito noong tayo pa. Why would you do it now?"

Naiinis nang tumayo siya. Hindi na niya maintindihan si Brennan. Pinaglalaruan na naman ba siya ng lalaki? Paano niya mapaniniwalaang konsensiya lang ang lahat para kay Brennan kung inabot ng tatlong taon bago ito lumapit at humingi ng tawad sa kanya? After everything he put her through, can she dare believe the pain in his eyes?

"Nagmumukha na akong tanga dahil halos lahat ng itinatanong mo, puro hindi ko alam ang isinasagot ko. Pero 'yon ang totoo. Hindi ko alam, Aliyah."

Brennan stared at her. She was surprised to see the admiration in his eyes. Pero mayamaya ay napailing siya. Walang dahilan para hangaan siya nito.

"Sabihin mo nang bulag ako dahil ngayon lang kita nakikita. Manhid ako dahil ngayon lang kita nararamdaman at bingi ako dahil ngayon lang kita napakikinggan." Bumuntong-hininga si Brennan. "I'm feeling everything for the first time. At nalilito ako... natatakot ako. Pero sa gitna ng pagrarambulan ng mga emosyon ko, lamang pa rin ang saya ko."

Kumunot ang noo ni Aliyah. Pakiramdam niya ay ibang Brennan ang kaharap niya dahil sa mga kakaibang salitang binitiwan nito. "Ano ba'ng pinagsasabi mo?"

"Hayaan mo lang ako sa ginagawa ko. Hayaan mo akong makabawi sa 'yo." Tumayo na rin si Brennan. "Hayaan mo akong magsisi na hindi kita kinilala nang husto."

Tinitigan ni Aliyah si Brennan. Kung konsensiya nga lang ang umaatake sa lalaki ay naaawa siya rito. Because the Brennan Valmadrid she knew was too high and mighty to say those words and to do those things. Pero mas lamang ang awa na nararamdaman niya para sa sarili. Dahil mula noon hanggang ngayon, mas lamang pa rin ang hapdi sa puso niya kaysa sa lalaki.

Kung si Aliyah lang ang masusunod, gusto niya nang patawarin si Brennan para sa wakas ay makalaya na siya sa sakit na dulot ng ginawa nito sa kanya. But every time she tries to forgive him, memories of their past would flash in her mind and her heart would get shattered once more.

Mapait na ngumiti si Aliyah bago sumagot. "Hindi ako martir para hayaan kang mapalapit sa akin dahil lang gusto kong magsisi ka."

Naagaw ang pansin nila nang makarinig sila ng malakas na pagpalahaw ng isang batang lalaki na nadapa di kalayuan sa kanila. Mabilis na dinaluhan ng ina ang bata at nilapatan ng paunang lunas ang nasugatang tuhod.

"Ang mga sugat, palaging naghihilom habang nabubuhay tayo. Pero ang mga pilat? Palagi ring nandyan, palatandaan na minsan sa buhay natin, nasaktan tayo." Wala sa loob na sinabi ni Aliyah habang pinagmamasdan pa rin ang mag-ina. "It's a constant reminder that we should be careful the next time so we could avoid having another scar again." Mayamaya ay nilingon niya si Brennan na nahuli niyang titig na titig sa kanya. "Kaya 'wag ka sanang masasaktan kung nagiging maingat man ako dahil sa pilat na iniwan mo."

Tumalikod na siya at lalapitan na sana si Joshua na abala sa pakikipaglaro nang magsalita uli si Brennan.

"Nagsisisi ka na ba ngayon na... minahal mo 'ko?"

Nilingon ni Aliyah si Brennan. She almost believed the sadness written all over his handsome face had she not been deceived by that three years ago.

"Kahit kailan, hindi ko pinagsisihang minahal kita, Brennan," halos pabulong niyang sagot. "I only regret believing that you fell in love with me, too."

Echoes Of I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon