Chapter 4

3.3K 115 0
                                    

"ALAM kong nagagalit ka. Pero kung hindi mo siya haharapin ngayon, kailan pa?"

Natigilan si Aliyah sa ibinungad sa kanya ni Jeric pagkalabas niya ng ladies' room. Nakapamulsa ang mga kamay nito sa coat na suot habang nakasandal sa pader na tila hinihintay talaga siya.

"Masasanay kang ikaw ang palaging iiwas and that's not fair, Iyah. Siya ang may kasalanan at hindi ikaw."

Masama ang loob na nilampasan lang ni Aliyah si Jeric pero pinigilan siya nito sa siko. "I'm sorry if I didn't tell you that he and I are related."

"'Yon nga ang hindi ko maintindihan, Jeric." Deretso niyang tinitigan ang kaibigan. "We've been friends for a long time now and you know my story. Kaya bakit mo inilihim 'yon sa 'kin?"

"Kung sinabi ko sa 'yo noon, sa tingin mo ba magiging magkaibigan pa rin tayo ngayon?" Bumuntong-hininga si Jeric. "It's not every day that I'd meet a girl like you, Iyah. I've always thought of us as soul mates. Naiintindihan mo ako kahit minsan, hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko gaya ng kung paano kita naiintindihan kapag naguguluhan ka."

Hindi nakaimik si Aliyah. Ang architectural firm na minana ni Jeric sa ama nito ang kauna-unahan niyang in-apply-an mula nang makabalik siya sa Pilipinas. Sinuwerte siyang natanggap agad. Si Jeric pa ang mismong nag-interview noon sa kanya at sa firm niya unang nakilala ang lalaki. They were civil to each other for quite a while. Hanggang sa isang araw ay nahuli siya nitong umiiyak sa hagdan ng building. Hindi na siya sumasakay sa elevator dahil palagi lang niyang naaalala ang pinagdaanan noon sa Maryland kaya madalas, palagi siyang sa hagdan dumaraan.

Pero kakaiba ang araw na iyon. Hindi dumeretso sa pagbaba si Aliyah kahit oras na ng uwian ng mga empleyado sa firm. Umupo lang siya sa isa sa mga baitang at doon tahimik na umiyak. Noong mga panahong iyon ay kamamatay pa lang ng ate niya at nangangapa pa siya kung paano aalagaan si Joshua. Bukod doon, iniinda niya pa ang pagkabigo noon dahil sa nangyari sa kanila ni Brennan.

Nagkataong naroon din si Jeric, hindi nga lang niya napansin agad...

"Dito ako naglalabas ng stress tuwing napi-pressure na ako. I never really wanted to inherit this business, you know. I never really wanted to become an architect," sinabi ni Jeric. "Gusto kong maging photographer. I wanted to travel the world and capture its beauty. But I have no choice. My parents wanted me to manage this firm. Ito ang mahirap sa nag-iisang anak. It's hard to say 'no' to your parents." Nilingon siya ni Jeric kasabay ng pagngiti nito. "Ikaw, what's your excuse for being here?"

Aliyah was desperate for someone to lend her an ear. Parang sasabog ang dibdib na inamin niya kay Jeric ang lahat, doon nagsimula ang pagkakaintindihan nila. Mula noon ay palagi na silang nagkikita sa hagdan para ilabas ang mga frustration nila sa buhay hanggang sa nakakasabay niya na si Jeric sa pagkain tuwing break time. He was always there until they became each other's best friend.

"Come on, Iyah. Sorry na."

Nabalik ang isip ni Aliyah sa kasalukuyan nang marinig ang naglalambing na boses ni Jeric. "I don't want to lose the only person who makes me want to stay in this firm. 'Bati na tayo. Ibibili kita ng favorite mong mango ice cream."

Naiiling na tinampal ni Aliyah sa balikat si Jeric. "Fine," Sa galing nitong mambola, imposibleng hindi siya mapasuko agad. Saka hindi niya rin kayang tiisin ang kaibigan. "Mauuna na nga pala akong umuwi. Nangako ako kay Joshua na tutulungan ko siya sa Math assignment niya."

Ngumiti si Jeric. "All right. I'll just see you and Josh tonight then. Sa inyo ako makikikain." Mabilis na hinagkan siya nito sa noo. "May meeting pa ako. Babalik lang ako saglit sa office para kunin ang mga gamit ko. 'Got to go," sinabi nito saka nagmamadali nang bumalik sa office nito.

Bumuntong-hininga si Aliyah saka lumabas na ng building. Pasakay na sana siya sa kanyang kotse nang may kamay na pumigil sa kanyang braso. Nasorpresa siya nang si Brennan ang malingunan niya.

"Hindi ka pwedeng umalis nang hindi pa tayo nakakapagbayad ng mga utang natin sa isa't isa, Aliyah," seryosong sinabi ni Brennan. "I owe you an apology while you owe me a slap. And yeah, a curse, too."

Echoes Of I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon