Take Me 2

6 0 0
                                    


#2.

"Nasan na ba kasi yun, patay talaga ako nito ni mari eh, bwesit talaga to oh, ang burara mo talaga sai, nakuser patay talaga tayo nito."

"Nandyan lang yun kanina, kita ko talaga nasa mesa yun, e ewan ko ba biglang nawala"

Nasan na ba kasi yun, importante panaman yun kay mari, jusko naman oh, ngayon pa talaga.

Kanina pa kasi kami hanap ng hanap dito sa condo wala talaga eh, hays.

"Alam mo ba kung gano ka importante kay mari yun ha"

Nasan na ba kasi yun, eto naman si sari puro nalang sisi, maghahanap na nga lang daldal pa nang daldal. Tsk

Hinanap ko na sa ilalim ng higaan namin, wala din naman dun, gulong gulo na lahat ng bagay sa condo ni sari, di talaga namin mahanap eh. Pumasok ako dun sa maliit na kwarto kung saan namin nilalagay yung mga gamit na di na namin ginagamit parang stockroom, pero stockroom talaga namin baka kasi nailagay ko dun.

May nakita ako isang box na napalibutan na ng alikabok.

"Sai memories 2011" ang nakalagay sa box, wala naman akong natandaan na may box pala ako na ganito. 2011? Tagal na 10 yrs ago college pa ako nito e.

Binuksan ko yung box, grabe ang daming papel.

"Sai nahanap mo ba?, oh ano yan?"

"Mga lumang gamit ko yata."

"Ooh aayuuunnn!"

Napatingin naman ako sa tinuro ni sari, ayoowwnn nailagay ko nga dito sa loob, burara ko talaga, kinuha ito ni sari.

"Burara mo talaga sai, bat naman to napunta dito"

"Ewan, di ko naman matandaan na nilagay ko pala yan dito"

"Matanda ka na talaga hayst. Buti nlng talaga di mo natapon to, malalagot tayo nito kay mari kung nawala to nuh"

Tumayo nako tas sinira na namin yung stockroom. Malay ko ba na napunta yan dito tsk.

"Ako na maglalagay nito sa kwarto. baka mawala nanaman."

...........................

"Girls, nakita nyo ba yung pinaint ko? Ganda ba?"

Tanong ni mari samin, habang nanonood ng movie. Alam ko na san papunta yung kwento nito.

"Ganda nga eh, sa sobrang ganda muntikan na matapon ni sai"

See, wala talaga ako takas dito kay sari, di marunong magsinungaling tsk.

"Ano!? Talaga sai? Muntik mo na matapon?"

"Sorry mari, diko naman sinasadya eh, diko nga matandaan na nilagay ko yun sa stockroom."

Atleast diko natapon nuh, actually ngayon natandaan ko na bat napunta yun dun, naglilinis kasi ako sa kwarto namin kala ko luma nayun tagal na din kasi yun naka stuck sa kwarto namin, ngayon ko lang matandaan na para sa Papa pala nya yung pinait nya mahilig kasi sa paintings yung Papa nya kaya gusto nya regaluhan ito pagkatapos ng Quarantine.

"Sorry, mari"  *with peace sign*

Natapos na din yung movie na pinanood namin, nagdecide na din sila sari at mari na matulog, nag volunteer naman ako na dito na sa sala matulog, feel ko lng mapag isa, yung solo solo ko yung sofa bed walang kaagaw sa unan, eh kasi pagkami magkatabing tatlo parang nagrarambulan dahil lng sa unan. Gumawa ako ng kaping matapang yung kaya akong ipaglaban chareett, di kasi ako makatulog ewan ko ba, baliktad yata ako eh, mas nakakatulog ako ng mahimbing pag kape yung iinumin ko instead of milk. Baliktad yata yung utak ko.

While nagtitimpla ako, natandaan ko tuloy yung box kanina na nakita ko, tagal na din kasi na huli ko yung binuksan, alam ko naman kong anong mga nasa loob na yun. Mga papel na pinagsulatan ko ng mga sama ng loob. Tagal na din yun 10 yrs ago. Kung pwde lang yata balikan yung nakaraan, ginawa ko na, ang dami kong katangahan ginawa noon, mga bagay na di dapat ginawa, mga bagay na komplikado pero pinipiliit talaga gawin. Tanga talaga nuh. Kung pwde palang baguhin yung nakaraan, babaguhin ko talaga.

Kinuha ko yung box, balak ko sunogin lahat nang yun. Wala rin naman kwenta eh, puro lang naman yung sama ng loob ko dati. Binuksan ko yung box. Kumuha ako ng isang perasong papel na sinulat ko dati.

"Tanga mo sai, ano wala ka naman napala diba, hinabol mo pa, tinakwil ka naman, tangina mo tanga ka"

"Hayaan mo na sya sai, bumitaw ka na, di ka na mahal oh"

"Pusong sugatan, laban pa ba?"

"Ptcha naman oh, bat di nalang kasi ako, bat ang duwag nya, bat ang labo nya,"

"You were the first I loved, and you were the first I lost".

We all have that first love in our life, maybe your first love is the one that sticks with you because its the only person who will ever receive all of you. After that, you learn better. But, most of all. No matter what, a piece of you forever remains left behind in the heart of the one you loved, a piece no future lover could ever get, no matter. That piece holds innocence, the belief that love really can last forever. It holds friendship and pain, trial and error, that one kiss you'll never forget, and that night under the stars you can never get back. It holds youth and everything you thought love would be, everything that was proven.... wrong.

Habang binabasa ko yung mga papel, bumabalik yung mga masasakit na alaala ko sa kanya, He was my first love and also my first heart break. Putcha talaga ang tanga ko  pala talaga nuh. "Pero di na ngayon, iba nato eh, matibay nato" turo ko sa puso ko. "Matibay to, di nato masasaktan, strong kaya to, mahirap nang gibain,..sana nga"
Diko napansin tumulo na pala yung luha ko, putcha talaga sabi ko di nako iiyak eh, di nako iiyak sa mga ganito, nangako nako sa sarili ko di nako iiyak sa mga lalaking duwag!.

Kinuha ko yung trashbin namin, tinapon ko lahat nga papel tsaka kumuha ng posporo, pag sindi ko sa posporo bago ko to tinapon dun sa mga papel sinabi ko " Kung babalik man ako sa nakaraan, seseguraduhin ko na hindi hindi ako magpapaloko sayo, hindi ako maiinlove sayo" tsaka ko ito tinapon sa trashbin at unti unting nadurog yung mga papel, sabay ng mga mapapait na alaala namin.

Bumalik na din ako sa sala tas humiga na sa sofa bed, eehmm lambot talaga nito.

.................

TAKE ME BACK TO 2011Where stories live. Discover now