Take Me 3

4 0 0
                                    


#3.

"Sai, sai, gising na huuyy.."

Ano ba yan inaantok pa nga ako eh, eto naman si mari kung makagising wagas.

"Ano ba mari, last 5mns. pls."

"Anong last 5mns. kadyan, tsaka sino ba mari pinagsasabi mo ha, oh heto test paper mo, bagsak ka nanaman."

Napamulat bigla ako sa narining ko, ano daw? Test paper? Teka, as far as I remember natulog lang ako after ko uminom ng kape, wala naman akong matandaan na may sinagutan akong testpaper, tanginang panaginip to.

"Carrie?" Inabot sakin ni carrie yung testpaper,

"Oh sai, bagsak ka, lagot ka ni sir."

Tinignan ko yung testpaper na inabot sakin ni carrie, nanlaki yung mata ko sa nakita ko putcha naman oh 30/90??? Score pa ba yun.? Teka teka panaginip ba to kasi kung panaginip to, kingena ang bobo ko.

"Hoy sai, ilan score mo?"

Si niña? Seriously? Si niña to, tagal namin di na nagkita,bat kaya bigla syang nawala,  grabe ang cute nya talaga noon paman.

"Bobo ko talaga grrr, pano tayo makakabawi sa midterm kung ganito score natin."

Napatingin naman ako sa harapan ko, wait si shaina to ha, di talaga to nagbago ganun pa din kung mag make up wagas papunta na sa clown yung fes nya.

"Wala na talaga tayo magagawa neto, bagsak na tayo huhuhu" napatingin naman ako sa likod ko, si clau? Umiiyak ba sya?..

Teka ano ba talaga nangyayari, naguguluhan na talaga ako dito eh.

"Ikaw sai, di ka ba malulungkot dyan ha, kanina ka pa tulala e" tanong sakin ni niña, sino ba naman kasi di matulala e diko alam kung anong nangyayari jusko. Bangungot na bato.

"Ha, ah, eh, para saan ba kasi tung testpaper na to?" Tanong ko sa kanila, tinitigan nila ako na parang naguguluhan din...

"Baliw ka ba,  Prelim exam natin yan nuh, pag di tayo nakapasa dyan panigurado di na tayo makakabawi sa midterm, bagsak na tayo di na tayo makakarating nang 2nd sem"

"Anoooo.??" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni clau, kaya pala iyak na sya nang iyak e. Teka kailangan ko ba mag worry dahil for sure babagsak ako? Or hindi dapat kasi panaginip lng naman to.? Tangena naman oh!.

Napatingin ako sa paligid ko, wolyshit!! Nasa classroom nga ako, classroom KO for exact, bat ako nandito? Tinignan ko din yung suot ko, putcha nakauniform ako? Seryoso ba to? Baka jinojoke time nanaman ako nila mari, pero hindi e, impossible yun. Pero nandito ako? Panaginip ba to? Bangungot? Sana panaginip lang, jusko naman.

"Hoy sai, di ka pa uuwi? Halika na"
Tawag sakin ni shaina, uwian na? Tinignan ko yung relo ko, pakshet 9:00pm. Night class? Ay Oo, night class ako dati, yung sched na pinili ko nung college night class kasi kunti lng yung students tsaka pagod nayung mga teachers na magturo kaya advantage yun sa mga night class, advantage sa mga pagod mag aral hahaha. Gagu bobo ko talaga dati nuh.

Sinundan ko sila niña papuntang CR, mag reretouch daw kasi sila kasi pauwi na baka kasi may madaanan sila na mga Engineering students, alam nyo mga papansin yung mga kaibigan ko ang haharot.

"Sai Nara Gabriella Monte, for short SAI" tawag sakin ng isang pamilyar na boses, napalingon naman ako.

"Annie?"

"Oh ano tutunganga ka lang ba dyan, halika na't hinihintay na nila tayo"

Hinila ako ni annie pababa ng hagdan, nasa second floor kasi yung room namin. Ganda talaga neto ni anni ang sexy pa kaya di nako magtataka kung bakit ang daming nagahahabol dito pero isa lang naman yung crush neto, simula pa yata nung elem kami si Opeth na yung crush nito. Teka, speaking of opeth, nandito din ba sila.

TAKE ME BACK TO 2011Where stories live. Discover now