Take Me 5

1 0 0
                                    


#5.

"Tignan na natin, daliii"

Nagdali dali pumunta sina niña, shaina at clau sa bulletin board namin sa loby, nagbabakasakali na nandun yung mga pangalan namin na nakapasa, sasabihin ko sana sa kanila na nakapasa kami sa remedial, kasi dba bumalik lng naman ako dito na galing sa future edi alam ko nato, alam ko na nakapasa kami, pero di ko nalang pinangunahan alam nyo naman yang mga kaibigan ko di ako titigal kakatanong kung paano ko nalaman kaya hinayaan ko nalang sila.

July 25, 2011 ngayon at alam ko kung anong mangyayari ngayon na kailangan kong pigilan, di pwde na matuloy yun, kasi alam ko dun nagsimula ang lahat. Ang landi naman kasi ni Sai, ang landi ko tsk. Alam ko naman na crush na crush ko si Benj noon, ngayon pala, I mean yung hindi ko pa alam yung salitang LOVE, nagpadalos dalos nalang, kaya ayooown nasaktan, nadurog, nabaliw. E kasi naman sino ba naman aayaw sa isang katulad nya, GWAPO, MATIPONO, MABAIT, MATALINO, MALINIS SA KATAWAN, MAMA's BOY pa hahaha. Tsaka crush na crush ko pa, edi sasagutin mo talaga nang YES I WANT TO BE YOUR GIRLFRIEND, oh dba ang tanga. Ang TANGA talaga, naalala ko tuloy sa ganitong araw din yun, aalis sya mamaya after class papuntang probinsya kasi daw fiesta sa kanila at papauwiin sya nang lola nya, e ako naman na tanga, sinagot na agad sya kahit na 3weeks pa sya nanliligaw, ang landi ko nuh sinagot agad agad takot kasi ako noon na baka mapunta sya sa iba, ay aba symepre crush ko yun nuh ayoko talaga mapunta sya sa iba kaya nag YES na talaga ako, ang saya nya nga nun e, kita ko talaga sa mga mata nya na gusto nya talaga ako na MAHAL talaga nya ako, pero tanga di ko pa pala alam yung word na MAHAL dati. Yung salitang "MAHAL" ay yung kaya kang IPAGLABAN, nakalimutan ko yata uminom nang kape nun kaya di ako naging matapang at hindi ako ipinaglaban, awch sheket ha. Ang masaklap pa nyan kahit na iniwan ako, di ko pa rin tinigil yung sarili ko na habulin sya, ipinaglaban sya kahit na alam kong sumuko na sya. Mahal ko e,. Kahit na nasaktan din yung pamilya ko dahil sa katangahan ko sa kanya di pa rin ako tumigil na habulin sya at nagbakasakali na bumalik sya at mahalin ako ulit. Natandaan ko pa nga na lage ako nag aabang sa classroom nila para ibigay yung mga gawa kung sandwiches na may kasamang sticky notes nakasulat na "Iloveyou, and I will stay until u comeback" ang landi nuh, ay hindi, ANG TANGA! Hahaha. Tas naalala ko pa nga yung isang katangahana na ginawa ko. Gumawa ako ng dummy account nun, para lang machat sya kasi binlock nya ako sa lahat ng social media, kaya gumawa ako ng dummy account. Chinat ko sya nang chinat hanggang napansin nya yung dummy accnt na ginawa ko, 1week din kami nagchachat nun, kwento sya nang kwento tungkol sa crush nya, tas ako naman iyak nang iyak pag binabasa yun kasi alam ko na di na talaga nya ako mahal, pero nagpaka martyr pa din ako. Naisipan ko na din na mag meet  up kami sa rooftop ng school building namin.

Pag naalala ko yun natatawa talaga ako, pag mahal mo talaga ang isang tao, kung ano ano nalang talaga maiisip mo nuh kahit na alam mo masasaktan ka lang pero go ka pa rin, para lang bumalik sya, pero nabigo pa din ako. Nung nalaman nya na ako yung kachat nya, nagalit sya, bat ko daw pinilipit yung isang bagay na di na pwde e balik kasi nasira na.

Yung gabi nayun, yun din yung gabi na nangako ako sa sarili ko na kakalimutan ko na sya, pero nabigo pa din ako. Mas lalo ko syang hinabol dahil diko mapigilan yung sarili ko, di ko mapigilan na di sya mahalin.

Ewan ko ba bat mahal na mahal ko sya nun, e wala naman syang ibang ginawa kundi saktan yung puso ko. Na pati yung pag aaral ko nadamay dahil sa katangahan ko, yung totoo kasi kaya ako nag shift ng Custom e kasi nabagsak ako sa 2nd sem ng accounting, nag summer class ako nun para habulin yung mga bagsak kong grades. Nabagsak ako kasi pinabayaan ko pagaaral ko pati na sarili ko, mas nag focus ako kay Benj nun, na yung gusto ko lang nun e yung bumalik sya sakin. Galit na galit si mama nung nalaman nya na mag susummer class ako, e dapat sana yung summer ko e dun sa China kasama nang tita ko, pero di ako nakasama si jekjek lang yung nakapunta, inggit nga ako nun e,. Edi sana naka pagasawa na ako ngayon nang tsino tsk, pero mabuti nalang nuh nag summer clas ako nun kasi dba sa taong 2020 may covid tas kasalanan pa nang taga china, nakuuu kaya pala nilagnat si jekjek nun hahaha.

TAKE ME BACK TO 2011Where stories live. Discover now