#4.Day 3 ko na dito sa taong 2011, until now wala pa din akong idea bat nandito ako, bat ako bumalik, bat kailangan ko pang bumalik?.
"Hi sai"
Napalingon ako sa harap ko, si Benj.
Nandito ako ngayon sa library, dito ko nalang kasi naisipan na mag standby muna while hinihintay matapos yung klase ni annie, magkaiba kasi yung sched namin kaya mas lalong naiinis ako tsk.
"Sai?" Ay putcha nandito pa pala si benj.
"Benj?"
"Can I seat?"
"Ha, ah, eh,... Oo naman" ltsy bat ba nandito sya. Iniiwasan ko nga sya e, kasi baka ma weirduhan din sya sakin. Binalik ko nlng yung pagbabasa ko sa libro, while sya nakaupo lng hawak yung phone nya.
"Hinihintay mo si annie?"
Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong nya sakin, masyado ba obvious na hinihintay ko si annie, as usual ganito din naman talaga ginagawa ko dati, bumabalik nga lang tsk.
"Ah, Oo sabay kasi kami kakain ng lunch, e ikaw may hihintay ka din ba?"
"Kayo."
Kami?..... so sasabay sya samin? Di pwde nuh.
"Sasabay ka samin kumain?"
"Okay ka lang sai, kahapon ka pa kasi balisa e, tsaka dba you said yes to my favor"
Favor?... wala naman akong natandaan na nag YES ako, baka nuon, yung old sai, pero haler diko remember nuh, eto talaga si old sai ang rupok din
"Nag Yes ako?"
"Yep, u said yes last night"
Tangina na talaga to. Tagal ni annie.
............
Nanidto kami sa karendiria ni Mang kanor, sarap talaga ng mga luto ni mang kanor lalo na yung beef steak ang sarap sakto lang sa pagkaluto.
"Sarap na sarap sai ha e benj masarap din ba" bola ni annie sakin.
"Uy, harto mo talaga" napatingin naman ako kay benj na patagong nakangiti, kinikilig ba to, baliw. Oo kasama namin si benj dito, kasi nga dba punayag daw ako, kaloka di ko nga matandaan na nag Yes ako e.
Pagkatapos namin kumain bumalik na kami sa kanya kanya naming mga classroom, hinatid ako ni benj sa room namin, nung una di ako pumayag kasi aasarin nanaman ako nila niña pero he insist na e hatid ako kaya pumayag nalang din ako.
"Ill see you later sai"
"Sabay tayo uuwi?" Dont tell me gagawin talaga namin to araw araw? Kaloka naman, bumalik nga talaga ako sa nakaraan, paano ko ba to pipigilan.
"Ayaw mo?" Tanong nya, di naman sa ayaw ko pero kasi... diko na gusto yung nangyayari, alam ko na saan to papunta e. Alam ko nanliligaw pa sya, pero pwde e tigil nlng nya?.. kung sa kwneto na to ito yung part nang climax, magiging intense na yung storya kung e tutuloy pa.
"Ah.... may gagawin pa kasi ako, kaya late ako uuwi" alam ko mali to, mali na magsinungaling pero kailangan e, kailangan kong iwasan. Sasabihin ko nlng kay annie na di ako makakasabay sa kanila mamaya.
Bumalik na si Benj sa classrom niya, ako naman heto nakikinig sa discussion ni Sir Wensy sa subject na Basic Accounting, basic pa kasi kami ngayon kasi nga mga Freshy pa, Freshmen college, Basic nga pero ang hirap pa din intindihin ang bilis naman kasi mag discuss ni sir mabilis pa sa takbo ng kabayo jusko, kaya ang daming nababagsak dahil sa kabayo ay este sa pag didiscuss nya. Kaya di ko e tinuloy yung Accounting Course, e kasi basic pa nga lang hihimatayin nako sos baka sa Major na lamay na papunta ko jusko mahal ko pa pamilya ko nuh. That's why I decided to shift nalang nung 2nd yr college nako, nag take ako ng 1st semester sa Custom Administration, na encourage kasi ako sa tito ko na Custom Broker kaya ayown nag take ako, pero di rin nakapag tapos whole sem kasi nagkaproblema sa Financial, di kinaya ni mama yung tution fee ko, naubos kasi lahat ng pera namin sa pagpapalibing sa Papa ko, simula nun nawala si Papa nagkahirap hirap na kami, nabenta nga ni mama yung lupain na para sana e tayo ng bagong bahay namin kaya yun binenta nlng para sa pangbayad ng tution fee sa kapatid ko at sa kuya ko na nag aaral nang Criminology. E ako naman, nagpaubaya nlng ako, tinigil ko yung pagaaral ko tas lumipad ng ibang bansa para mag DH, chereeettttt lngggg hahaha naniwala aman kayo, pero alam nyo napasok din yan sa isip ko dati na what if mag abroad ako nakapagtapos naman ako ng Highschool kaya okay lng kahit mag DH ako sa ibang bansa, makakatulong pa ako kina mama pero ayaw ni mama kasi nga daw baka pag uwi ko naka cremate nako, oh dba ang advance mag isip ni mader, pinatay agad ako sa isip niya ahaha kaloka. Tumigil ako sa pagaaral kasi alam ko mas kailangan ni mama nang karamay nung mga panahon na yun. Nag stay lang ako sa tabi nya, tas nung naging okay na kami lahat at naka move on na sa pagkawala ni papa, naisip ni mama na sa Maynila nalang ako magaral,nandun din naman kasi yung Ate ko, sa maynila na kasi nakatira si ate simula nung nagka pamilya na sya. Sa Maynila ako napunta, at sa Maynila na din ako nakapagtapos ng College sa korsong Tourism, oh dba ang layo ko sa accounting at custom e ang ending ko sa Tourism, may choice pa ba ako? Mas naging maganda nga yung buhay ko dahil sa natapos ko e, nakakapunta pa ako sa ibat ibang bansa, Sa maynila na din ako nakapagtrabaho at mas nakakatulong pa kina Mama. Nung una naninibago pako sa environment sa Maynila, madaming tao, ang ingay, tas ang traffic grabe yung traffic nalalate nga ako sa school nun e lalo na sa trabaho lage ako napapagalitan, e kasalanan ko ba na sobrang traffic sa Maynila, sa edsa to be axact, pero nasanay na din yung lola nyo. Sa maynila ko na din nakilala sila Sari at mari, si Mari nagkakilala kami sa isang Art Gallery na pinagbilhan nya nang Paintings, e ako mahilig din naman ako sa paintings nun kaya nagkaclose kami. Si Sari naman nakilala namin sya sa isang coffe shop, mahilig kasi kami ni mari mag coffee every Saturday Afternoon sa Coffee Bean, dun namin nakilala si sari, may nakaaway kasi si sari that time, sa pagkakatanda ko inaway nya yung kabet ng boyfriend nya, natawa pa nga kami ni mari nun sa pinag gagawa ni sari, akalain mo yun naisingit pa nya yung line ni Cherie Gil "““You’re nothing, but a second-rate trying hard copycat!” sabay tapon nya ng kape dun sa kabet ng boyfriend nya...Oh dba ang drama ng lola nyo hahaha. Tas yung bruhang kabet siningit pa na yung line ni Maja " Akin lng si Andrew, AKIN LNG SYA" nagulat kami lahat nung sinampal ni Sari yung kabet tapos siningit nya yung line ni Angel Locsin "WALANG SAYO NATALIE, AKIN LANG ANG BOYFRIEND KO" boggshh* sampal* oh dba ang drama ng mga lola nyo, lakas maka Legal wife HAHAHA. Dun nagsimula friendship naming tatlo pagkatapos kasi nila mag rambulan e lumayas yung natalie na yun tas yung jowa nyang halimaw, nilapitan namin si sari tas cinomfort namin dun nagsimula friendship namin, galing nuh. Hahaha.
Natawa nlng ako sa naaalala ko, grabe ang baliw talaga.
"Ehaa" nagulat naman ako nang may biglang humawak sa binti ko, natapos na pala yung klase naman at pauwi na ako ngayon its already 8:45pm, pinauwi kami nang maaga ni sir kasi daw inaantok na sya, huwaw ang demanding ni sir.
Ay oo pala nagulat ako sa matandang lalaki na hanggang ngayon nakahawak padin sa binti ko, hihingi seguro ito nang pera, sakto pa naman to para pamasahe ko.
"Naku po manong, sakto lang kasi yung pera na dala ko, pang pamasahe ko lng"
Sabi ko kay manong, tas umatras ako ng kunti para mabitawan nya na yung pagkahawak nya sakin.
"An-o gina-ga-wa mo di-to e-ha.." paputol putol nyang sabi sakin. E sya kaya tung humawak sa binti ko dahilan kung bakit ako napahinto, baliw na talag to si manong, kawawa ka naman.
"Ho? E kayo po yung humawak sakin e"
"Bu-ma-lik ka-na..."
"Ho?"
Magsasalita pa sana si manong nang may dumating na mga tanod tas tumayo sya't hinarap ako.
"Mag ingat ka eha, kung babaguhin mo, may magbabago" tas tumakbo si manong, lah tignan mo to kala ko di na makakalakad kasi ang tanda na pero ang bilis tumakbo, hinabol sya nang mga tanod, tinanong ko yung isang tanod kung bakit nila hinahabol si manong.
"Bat nyo po sya hinahabol kuya?"
"Nakatakas kasi yun.."
"Nakatakas po? Saan?"
"Edi sa Mental, matagal na yun pinaghahanap sa mental hospital, kaya mag ingat ka sa susunod, uwi ka na"
Ay hala ka, baliw nga si manong, pero teka, maniniwala ba ako sa sinabi nya, KUNG BABAGUHIN KO, MAY MAGBABAGO? Malamang magbabago talaga kung babaguhin mo, baliw nga si manong jusko. Napatingin nalang ako sa langit tas sabay dasal "Lord, balik nyo nako sa 2020 oh, mas okay pako dun, nasa loob lng ng bahay walang baliw, walang accounting, walang benj" napabuntong hininga nalang ako, hays makauwi na nga lang.
.............................
YOU ARE READING
TAKE ME BACK TO 2011
General FictionPumunta ako sa may balcony nila annie, grabe ang ganda dito, ang yaman talaga ng pamilya nila annie kaya kaibigan ko yun, kase pag nagkaproblema ako sa pera sa kanya ako tatakbo hahaha charet lng. 13 yrs na din nakalipas simula nung nagkaroon nang c...