Take Me 7

1 0 0
                                    


#7.

Palabas nako ng campus nang makita ko si benj sa may gate 2.. bat di pa sya umuuwi, may hinihintay seguro to, baka may nililigawan nang iba, sana ol.

Lalapitan ko na sana sya pero napahinto ako kasi may lumapit na babae sa kanya, tinignan ko lang sila, ano kaya pinag uusapan nila, baka niyayaya ni benj makipag date, sana ol. Umalis na din yung girl, nagpatuloy naman ako sa paglalakad, nang umabot nako sa may gate 2, nandito pa din si benj.

"Benj?" Napalingon din naman sya, nagulat yata sya sakin, akala nya seguro nakauwi nako, chaarr assumera mo sai.

"Ngayon ka lang uuwi?"

"Ah Oo, tagal kasi naman natapos e, ikaw uuwi ka na?" tanong ko sa kanya, baka may hinihintay talaga sya kasi as what I heard sa mga oras nato wala na sya dito sa campus, maaga na kasi umuuwi si benj simula nung binusted ko sya kaya nakakapagtaka lang.  Nakatingin lang sya sakin, di ba nya sasagutin yung tanong ko.

"Ah, sge benj, una nako sayo, ingat ka ha" nagpaalam nalang ako sakanya, mukha wala rin naman syang balak kausapin ako or sagutin man lang yung tanong ko dba.

"Sai."
Aalis na sana ako nang tinawag nya yung name ko. Kaya napahinto ako at nilingon sya.

"Benj?"

"Busy ka ba bukas?"

Bukas??...  tuesday bukas ah, di ba sya papasok, at e dadamay pa talaga nya ako.

"Hhmm,, hindi naman, bakit?"

He bite his lower lips tsaka sya nagsalita, gusto gusto ko talaga pag ginagawa nya yun, ang hot nya tignan mas nakakapogi pag sya gumawa.

"Pwde mo ba ako samahan, bukas?"

"Ha?" Napalunok naman ako sa tanong nya, bat ako pa? Pwde naman si junnie kasama nya, bat ako? Oh gosh baka naman hihingi sya nang isa pang chance, jusko. Di ko yata mapigilan to e.

"If its okay to u, pero kung hindi....."

"Sge, I'm in"

"Sure?"

Sure.?! Ewan e may klase bukas e, ano aabsent kami? Ang bilis ko naman umoO. Kainis. May pa I'm in, I'm ka pang nalalaman, kaloka.

"Dont worry, di tayo aabsent...." ay galing nabasa nya yung utak ko hahaha.

"......after class, after class tayo aalis"

Ayooewnnn, dapat lang talaga, di pwde umabsent nuh, may hinahabol akong grades.

Pumayag ako sa gusto ni benj, rupok nuh? Pero okay lang yan, friends pa rin naman kami, no big deal. Sabay na kami sumakay nang bus total same route lang naman yung uuwian namin kay sabay nalang kami. Oo mga mare ang awkward din pala nuh, pero okay lang keri naman nang lola nyo.

After an hour ay nakauwi na din ako, unang bumaba si benj saming dalawa kasi nasa kabilang compound pa yung samin, kaya sya yung unang nang-iwan, e sya naman talaga yung unang nang iwan nuh, aaww hahaha humugot pa talaga lola nyo.

Bukas?... panibagong araw, panibagong katangahan nanaman... Saan kaya kami pupunta, tsaka bat ako niyaya nya, baka di pumayag yung girl na kausap nya kanina kaya ako yung tinanong nya kasi ako yung nakita nya, hayst, option ka nanaman ghorl...

Di ko yata mababago yung future e, baka laman na sya nang puso't isip ko talaga na hanggang sa future e bitbit ko pa din yung ala-ala namin, ang nabago ko lang e yung binusted sya na dapat sana ay naging kami na, pero iniba ko, yun lang yung nag bago, pero nandito pa din ako, di pa rin ako makabalik.

TAKE ME BACK TO 2011Where stories live. Discover now