Take Me 6

1 0 0
                                    


#6.

Nakatulala pa din ako dito sa bintana namin sa classroom, di ko pa rin lubos mainitindihan yung ginawa ko nung Friday. Ang gaga ko.

Monday ngayon at three subject lang kami ngayon, kaya maaga kami uuwi, Naalala ko tuloy si benj, ano kaya iniisip nya, okay lang ba kaya sya.

Sa pagkakaalam ko, nakauwi na sya kagabi, nag text kasi sya sakin na uuwi na sya na makakapasok sya ngayon. Di ko rin naman nireplyan, sabi ko nga sakanya dba na wag na akong pansinin pero nag tetext pa din sya sakin, ina-update pa din nya ako. Di ko yata maiiwasan yun, pero bala na, mapapagod din sya.

"Sai, di ka ba sasama samin, punta kami canteen"

Sumama ako kina niña sa canteen, nasa 4th floor yung canteen namin, grabe nuh ang layo ng canteen namin, kay pag nabusog ka na tas bababa ka magugutom ka ulit kasi natunaw na yung kinain mo dahil sa paglalakad mo pababa nang hagdan hahaha.

"Hoy sai, boypren mo oh" napatingin naman ako sa tinuro ni shaina.

"Di niya boypren nyan, binusted eh."

Tinignan ako ni benj pero wala akong nakitang emosyon sa mukha nya, di man lang nya ako ningitian. Ehmm

"ay binusted, HAHAHAHA" sabay nilang sinabi, mga gorang talaga to.

"Tumigil nga kayo, kain nalang tayo"
Sabi ko sa kanila habang kinakain yung pancit canton.

"Ay affected"  sabay nanaman nilang sabi. Mga baliw talaga.

"Bala nga kayo dyan."

Tumayo nalang ako at naglakad paalis nang canteen. narinig ko pa na tinawag nila ako pero di ko na sila pinansin.. Ewan ko ba, di naman ako affected e, mas okay nga to, mas okay na di ako pinapansin ni benj, mas mapapadali yung plano ko.

"Hoooy saiii" nagulat naman ako sa pagtawag ni Tan sakin,

"Putcha naman tan oh, bat ba ang hilig hilig mo manggulat ha"

"E kasi yang mukha mo lungkot nanaman."

Tinignan ko sya, ang gwapo din nito, kaya ang daming girls din pumipila e, ang talino pa.

"Malungkot ba?" Tanong ko sa kanya while nag *pa-pout*

Hinawakan nya yung mukha ko, his trying to make me smile, hinawakan nya yung each side nang mouth ko tas pinipilit na pangitiin ako,  tsk lungkot ba talaga nang mukha ko.

"Yaannn, di na malungkot"  tinakwil ko yung kamay nya, baliw talaga to.

"Baliw."

"Ano gusto mo kainin, libre ko" alam na alam talaga nito yung weakness ko.

"Eehmm gusto ko pizza, tas yung hawaiian flavor ha."

"Wow demanding, e chocolate lang yung meron ako ngayon e." Inabot nya sakin yung chocolate,.

"Ano ba nangyari, bat ang lungkot mo.?"

"Hirap e explain e, tatawanan mo lang ako pag sinabi ko"

Humarap sya sakin, tas nagpaPacute, gago ba to nakakatulong ba yang papacute nya.

"Di nakakatulong yang papacute mo"

"C'mn just tell me, di ako tatawa"
Sabi nya while zinizip nya yung mouth nya, funny din tong si tan. Pero alam ko kahit na sabihin ko sakanya tatawanan lang nya ako at di sya maniniwala.

"Galing ako sa future" sabi ko sa kanya, tatawa na sana sya nang pinigilan ko.

"Pag tumawa ka, kita mo yang laptop na yan, e hahampas ko yan sayo"

"Edi e hampas mo bazta ako HAHAHAHAHAHAH tatawa HAHAHAHA, ano bayan sai, funny ka din pala"

"Baliw"  sana nga joke lang to lahat e, na sana panaginip lang talaga, pero totoo to e, nandito ako, nagiba na yung tadhana namin ni benj.

"Pero seryoso sai?" Tanong ni tan sakin, ngayon seryoso na yung mukha ni tan

"Oo."

"HAHAHAHAHHAHA tangina naman sai oh, kala ko sasabihin mo, joke langgggg HAHAHAAHA hay" naiiyak na sya sa kakatawa, bala ka dyan nuh mamatay ka kakatawa dyan.

"Bala ka nga dyan"  tumayo nako at naglakad,..
Hinabol naman ako ni tan,, kala nya seguro nagbibiro ako, yun yung hiling ko na sana biro lang talaga to. Di na rin ako sure kung tama ba to or mali e.

"Hoy! eto naman oh di mabiro,"

"Kulit mo kasi."

Sabay kami naglakad ni tan pabalik sa classroom namin, nang makasalubong namin si Benj at yung barkada nya. Nakita ko mukha ni benj yung mukhang malungkot na na-aasar na di ko ma explain kung bakit,  nakita nya din ako pero di nya ako pinansin, papansinin ko sana sya pero umalis na agad sila. Hays. okay nato, okay lang to, okay lang talaga to,  eto naman talaga gusto ko dba, yung di kami magpansinan, pero bakit ganun, bakit parang nasasaktan ako, hayst kaloka.

.........................

3 days, 3 nights,

24 hours, One day,

4 weeks, 1 month,

pagbibilang ko sa mga araw na nandito ako, One month na pala ako dito, hays kailan pa ba ako makakabalik lord, okay naman po dba? Ano pa ba kailangan ko gawin?. Pag balik ko po ba, erase na si benj sa buhay ko? O baka naman jinojoke lang mo lang ako lord ha, naku yoko nyan lord.

"Eha"

Napalingon naman ako sa likod ko, naglalakad kasi ako ngayon palabas nang campus, pinauna ko na si annie umuwi kasi ang aga nilang natapos kaya eto uuwi ako mag isa.

"Teka, di ba po kayo yung nakatakas sa  mental? Paano kayo nakapasok dito? Tumakas nanaman po ba kayo? Nakuuu"

"Eha, maki-nig ka,"

"Ay hindi po, tatawag ako ng security para mailabas ka dito at....." di na ako nakapagtapos magsalita nang hawakan ni manong yung braso ko.

"Di -mo -mata-ta-ka-san -ang- iyong,- ka-pa-la-ran- ang- tad-ha-na nyo- ay -mu-ling mag-ta-tag-po"

Natulala ako sa sinabi ni manong, wala akong maintindihan, ang labo.

"Hooy,!!!  nandito ka nanaman ha" sigaw ni manong security guard, mahuhuli nanaman tong si manong, ang tigas naman kasi nang ulo, takas nang takas.

Ang weird talaga nang mga tao di mo maintindihan lalo na pag galing mental yung kumausap sayo mas lalong di mo maintindihan ano ba sabi ni manong
" dimo... makakasya ang iyong laparan...tahanan ay muli magtatampo..." haaysss ano bayan, adik talaga si manong, kung ano ano nalang sinasabi malay ko ba magtatampo yung tahanan namin, ay adiik talaga yun, di na sana makatakas sa mental si manong katakot na din tsaka kawawa naman di seguro love nang mama nya, hahaha jokes.

Lord balik nyo nako sa 2020 pls.

..................................

TAKE ME BACK TO 2011Where stories live. Discover now