#11."Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday to youuuu"
Nag blow na ng candle si mama, kita mo to si mama kala mo 18 yrs old naka gold gown pa hahaha ang kyut talaga nang mader ko.
"Happy birthday ma" sabay abot ko sa kanya yung gift. Tas lumapit na din yung mga kapatid ko at inabot yung mga regalo namin para sa kanya.
"Salamat mga anak ha, salamat sa inyung lahat, ang swerte ko talaga na may mga anak ako katulad nyo" paiyak na sabi ni mama, nagyakapan lang kami lahat, family group hug.
"Mahal na mahal ka din namin ma, kahit lage nyo kami senesermunan dati kasi ang tagal gumising tas di pa nagwawalis tong si sai sa bahay lagi nalang natutulog" sabi naman ni kuya.
"Grabe ka kuya, e ikaw nga to nagagalit pag di nasusunod yung utos mo e" sabi ko naman tas nagtawanan lang kami.
Nakipagchikahan lang si mama sa mga amegas nya kami naman busy din sa pagkain hahaha. Pinapunta ko na din si annie dito. Tas kwentuhan lang kami tungkol sa mga kabaliwan namin dati, di nga raw sya makapaniwala na binusted ko si benj nun e si benj pa naman yung pinaka sikat na boylet sa campus nun, tas ako naman di makapaniwala na e kakasal na pala tung si annie kay opeth soss.
"Sabi ko na nga dati pa na si opeth talaga yung para sayo" biro ko kay annie.
"Alam ko na yan dati nuh, di ko lang pinapahalata sayo..."
"Baliww" nagtawanan lang kami ni annie, akalain mo yung sila talaga yung nagkatuluyan.
"Sai si benj, di mo ba namimiss?"
"Gaga bat ko naman mamimiss yun, wala naman kaming pinagsamahan"
"Hoy meron kaya., niligawan ka nya dba"
"Di ka pa rin talaga tapos dyan sa benj na yan nuh, kanina pa natin pinaguusapan sya e. Hahaha"
"E kasi naman bat di mo sinagot yun"
"Alam mo na yung rason nuh, wag na natin ulitin pa, tsaka kamusta na ba yun?" Tanung ko kay annie, last time kasi nabalitaan ko na nasa abroad sya.
"Sabi ni Jam ko, after daw ng lockdown sa Italy ay umuwi sya last month, pero makikita mo din yun sa kasal ko, pupunta sya"
"Baka postive yun"
"Gaga ka talaga."
Nagsiuwian na din yung mga bisita namin, si annie naman umuwi na din. Nilisin na namin yung mga pinagkainan namin tas yung mga kalat din. Alam nyo eto talaga yung mahirap pag di kayo nagpa cater nuh, kasi kayo pa nga yung nagluto kayo din yung maglilinis tas kayo pa yung mapapagod tas yung mga bisita nyo pupunta lang dito para kumain makipag chikahan tas magkakalat tas uuwi, bat ba di sila tumulong dito. Pero chos lang. Hahaha
Natapus din kami sa paglilinis mabuti talaga may mga yaya si mama dito sa bahay kaya napabilis yung paglilinis namin. Sabi ko namam kay mama na bukas nalang umaga maglinis pero si mama kasi ayaw na ayaw nyang matulog na alam nyang may madumi sa bahay namin kaya ayown naglinis talaga kami ng todong todo.
YOU ARE READING
TAKE ME BACK TO 2011
قصص عامةPumunta ako sa may balcony nila annie, grabe ang ganda dito, ang yaman talaga ng pamilya nila annie kaya kaibigan ko yun, kase pag nagkaproblema ako sa pera sa kanya ako tatakbo hahaha charet lng. 13 yrs na din nakalipas simula nung nagkaroon nang c...