Take Me 8

2 0 0
                                    


#8.

Sinundan ko si benj sa may harden nila lola, pagkatapos kasi naman kumain e umalis na agad si benj, tas ako dahil mabait ako, tumulong mona ako sa pagliligpit ng mga  pinggan tsaka sya sinundan.

"Benj"
Di nya ako nilingon, kaya tumabi nalang ako sa kinauupuan nya.

"Okay ka lang.?" Tanong ko sa kanya, kanina pa kasi sya di nagsasalita tas di ako pinapansin.

"... papaalam na sana ako e,..." di pa ako tapos magsalita nang nagsalita na sya.

"Uwi ka na?"  Tanong nya, di pa rin nya ako tinitignan, nakatingin pa din sya dun sa mga halaman, gusto ko na talaga umuwi tsaka pagabi na kasi.

"Oo sana e, kasi pagabi na"

Tumayo sya at tumayo na din ako, wala yata to sa mood e, ang bilis talaga mag bago nang mood neto, kaya minsan natatakot din ako dito, nag dedesicion kasi to agad agad pag malungkot di pinagiisipan kung nakakabuti ba or nakakasama.

Nagpaalam na kami sa pamilya ni benj sabi pa nga nang lola nya sagutin ko na daw si benj para di na malungkot, ay malay ko ba na malungkot yan kasi walang jowa, ano ako? Option nanaman? Nakuuu, wala yan sa sakit na naramdaman ko nun nuh.

After an hour ay nakauwi na dina ako, hinatid ako ni benj sa tapat nang bahay namin. Hinubad ko na yung helmet tsaka binigay sa kanya.

"Thank you sa paghatid, ill see u tomorrow, pasok ka ha." Sabi ko sa kanya, kilala ko na kasi to e, pag nalulungkot di pumapasok.

"Thank you sai, see you tomorrow"

"Ay teka, okay ka na ba?"

Tanong ko sa kanya, malungkot pa din kasi yung mukha nya e, malaki ba talaga issue nila dun sa babae nya at ganyan sya kung makareact, ang over. Cheret.

"Gusto mo sundiin kita bukas? Sabay tayo pumasok?" Ay tignan mo to oh, naisingit pa talaga nya yan.

"Wag na, kaya ko naman, sge mukhang wala kang balak sagutin yung tanong ko, uwi ka na... ingat ka.." papasok na sana ako nang gate namin nang bigla syang nagsalita.

"I'm okay" tinignan ko sya, tas ningitian ako.

"Ayoowwnn, mas pogi ka pag nakangiti " sabi ko with kindat, tas pumasok na ako sa bahay. Kaloka na sabi ko talaga yun, baka nag assume yun na napopogian talaga ako sakanya, nakuu feeler pa naman yun, pero mas bagay naman talaga sa kanya naka smile kasi mas lalong lumiliwanag yung buong mukha nya, char parang bumbilya lang ganern hahahaha.

Tapos na ako maglinis nang katawan, napaisip tuloy ako dun sa babae nya, sino ba yun, tsaka ano ba sila. "Hay naku sa, wala kanang pakialam dun, focus ka nalang sa dapat mung gawin, WAG MAINLOVE, WAG MA FALL" sabi ko sa sarili ko at natulog na din ang lola nyo, ang haba nang araw nato kapagod ..hays

.......................

TAKE ME BACK TO 2011Where stories live. Discover now