#9."Waaaahhhhhh Yeeheeeyyy yohoooo"
Napagising tuloy ako sa sigaw ni mari at sari, ano bang nangyari, ang aga aga ganyan sila makasigaw, bumangon ako sa pagkahiga ko, nang makita silang dalawa nagtatalon talon."Hooy!! ano ba nangyari sa inyo ha" sabay hagis ko ng unan sa kanilang dalawa, ang ingay kasi kita nila may natutulog.
"Saaiii, waaahhh this is it, exciteddd nakoo yohoo, makakagala na ulit tayooo" sabi ni mari sakin na hawak yung dalawa kong balikat tas inalaog alog nya ako,.
"Teka teka nga, nasasaktan ako e," sabi ko tsaka inalis yung pagkahawak nya sakin.
"Ano ba nangyayari" tanong ko sa kanila. Si sari naman nakatingin lang sa balita tas kitang kita mo talaga yung malaking ngiti nya, napatingin naman ako sa tv.
" President D is now announce that Quarantine is over and the Philippines is now COVID FREE" nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig like..
WHAT???....
COVID FREE na kami????....
Napangiti naman ako sa narinig ko, mabuti naman at natapos na din, tatlong buwan din kami nakakulong dito sa bahay nakakabagot na din. Dahil sa saya namin, nagpatalon talon kaming tatlo sa saya, kasi nga makagagala nanaman kami makakaboy hunting nanaman kami ulit hahahahaha.
Kinahaponan naman ay sabay sabay naglabasan yung mga tao sa condo, kitang kita mo talaga sa kanila yung saya, may nagyakapan pa nga e,.
Ang ganda, ang ganda sa pakiramdam, ang gaan gaan, yung feeling na safe na safe ka na kasi natapos na yung plague na naranasan namin, sa tatlong buwan na nakakulong sa loob ang daming nabagot pero kita mo ngayon ang saya na nila, nakakapag usap ka na sa ibang tao na wala nang takot. May iba pa nga na sabay sabay pinunit ang quarantine pass nila hahaha ang kyut.
Pumasok ulit ako sa loob habang sila mari at sari nandun pa rin sa labas nakikihabilo sa ibang tao, alam nyo naman yung dalawang yun kung sino sino lang ang kinakausap na over na sa pagiging friendly hahaha.
Tumawag agad ako kina mama para kamustahin sila kasi for sure ang saya saya din nila dun.
"Hello ma?"
"Oh sai anak, nabalitaan nyo na ba dyan?"
"Ay oo ma, kaya nga po ako tumawag e, kukumustahin ko sana kayo"
"Ay naku nak, okay na okay lang kami dito, tsaka si jekjek ang saya nung narinig nya yung balita kaya ayuunn pinuntuhan agad yung mga kaibigan nya"
"Hahaha mabuti naman po ma"
Sino ba naman hindi sasaya dba, napakasaya talaga, e ako nga excited na din umuwi.
"E anak, ano makakauwi ka ba sa birthday ko ha?"
Birthday na pala ni mama next week, ang timing naman ng bday ni mama haha.
"Ay oo naman po, di pwde wala ako sa debut nyo nuh"
Natawa naman si mama sa sinabi ko, mag fi-fifthy na kasi si mudra ko kaya di talaga pwde na wala ako dun, tas uuwi din naman si ate kaya uwi din ako. Tagal ko na din di nakakauwi nuh, last ko yata umuwi nung 2015 pa so bali 6yrs din ako di nakakauwi.
Matapos namin mag usap ni mama ay nagluto na din ako, gukat nga sila mari at sari e kasi di naman ako mahilig magluto lalo nat pag sila yung kasama ko di talaga ako nagluluto dito sa condo, alam nyo naman na si sari yung cook namin dito, sabi ko nalang sa kanila na gift ko to sa kanilang dalawa kasi ang bait nila sa akin, tas yung mga gaga di naniwala baka daw lalasunin ko sila, kasi nung last time na nagluto ako nadamihan ko paglagay nang suka kaya ayun galit na galit sila papatayin ko ba daw sila sa asim, di ko rin naman yun sinasadya.
"Sana naman sakto nayan lulutuin mo ha, baka mapapatay mo nanaman kami" sabi ni sari.
"Dont worry, napag aralan ko na to kaya masarap to promise"
Bumalik lang silang dalawa sa sala while busy na busy sa pag vi-video call sa mga jowa nila, ako nalang kasi yun single sa aming tatlo, syempre nuh coaches dont play, hahaha.
Pagkatapos ko lutuin yung paskiw ay hinanda ko na yung mga plato, tas kumain na din kami, nagpalaam na din ako sa kanilang dalawa na uuwi ako sa batangas tas mga statay for 2 month, nagulat naman sila sa desisyon ko bat daw aabot ako nang 2 buwan dun e kailangan na din kami bumalik sa trabaho, tas sabi ko naman magrereport nalang ako pag alis ko, nag agree din naman sila sa desisyon ko. Gusto ko din naman mag bonding kami nang paliya ko tsaka 2 months lang naman, tagal ko din naman nawala, kaya gusto ko e alan mona yung oras ko sa pamilya ko lalo na kang Mama ko, miss ko na yun e, miss ko na yung mga payo nya na may kasamang lambing. Miss ko na sila lahat.
YOU ARE READING
TAKE ME BACK TO 2011
Ficción GeneralPumunta ako sa may balcony nila annie, grabe ang ganda dito, ang yaman talaga ng pamilya nila annie kaya kaibigan ko yun, kase pag nagkaproblema ako sa pera sa kanya ako tatakbo hahaha charet lng. 13 yrs na din nakalipas simula nung nagkaroon nang c...