Take Me 1

8 0 0
                                    


#1.

"Tanga ba sila, bat lage nalang sa presidente nila sinisisi ang lahat, ulol ba sila e kahit di pa si President D ang president nuon, mahirap naman talaga sila, mga baliw"

Baliw talaga to mga pinoy, di marunong umintindi, ang hina pa sa comprehension nakagraduate nga ng college mga bobo naman tsk.

"Hoy ikaw sai, ano masasabi mo sa mga putang inang tao na yan"

"Bala sila sa buhay nila nuh, pake ko ba, mamatay nlng sila"

"Grabe ka ghorl"

Nanonood kami ng Tv Patrol ngayon, as usual lage nalang kasi balita yung mapapanood mo sa panahon ngayon, alam nyo na kung bakit. Putcha naman kasi yang covid 19 na yan di pa talaga mawala wala. Ayan tuloy maraming pamilya naghihirap, mga workers na di na nakapagtrabaho tas wala pang sweldo, no work no pay kase, hays. Lahat ng tao nagpapanic buying, kami ng pamilya ko buying lng walang panic hahaha echos.

Pumasok nlng ako sa kwarto namin, naiinis lang kasi ako pag news yung lalabas sa tv, paulit ulit nlng kasi, puro nlng negative news, dami pang nanamatay dahil sa putchang virus nayan.

Umupo ako sa may bintana namin, nakatingin sa langit "hays, kailan pa ba to matatapos Lord, bored na bored na dito sa loob eh, galang gala na yung kaluluwa ko"

Napakaboring na talaga sa loob nuh, alam ko feel nyo din ako, kasi lahat tayo nasa loob e parang mga love birds na naka hawla kaso ang kaibahan mag love birds sila e tayo pamilya natin ang kasama natin hindi jowa, sos pag jowa kasama nyo ngayon panigurado may lalabas sa tyan mo after 9 months hahahaha.

Nag open nlng ako ng messenger ko baka kasi may nagchat or may nag send nanaman ng PaBALA, bat ang hilig hilig nila mag forward ng mga ganun e ang iba naman puro fake news, nakakayaman ba yun, nakakabusog ba yun, e hindi naman, tsk.

Messenger:

Annie: uy sai, kamusta ka na dyan? Kailan ka uuwi? Makakuwi ka pa ba?

Gaga talaga to si annie oh, makakuwi pa bako sa situation nang mundo ngayon ha,

To annie: sa tingin mo?

Annie: stay ka nlng dyan ghorl, ba ka mabaliw ka nanaman pag umuwi ka pa dito hahaha, ingat ka dyan ha,labyooo :*

"Baliw"..

E niOFF ko nlng yung data ko, wala na din mang ibang nagchat eh, ay meron naman pero tsk kapagod lng mag reply, kaya eniOFF ko nlng.

Wala na talaga ibang pwde gawin dito sa bahay lahat na yata pwdeng gawin na gawa na namin magkakaibigan eh. Nagluto ng kung ano ano, naglaro ng kung anong pwde laruin, nag tiktok na din kami mga mare, hays ewan ko nlng talaga lahat ng sayaw memorize na ng mga kaibigan ko hahaha, nakakabaliw na din talaga nuh, eh kayo dyan, ano ginagawa nyoo? Hahaha. Bored na din ba kayo? Hahaha pare parehas na talaga tayo nito, wala nang magawa.

Alam nyo sa panahon ngayon di natalaga importante kung mayaman ka or mahirap nuh, may pera kaman or wala, sikat ka man or hindi, ang importante safe ka kasama pamilya mo, nakakain kayo ng maayos, pero dapat talaga may stock din kayo sa bahay nyo mahirap na baka di kayo sa virus mamatay kundi sa gutom, jusko.

Napapaisip tuloy ako sa pamilya ko sa Batangas, kamusta na kaya sila, last time kasi nagkasakit kapatid ko mabuti nlng madali lng nawala kasi kung natagalan yun nakuser, baka pagkamalan pa yun na virus jusko di kakayin ng powers ni mama yun baka mauna pa si mama himatayin kaysa kapatid ko, mabuti nalang talaga madali lng nawala. "Tawagan ko nga"

"Hello, ma?"

"Oh sai anak, kamusta ka dyan?"

"Okay lng naman ma, kayo dyan kamusta kayo? Okay na po ba si jekjek?"

"Oo anak mabuti nalang talaga naagapan agad, salamat sa diyos."

"Mabuti naman po, may pagkain pa bo ba kayo dyan ma?"

"Ay oo anak meron pa, salamat pala sa padala mo kahapon ha, nakapag grocery ako anak. E ikaw dyan ba ka di ka kumakain dyan ha, ingatan mo sarili mo, wag papalipas ng kain."

" opo ma, sge ma usap tayo ulit mamaya ma ha"

"Sge anak, ingat ka, mahal ka namin"

"Miss ko na sila"

"Sino namiss mo? Si ano? Ayiiee hahaha  "

"Hooy sinabi ko bang pumasok ka sa kwarto ko ha, di man lang marunong kumatok"

"Arte nito, oh heto baka gutom ka na"

Enabot sakin ni Mari yung chichirya na binili nila kahapon sa mall, nag ambag ambag kasi kami para sa stock namin dito sa condo, nanigurado na talaga kami baka kasi maubusan pa.

Tatlo kami dito sa condo, actually condo talaga to ni Sari nakikisiksikan lng kami dito ni mari, eh kasi yung apartment na inuupahan ko pina alis lahat ng umuupa, ang hayop ng ugali nung may ari kala mo ang yaman, yumaman lng naman dahil may foreigner tsk. Si Mari naman ay di na nakapag bayad sa balance ng condo nya sa makati kaya pina alis din sya, sinabihan din sya ng jowa nya na mag stay sila together, di pumayag si mari baka kasi magka instant baby sila nakuser mapapatay si mari sa Papa nya, kaya nag decide si sari na dito nalang kaming dalawa mag stay, basta ambag ambag kami sa pagkain dito, ang swerte namin sa prend namin nuh, bait talaga, maasahan mo always hahaha.

Nakatulala pa rin ako dito sa may bintana namin, pagabi na pala, alam nyo hinihintay lng talaga natin gumabi nuh tas umaga nanaman tas magmumukmok nanaman dito hihintayin gumabi hays.

"Sai, tapos ka na ba mag emote dyan ha?"

"Oo tapos na, gusto mo pumalit sakin?"

"Gaga ka talaga, halika na kakain na tayo, nagluto si sari nang paborito natin."

Kaya gusto gusto ko din dito mag stay eh, may kaibigan pa kaming magaling magluto, swerte talaga namin ni mari kay Sari.

TAKE ME BACK TO 2011Where stories live. Discover now