Take Me 10

1 0 0
                                    


#10.

"Atee saaiiii" tumakbo palapit sakin si jekjek tas sabay yakap

Sinundo nga pala ako nila mama dito sa airport, sabi ko naman na wag nalang para e surprise sila  kuya e sabi naman ni mama na nasabi na nya na babalik kami ni ate, sabay na din kami ni ate umuwi kaya ang saya saya ni mama na kompleto ulit kami.

Bago kami umuwi sa bahay ay dumaan mona kami sa restaurant para kumain, hindi daw nakapaghanda si mama nang kakainin namin sa bahay dahil excited sya na sunduin kami, eto talaga si mader oh, hahaha.

Masaya lang kami nagkwewentuhan, tanong nang tanong din si mama sa trabaho ko, kung okay lang ba daw, komportable ba daw, may mga kaibigan na ba daw ako, sabi ko naman okay lang naman yung trabaho ko tas nag eenjoy din naman ako. Nagtanong din si mama kung may boyfriend na ba daw ako.

"Ay naku ma, si sai wala pa rin boyfriend,"
Sabi naman ni ate.

"Naku nak, wala ka bang nagugustihan dun sa maynila ha?" Tanong ni mama

Meron naman ako kafling dati pero kafling lang di rin nagtagal tsaka ayoko sa commitment e, e ang ending naman maghihiwalay kaya di nako naghanap tsaka di ko rin naman feel.

Pagkatapos namin kumain at mag chikahan ay umuwi na din kami, pag dating namin sa bahay ang dami nang nagbago, mas lalong lumaki yung bahay tas naka tiles na din tas sa likod naman puros halaman ni mama mga gulay na pinagtanim nya mahilig kasi si mama sa mga tanim kaya halos tanim nakapalabot sa bahay, kaya ang presko presko dito para ka nasa probinsya ang sariwa ng hangin.

Kinabukasan ay ganun pa din, nag usap sa pagkainan nagtawanan nag asaran pa kami magkakapatid, eto yung part namimis ko, yung sabay sabay kami kumakain tas nag aasaran nagtatawanan parang dati lang. Pinagusapan na din namin yung tungkol sa Birthday ni mama kung anong mga ulam na e hahanda tas sino yung iimbetahin, hindi naman kasi magarbo yung party, alam nyo yung pang family lang ganun, yung sakto lang sa budget namin.

"Ate sai selpon mo ata yung nag riring oh" sabi ni jekjek, kaya kinuha ko yung phone ko sa may tv, si annie pala yung kanina pa tawag nang tawag.

"Hello?"

"Uy bruha nasa batangas ka na pala di ka man lang nag text oh tumawag man lang, gaga to"

Saad naman ni annie, di ba pwede nakalimutan ko lang tsaka wala akong load nuh, wifi lang yung gamit ko dito, tsaka di pa naman ako nag oopen sa messenger kaya di ko na napansin.

"Sorry naman nakalimutan lang, oh bat ka ba napatawag?"

"Grabe ka bespren mo ko kinalimutan mo, di mo man lang ako kakamustahin tsk"

Ang oa talaga neto.

"Di ka talaga nagbago nuh haha, oh kamusta ka na?  May nabalitaan ako, may jowa ka na daw, ay asawa pala haha"

"Ay oo gaga, haha yan yung e kwekwento ko sayo, e kasi naman di tayo naguusap through phone kaya di ko na nakwento sayo nangyayari sa buhay ko, perooooo nandito ka naman kaya punta ka sa kasal ko ha......"

Mabuti pa to e kakasal na, samantalang ako single pa din hanggang ngayon.

"Uy.... wait... hahahha gaga to, totoo talaga? E kakasal ka na? Teka sino ba yang lalaki na ginayuma mo"

"Grabe ka, di ko to ginayuma nuh, mahal talaga ako neto hahaha, aayy bastaaa.. punta ka sa kasal ko next month, wag na wag kang mawawala dun ha".

Nag yes lang ako sa invitation ni annie, next month pa naman yun, naalala ko tuloy dati nung nasa college pa kami patay na patay si annie kay Opeth noon, halos mamatay nayan si annie kakahabul kay Opeth noon e.

TAKE ME BACK TO 2011Where stories live. Discover now