Ava Monique Larazabal's Pov
Ngayon ang uwi namin pabalik ng Pinas, nagtext ako kay Rafaela na sunduin ako sa NAIA para matapos na itong dapat naming tapusin.
"Ang lalim ng iniisip mo yata Ava" Puna sakin ni Rea.
"Hindi naman, mga random thinking lang" ngiti ko sa kanya.
"Miss mo lang si Devie eh" pangungulit ni Logan. Ngumisi naman ako sa kanya.
"Hindi nga pala ako sasabay sa inyo pauwi, mag tataxi na lang ako. May pupuntahan pa ako eh."
"Hindi ba pwedeng ipagpaliban yan? pagod ka pa sa byahe eh" katwiran ni Rea.
"i'm fine" hawak ko sa kamay niya.
Sumaglit muna ako sa banyo ng eroplano para magpalit ng damit at mag disguise para hindi mahalata ng mga tao. Nag fitted pants nalang ako at white shirt sa loob naka tuck in then wearing my leather light pink jacket and wearing my aviator and a cap. Inayos ko rin ang hair ko into a bun style, and wear my choker Pogi na ba? Then pinauna ko na muna sila Rea para di kami dumugin.
Pagkababa ko ng eroplano, naisipan ko munang pumunta sa isang coffee store.
Nakatayo lang ako sa harap ng vending machine, i prefer ice coffee dahil dito narerelax ang isipan ko kesa hot coffee.
Matagal akong nakatitig sa vending machine, hindi ako makapili kung anong flavor ang kukunin ko.
Naramdaman ko nalang na may taong tumabi sakin at nakatingin rin sa vending machine.
"Kung ikaw ang tatanungin, anong flavor ng coffee ang pipiliin mo?" out of nowhere na tanong ko sa katabi ko without glancing him or her. Parang nakatulala lang ako doon. Kung ako kasi ang tatanungin, hindi ako nag ta try ng ibang flavor, dun ako sa nakasanayan ko na. Yung unang natikman at nalasahan ng dila ko the first time i try to drink coffee.
"Yung flavor na una kong nalasahan" Saka lang ako napalingon sa taong nasa tabi ko dahil pareho kami ng nasa isip.
"Hello Ava" seryoso siyang tumingin sakin at kitang kita ko kung gaano kaganda ang kanyang mga mata, ang napakaganda niyang makapal na kilay pero linis na linis ang pag kaka thread. Though hindi niya nakikita ang mga mata ko dahil sa suot kong aviator sun glassess.
Umiwas na ko ng tingin dahil naturunaw ako sa titig niya kaya naman Nag select na ko ng coffee na kukunin ko sa ve ding machine, dalawa kinuha ko para tigisa kami.
"How did you know na nandito ako?" Tanong ko sa kanya pagkalabas namin dito sa coffee shop.
Nasa may labas si Tom at si Jerry, yung mga Men In Black niya.
" Guess" Tumigil naman ako sa paglalakad dahil parang hindi naman kapani-paniwala na hula lang niya yun.
"Di ako naniniwala" sabi ko sa kanya.
"okay fine, pinasubaybayan kita sa guards ko" pag amin niya.
"Hinihintay ko lang na sabihin mo yan" irap ko sa kanya though hindi naman niya kita.
Sumakay na kami sa kotse nya, ngayon ako nakakaramdam ng antok dahil sa pagod at dahil sa kapeng ininom ko, yes mas nakakaramdam ako ng antok kapag ice coffee ang iniinom ko, mas effective to sakin.
"Pumapayag na ko sa gusto mo"bulong ko sa kanya dahil nakakaramdam na talaga ako ng antok. Tumingin ako sa kanya kasi hindi manlang sya nag react.
"Any violent reaction?" taas kilay ko sa kanya, ngayon malinaw ko ng nakikita ang kanyang makinis at napakagandang mukha.
Hinawakan niya ako sa ulo ko at pinasandal sa balikat niya, lalong namumungay ang mga mata ko.
"Alam kong papayag ka, now. Sleep
Mia Bella(My Beautiful)" parang idinuduyan ako ng antok sa kanyang boses. Right in her arms, I feel comfortably safe.
BINABASA MO ANG
Her Submission Book 3 (SPG, GxG)
HumorBook 3 of Sucker for Love Club Series Ava Monique Larazabal, a wild sexy free as a bird model who loves partying, drinking and gambling that leads her to her dilemma. Find out her story