Chapter 13

3.2K 167 20
                                    

Adriene Rafaela Von Stein's Pov

Hindi ko mapapatawad ang babaeng yun kapag may masamang nangyari kay Ava at sa baby namin. Kung hindi niya kinuha sakin si Ava, hindi kami dadating sa puntong nasa Emergency Room ngayon si Ava.

"Ava is a fighter, hindi niya pababayaang mawala si Baby so dont worry" Hinawakan ako sa kamay ni Andrea.

Nandito kami ngayon sa waiting area.

"I think you need to rest too, Ako ng bahalang mag hintay kay Ava" pilit akong ngumiti sa pinsan ni Ava para hindi rin siya mag alala dahil buntis rin siya.

"No, i'll stay. gusto kong makita ni Ava na nandito ako para sa kanya.

"Thank You"Ngiting sabi ko.

"You really love her dont you?"tanong niya sakin habang pareho kaming nag hihintay, Kasama ngayon ni Saskia at Logan si Devie, hindi ko na muna siya inintindi pa dahil mas mahalaga para sakin si Ava.

I glance at her beside me. "Yes, I really love her. Hindi ko sila kayang mawala pareho ng baby namin. Hindi pa ko pa siya natatanong kung pwede ko na ba siyang maging girlfriend dahil kinokonsidera ko pa ang nararamdaman niya sa ngayon, ayoko siyang ma stress o madaliin. Ang gusto ko lang ay masigurado ang kaligtasan niya."

Labas ang doctor mula sa ER.

"Are you with the patient?"

"Yes doc, how is she?" Seryosong tumingin samin ang doctor at huminga ito ng malalim.

"the mother is fine, nastress siyang masyado kaya nagkameron ng bleeding."

"how about the baby, doc?" tanong ni Andrea.

"tatapatin ko kayo."tiningnan nya kami pareho. "Muntik ng malaglag ang baby, Mahina ang kapit nito dala na rin marahil ng pagkastress ng ina, Sensitive ang pagbubuntis niya at dapat hindi siya na stress. Pinainom ko na siya ng gamot para kumapit ang baby. "

"Thank you doc" medyo relief na ang pakiramdam ko kase nagawang lumaban ng mag ina ko.

"ililipat na sya sa private room"

"Thank you po" sagot ni Andrea.

Hinintay namin si Ava na ilipat sa private room, nakahiga sya sa stretcher at mahimbing na natutulog.

Once na makarating kami sa private room niya ay dahan dahsn siyang inilipat sa kama.

"Andrea? why dont you rest for a while? may kwarto naman for visitors dito"

"Paano si Ava?"

"babantayan ko muna siya" ngiti kong sabi sa kanya.

"Sige, medyo inaantok ako eh, pakisabi nalang sa asawa ko"

"okay I will" naupo ako sa katabi ni Ava, hinahaplos ko ang namumutla niyang pisngi.May nakakabit na dextrose sa kaliwa niyang kamay.

"Ava, honey . Im here, hindi ko kayo pababayaan ng magiging anak natin" I caress her beautiful face.

"R-raffy" mahina nyang sabi. Hinawakan ko ang kamay niya at idinilat niya dahan dahan ang kanyang mga mata.

"Ava" tawag ko sa kanya at sa tagal ng panahon na hindi ako umiyak, ngayon nalang naulit.

"Raffy" niyakap ko siya at maging sya ay mahigpit na yumakap sakin.

"How's your feeling Cara Mia?"humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang mga luha ko.

"Why are you crying?What happened to me?" Tiningnan niya ang paligid at ang kamay na may dextrose.

"You were bleeding at isinugod ka namin dito sa hospital"

Her Submission Book 3 (SPG, GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon