Adriene Rafaela Von Stein's Pov
I can't contain my happiness now, Ava giving birth to our healthy baby girl, and Now she's here, in my arms.
"Kamukhang kamukha nyo po siya Emperor" masayang sabi ng doctor sakin. Karga ko siya sa aking mga braso, hindi ko maiwasang maluha habang pinag mamasdan siya. Mahimbing siyang natutulog ngayon after nyang dumede kay Ava.
Sandaling kinuha siya sakin dahil dadalhin daw sa infant room. Pwede daw akong sumama para panuorin ang baby ko. Si Ava naman ay pinatulog muna dahil sa pagod, ililipat rin siya sa Private Room na pinareserve ko. Sina Mama muna ang kasama ni Ava dahil sabi ko sasaglit lang muna ako sa baby namin.
"Congrats My Emperor" nakayukong sabi sakin ni Natasha.
Niyakap ko siya at umiyak sa balikat niya.
"Thank You Tasha, my dreams do come true."She caress my back.
"Yes, with the love of your life. Im so happy for you my friend" naghiwalay na kami ng yakap at maging siya ay naluluha na rin. Napangiti ako sa kanya dahil hindi ko maiwasang maging emotional, kilala niya akong matapang na tao pero kapag family matters na, nagiging pusong mamon na ako.
"She's so beautiful" saad niya habang pinanunuod namin sa salamin si Baby Evan Lyneth.
"Yes" ngiting sabi ko. Tumingin ako sa kanya. "I hope you'll find someone na makakasama mo sa pag tanda" Napakamot naman siya sa batok niya.
"Let's hope to that, after all, we're not getting any younger, I want to settle down din naman soon. "ngiting sabi niya. I think matutuwa si Ava kapag nalaman niya ang sagot ng kaibigan ko.
Sabi ng nurse na nagbabantay sa baby namin lilinisan lang si baby at iinjectionan ng pang bakuna bago dalhin sa room ni Ava.
Hindi na muna sumama sakin si Natasha dahil may meeting pa daw siyang pupuntahan, babalik nalang daw siya kinabukasan.
"How's Ava?" tanong ko kay Mama.
"She's sleeping" Ngiting sagot nya sakin. At nakita ko ngang mahimbing na natutulog si Ava.
"Kelan dadalhin dito ang apo ko?" excited na tanong ni Papa.
"Maya maya po, nililinisan palang po si Baby" sagot ko.
"Ang next mo namang gagawin apo, ay pakasalan ang ina ng anak mo" hawak sa kamay ko ni Lola Esmeralda.
"I will, As soon as possible" sagot ko sa kanya.
"R-raffy" tawag sakin ni Ava habang nakapikit.
"Lapitan mo na ang girlfriend mo" sabi ni Mama.
Lumapit ako sa kanyang tabi.
"Hey sweety. Anong masakit sayo?"Tanong ko sa kanya.
"Yung vagina ko" sagot niya at napatawa naman ang lahat sa sinabi niya, nagulat pa siya dahil marami palang tao sa kwarto niya kaya napatakip siya ng kamay sa kanyang mukha.
"Silly" ngiting sabi ko at sinuntok ako sa kamay.
"Si baby?" tanong niya.
"Nasa infant room pa, dadalhin dito maya maya. Nagugutom ka ba?"
"Hindi pa naman. Medyo nanghihina palang ang katawan ko" pag amin niya.
Ilang sandali pa at dumating na ang nurse na may hawak kay baby at ang doctor ni Ava.
"Awww, so cute" saad ni Mama.
Dahan dahang iniabot ng nurse si baby Evan kay Ava. Naluluha muli si Ava.
BINABASA MO ANG
Her Submission Book 3 (SPG, GxG)
HumorBook 3 of Sucker for Love Club Series Ava Monique Larazabal, a wild sexy free as a bird model who loves partying, drinking and gambling that leads her to her dilemma. Find out her story