"Bakla! Saan 'yong gunting?!"
"Utang na loob nasaan ang glue gun?! Mga putong masarap kayo!"
"Juice co, ang poster paint! Melanie, HELLLLLLLPPPPPP!"
I slammed the laptop close. Maingay. Mainit. Nakakawala ng pasensya at gana. Nakakainis rin. Hindi ako makafocus sa ginagawa kong report sa Investigatory Project namin. I took off my glasses and looked around. Parang scholarly version ng Divisoria ang buong classroom. Hindi kami sumisigaw ng mga paninda; sumisigaw kami ng mga pangalan, materials, at kung ano pa. Isama mo pa ang nakakabwisit na mga bad words na parang maitim na usok na pumapalibot sa classroom namin.
I sighed. It has been only four months ever since nagsimula ang school year, pero parang nasa impiyerno na kami for like 100 years. Habang ibinabalik ko sa laptop sleeve ang aking laptop ay biglang lumapit si Reyna.
"Cat, tulungan mo naman ako oh. Ang survey paper kasi..." She sighed.
I stared at Reyna's face. Parang tumanda na siya- forced to grow up because the complcations life gave her. Makapal na ang eyebags niya dahil sa kulang ng tulog at medyo magulo na rin ang buhok niya.
"Uy, Cat. Ano? Tutulungan mo ako o hindi?" She sounds exasperated.
"Ah- teka, teka." Tumayo ako at sinundan siya patungo sa kanyang seat. Itinuro niya sa akin ang kanyang MacBook na naka full brightness at idinidisplay ang kanyang tinype.
"... and according to our recent research, 327 students in Scholastica Academy are afraid of the prejudces that will be set against them if they do not follow the stereotypes society has set in for them. Only a few 130 were brave enough to say that they will follow what they wanted for themselves without minding the other people."
"Oh, wala namang problema ah?" Medyo nalito ako. "Bakit mo pa ba ako tinawag?""Sabi ni Bakla, nasa iyo raw iyong survey report mula sa St. Jude's. Hindi ko makokompleto ang paper kung wala iyon."
I gulped. Patay. Ang survey paper. Sa huli kong naalala, nasa bag ko lang iyon. Agad akong bumalik sa lugar ko at hinalughog ang bag. Wala. No sign of life whatsoever. Tumayo ako na medyo kinakabahan habang tinititigan ko ang nakakatakot na mukha ni Reyna.
"Gruke?..." Tumaas ang kilay niya.
"Ah eh.." I gave her a sheepsh smile. "W-wala eh. Hehe."
Lumapit sa akin si Ventresca. Oo, mas matangkad ako, pero nakakatakot pa rin ang babaeng 5-flat ang height. "Pinagkatiwalaan kita. Tapos sasabihin mong naiwala mo ang report? Mahiya ka naman Gruke! Ako na nga ang nagtiyaga na pumunta sa mga survey areas at gumawa ng mga survey forms, at gaganitohin mo ako? Mahiya ka!"
"Akala mo ba ginusto ko ang nangyayaring ito? Hindi! Kaya manahimik ka! Hindi ko sinsadyang maiwala ang papel na iyon!" Banat ko naman.
She smirked. And once again I found myself terrified of this small girl infront of me. "Gruke, as your group leader, may kapangyarihan akong babaan o taasan ang grades mo. Kaya..." -she inched her face closer to mine- "huwag kang burara." She smiled and left.
Tinitigan ko lang siya habang lumalayo na siya sa akin at may inasikasong ibang bagay. Nang malayo na talaga siya sa akin ay napapasigaw ako ng mga bad words.
"Huy, ok ka lang?"
Napalingon ako kay Tech na nakatingin sa akin. "Ano sa tingin mo?"
"He he." Tech rolled his eyes. "Haggard ka, haggard ako, haggard tayong lahat."
"Bullshit then."
"HOY!" Biglang sumigaw ang isang teacher. "WATCH YOUR MOUTH YOUNG LADY!"
Nakagtinginan lang kami ni Tech at tumawa siya. "Ayan. Bullshit pa more."
Lumingon ako sa teacher na nakasimangot pa rin at ibinalik ang tingin kay Tech. "Dala iyan ng stress, Tech."
BINABASA MO ANG
Barriers- The Sequel to Nang Dahil Sa Tekken
Teen FictionWelcome to hell. Grade 10. Last year na ng junior high school sa Loyola International School, pero the stress- umabot na sa maximum point. IPs, thesis papers, economics- di na yata kinaya ng mga taga 9-Lithium- na ngayon ay umapgrade na sa 10- Keple...